Chapter 20 AGAD NAMAN akong bumaba ng kotse ni Cedrick. Sumalubong sa akin ang isang napakalaking bahay. May garage na napakalawak pati garden at lawn. Napakataas na bahay. Napakalawak ng space. Napa nganga talaga ako sa bahay ni Cedrick. “So? Nagustuhan mo ba angplace?”tanong sa akin ni Cedrick. Tango lang ang naitugon ko. Hindi ako nakapag-salita dahil sa dala ng pag-kagulat. “Wag kang mag-alala. Dito ka naman titira eh.”sabi niya. Sabay higit sa akin at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Mas maganda pala sa loob. May ilang chandelier sa ibabaw ng kisame. Iba't iba ang hugis nito. Mga couch na mamahalin ang style. Mga mesa na salamin lahat at hagdan paitaas na parang sa palasyo mo lang makikita. Pero meron din palang sa bahay lang o di kaya tawagin nating mansyon. “Ena, ang mg

