Pinuntahan ko si Bella, sa kusina ngunit wala ito. Katatapos ko lang sa meeting kasama ang tauhan ko sa kumpanya. Kailangan namin ito tapusin sa bago namin patayong building. Restaurant at mall ang pinatayo namin sa Pasay. Pabalik-balik ako naglakad sa sala ng bahay ko. Tila ba may masamang nangyari . Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Bigla kasi ako nakaramdam na para bang may tumama sa katawan ko. Hindi nagtagal dumating si Bella at Carlos. Ang nakakainis pa puro dugo ang babe. "Damn! Carlos ano nangyari kay Bella. Bakit puro dugo ang paa nya?" galit na turan ko kay Carlos. "Harris, wag mo nga pagalitan si Carlos hindi nya kasalanan ang nangyari sa akin?" protesta ni Bella sa akin. "Paano ako hindi magagalit, kung ganyan ang itsura mo, hindi ka man lang nagsabi sa akin na a

