Chapter 49 "SI KERSTEN at David ang... Master mind..." Napatayo ako bigla nang marinig ko ang sinabi sa akin ni Cedrick. Ang ahas na iyon? Kaya pala ang init ng dugo ko sa kaniya eh! Siya pala ang may kagagawan ng pag-patay kay Angelo. Talagang hindi siya naawa? Pinatay pa talaga niya? Hindi ba ako na lang sana ang pinatay niya noon? O sana binugbog lang nila si Angelo hindi 'yung pinatay nila. Napa kuyom ako ng kamao. Agad naman akong pinakalma ni mama. Agad namang kumuha ng tubig si papa at ibinigay sa akin, ininom ko naman agad. Si Mesy naman ay lumapit sa akin. Si Cedrick naman ay lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Paano mo na laman?"taka kong tanong sa kaniya. "Kay tito. Siya ang tumawag... Iyon nga ang sinabi niya. Si Kersten at David ang master mind."sino ba 'yang D

