Mia’s POV At some point in my life, I realized that there is no sense in being angry. Hindi naman mababago nito ang sitwasyon. Naisip ko rin na magandang pagkakataon ito para lumayo sa magulo kong mundo sa Maynila. “Be careful what you wish for.” Ika nga ni Angel. Marahas akong napabuntong-hininga. Siguro nga, ito na ang karma ko sa paghiling ko na magpakalayo-layo. Well, it’s not bad after all. Kahit papano ay masaya rin naman pala rito. Mababait at welcoming ang mga tao. Kahit may pagkasuplada si Aling Angie may tinatago rin namang kabaitan. Minsan lang talaga ay hindi siya palangiti. Mag-isa lang kasi siya sa buhay kaya siguro minsan masyadong masungit. “Pagpasensiyahan mo na iyang si Angie. Medyo masungit kasi matandang dalaga na eh,” sabi sa akin ni Aling Neliza habang tinutulu

