Bella POV May mga tauhan pala kung umasta daig pa nito amo. Kailangan ko muna magtimpi dahil kung hindi masampal ko ito sa harap ko. "Bella, kalma lang hindi ka pwede manakit ng employee?" kausap ko ang sarili ko. "Oh, ano ngayon bigla ka ata tumahimik dyan," muli nitong turan sa akin. "Nakapagtapos ka nga ng pag-aaral ngunit ang sama ng ugali mo. Hindi ka ba, tinuruan ng magulang ng magandang asal!" saad ko sa babae. "Well, wala ka nang pakialam sa akin. Dahil buhay ko ito at walang ni sino man dapat mag pakialam sa akin. Kahit ikaw man iyon dahil kuto ka lang sa akin?" pagtataray nito sa akin. "Sige, ikaw na sabi nyan. Ngunit wag kang magsisi sa iyong sinabi," nga pala sino pangalan mo para hindi kita makakalimutan?" untag ko sa babae sabay ngisi dito. "Hindi mo, na dapat makila

