Bella POV Kinabukasan nagpaalam na kami kay Manang para umuwi ganun rin kay Carlos. "Babe, tara na," aya ni Harris sa akin. Alam ko nagselos ito sa pinakita sa akin ni Carlos. "Sige," sagot ko dito. Akmang hahawak ako ni Carlos para sya mismo ang magbuhat sa akin papasok sa loob. Ngunit pinigilan naman ni Harris ang pinsan nito. "Wow? Bro, kailan ka pa naging concern sa babae," untag nito sa pinsan. Napangiti sa tinuran ni Carlos. Kulang na lang balibagin nito si Carlos sa pader. "Wag kang, magtangkang akinin ang asawa ko. Dahil bala ang sasalubong sa ulo mo!" seryoso nitong sabi sa pinsan. "Relax! Hindi ka naman mabiro, Bro. Sempre hindi ako tipong lalaki papatol sa may-asawa na!" sagot nito. Napatawa ako sa dalawa na parang bata kung umasta. "Mabuti naman alam mo," untag ko

