Bella POV Hindi ko akalain ganitong ka sarap magluto si Mama. "Anak! Nagustohan mo, ba' ang luto ko?" tanong nito sa akin. "Opo, sobrang sarap nga, kapag may oras ka, magpaturo ako sa' yo, Mama. Gusto ko rin matuto sa' yo?" masaya kong turan. "Sige, bakit hindi," masaya nitong turan sa akin. "Oh, anong pinag-usapan nyo," pahayag ni Papa sa amin. "Wala po, nagkatuwaan lang kami ni Mama. Nga pala bakit hindi mo kasama si Harris?" tanong ko sa aking ama. "Anak, may importanteng lakad lang sya saglit lang naman iyon," untag nito sa akin. Hay, naku palagi na wala si Harris. Ano kaya pinag-abalahan nito. Tinuon ko na lang ang aking sarili sa pagkain. Wala naman ako mapapala kung hintayin ko si Harris dahil mamaya pa ito uuwi. "Anak, kailan ang kasal nyo, ni Harris malapit na dalawa ang

