Chapter 27 After one week... ANG BILIS TALAGA ng panahon. Isang linggo na ang nakakaraan matapos ang mga pangyayaring iyon. Ngayon andito kami ngayon sa America. Ako lang ang nandito. Hindi ko kasama sila mama at papa pati ang kapatid kong si Mesy. Andoon sila sa Pilipinas. Ang kasama ko ngayon dito sa America ay si Mr. Walang Modo. Alam niyo na iyon kung sino. Kahapon palang kami nandito. Kakarating lang namin hindi ba? Pero ito kasal agad. Kasalan agad-agad. Ayaw ko pa nga eh, kaso wala kaming magawa dahil si Sir Federilo na ang nagsabi. Andito ako ngayon sa silid ko. Inaayusan ako ng mga make-up artist. Hindi ako komportable kanina pa. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o ewan, dahil magiging asawa ko na talaga si Cedrick. Talagang sa loob pa ng dalawang taon. Napagkasunduan

