Chapter 25 NAKAKAINIS TALAGANG Cedrick na ito. Akala ko nagandahan siya sa akin kasi kanina nagulat siya ng makita niya ako. Naku! Hindi manlang siguro ito nakakakita ng kaganitong ganda na nilalang? Kaya parang walang reaksyon? Alam kong pakipot lang ito eh, mainis nga siya. Ano kaya ang magandang ipainis sa kaniya para malaman ko kung nagandahan siya sa akin? Hmmm. Isip! Isip! Isip! "Saan pala tayo pupunta? Cedrick?"tanong ko sa kaniya habang nagpapa cute sa kaniya. Mukha naman siyang nagulat nang makita niya ako. Napatitig naman siya sa mukha ko. Mukhang nalulun nga niya ang sarili niyang laway eh. Muli naman niyang ibinaling ang atensiyon niya sa pagmamaneho. Haha. Akala niya ha. "Di ba? ki--kina ma--mama at pa--papa mo di ba?"sagot naman niya. Ooh nga pala. Teka mukhang nangingini

