Herson’s POV “f**k you all! Hindi ba’t sinabi ko sa inyo na huwag niyong aalisin sa paningin niyo si Mia? Kung may nangyaring masama sa kanya, gusto niyo mga bungo niyo pasabugin ko?” galit na galit akong nagsesermon sa 12 bodyguards na ini-assign ko na bantayan si Mia. Napasugod ako rito sa bahay nila nang malaman ko ang tungkol sa nangyari kanina. “Herson tama na, huwag mo silang pagalitan. Ako kasi talaga ang may kasalanan, sinabihan ko sila na umuwi na lang kasi nandito naman ako sa bahay na, tsaka matutulog na man na rin kaya akala ko walang gano’ng mangyayari,” pagpigil ni Mia sa akin. “Mia, please naman. Huwag mo namang i-compromise ang seguridad mo. Hindi pa natin alam kung maayos na ang lahat. Kaya sa ngayon, pagtigagaan mo muna ang maraming bodyguards.” Sabi ko na kasi, dapa

