Chapter 47 WALA NA namang pasok ngayon araw at siguro mag-mumokmok na naman ako sa loob ng bahay sa loob ng dalawang araw. Wala pa naman akong magawa. Pagbaba ko ng hagdan ay nakasalubong ko si manang Nena. Karga-karga si Luan. Nagsumipag naman ang mga katulong. Dahil sinabi ko sa kanila na kapag mag-patamad-tamad sila ay mawawalan sila ng trabaho kaya. Ayan, nagsisikap na sila. "Good moring Miss P."ngumiti lang ako sa mga bumabating katulong sa akin. Lumapit ako kay Manang na dala-dala si Luan. "Kakagising lang po ba ni Luan?"tanong ko sa kaniya. "Ooh, kaya ito pinapahanginan ko lang." "Ako na po."sabi ko sabay kuha sa kamay niya si Luan. "Kakain ka na ba ng almusal?"tumango lang ako kay manang kaya agad naman niya akong iniwan. Nilalaro ko si Luan. Hindi naman pala magiging

