Chapter 59

1507 Words

KANINA pa pasulyap-sulyap si Zia kay Lucian habang nagmamaneho. Hindi niya alam kung ano ba ang meron at parang galit ito. Mula pa kanina, sa hapag, habang kasalo nila sa isang masaganang hapunan ang pamilya nito ay kumibo-dili na ito. Sumasagot lamang ito kapag derektang tatanungin, ngunit hindi ito nag-aangat ng tingin mula sa plato na kinakainan nito. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na baka ayaw nito, o hindi pa ito handa sa ideya na ipakilala siya sa buong pamilya nito. Kung tutuusin ay si Lucero pa lang naman talaga ang nakikilala niya sa pamilya nito. At kung iisipin, ay hindi pa intensyonal ang pagkakakilala nila. Nagkataon lang na naroon si Lucero sa bar, kung saan sila nagpunta, kaya wala nang choice si Lucian kung hindi ang ipakilala siya sa kapatid nito nang gabing iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD