Rennei.
Habang nag lalakad lakad ako papunta sa garden, nakita ko si grace na naka upo sa isang bench. Nag cecellphone malapitan nga.
"Oy grace anong pinag kakahabalaan mo?" Tanong ko.
"Ah wala naman nag ffb lang naman, bakit?"
" wala naman, napansin ko lang busy na busy ka eh, may net ka?" Ako
"Oo may wifi dito eh, bilis nga" grace.
"Talaga, alam mo password?" Ako
"Hahaha, pinalagay ko lang kay sir bien" grace.
Napakunot noo ako, sinong bien?
"Sinong bien?"
"Yung bunsong anak nila maam cecilia"
"Ahhh. Buti binigay nya password nila sayo ne"
"Mabait naman sila eh, pero si sir eli, medyo may kasungitan yun, lalo na pag hindi nya kilala di ka man papansinin, pero pag nakilala ka na, mabait din, kaso madalang lang ngingiti at tatawa, makikita mo lang ngingiti at tatawa yun pag kausap yung pamilya nya, medyo masungit wahaha" sabi ni grace.
Wala sa loob na kinagat kagat ko ang labi ko. May pagaka masungit pala si eli, sabi ni manang mabait sya.
"Kala ko mabait sya" ako
"Ay oo mabait yun, kaso pag di ka talaga kilala di ka papansinin, pero mabait yun promise" Ngumiti lang ako.
Tiningnan ko si grace at mukhang tapos na itong mag sss. Maka pag sss nga, tagal ko ng di nag ffb, halos mag two two months na.
"Pwede mahiram yung phone mo grace, may sesearch lang ako"
"Oo ba, may sss ka? Add kita" si grace.
Pilit na ngumiti ako sa kanya, no way na i aadd ko sya no, makita pa kung ano talaga ako.
"Ay sensya wala akong sss eh" ako.
Kunwari malungkot para kapanipaniwala.
"Ay sayang naman, gusto mo gawa kita, madali lang naman gumawa nun, tapos aadd natin sina sir bien sa private account nila" grace.
Nagulat ako sa sinabi nito, may private account ang mga ito. Wow lang ahh, bat di ko naisip yun?.
"May private account sila?"
"Ay oo naman, si sir vince at sir bien lang may sss , si sir eli wala yun, pero twitter meron, yung lang alam kong active sya eh" grace.
Medyo nadismaya ako sa sinabi nito. Sabagay medyo maano din ang sss.
"Ahh, sige gawa mo nalang akong sss"
Pilit ang ngiting sabi ko dito, kung alam lang nito tatlo sss ko. Sang sss sa side ni tatay sa mendoza, at ang isa sa side ni mama ko guzman.
Medyo kasi mga insecure mga kamag anak ko eh, both. Kaya ayokong maki salo sa mga ka insecurities nila. At yung isa pala, for my personal only. Privacy ika nga.
"Ay sige sige, tapos aadd ko nalang sina sir bien at sir vince. Bibigay ko nalang sayo email and password" grace.
Pilit na ngiti ang binigay ko dito, kunwari masaya ako syempre.
"Uy samalat ne, pero pahiram muna ng cp mo, may sesearch lang ako ne" ako
"Oo ba, ito oh, dyan ka muna ne, may gagawin lang ako, pagkayari mo bigay mo nalang sakin"
"Ay salamat, you're an angel talaga." Ako.
Tumawa lang ito at iniwan ako sa bench. Ay salamat naman at mabubuksan ko na ang messenger ko.
Medyo kinakabahan ako, malamang madami na nag chachat kung asan ako, wala akong cp eh nasira. Hahahah.
Ayaw ng mag charge. Pumunta ako sa safari at dun ako nag open ng sss, dun sa private para walang na sasave lol.
(Dun kasi ako nanonood ng p**n sa private ?)
Pag ka open ko 12 messages 30 notifications, 20 friend request. Eto yung sss ko na pang akin lang.
Di ko pa nabubuksan yung sa mga family side ko. Binuksan ko agad yung message. At napailing nalang ako ng makita yung mga chat, mga pinsan na ka close at mga kaibigan. Isa isa kong binuksan yun.
Krizialyn mendoza.
9:23 am wednesday
"Rennei, akala ko bang after 1 month babalik ka na dito, loka hinahanap ka na satin, kinukulit ako ni tito bat di ka umuuwi at ni ate mo, loko nag papalusot nalang ako ng sasabihin ko, at malapit na akong maubusan, umuwi ka na di ko na alam pa yung mga sasabihin ko, at nag aalala na ako sayo ano ba naman rennei!"
Krizialyn mendoza.
10:12 pm monday.
"Hoy rennei! Isla Loka umuwi ka na nga, pinapauwi ka ni tatay mo! Di ko na alam pa ang sasabihin ko, ni kahit magparamdam ka man lang sana eh hindi loko napano ka na, napaparanoid na ako dito sasabihin ko na ang totoo."
Medyo kinabahan ako, syempre pinapauwi na nga ako.
Nag reply ako kay ate krizia.
Rennei isla Guzman Mendoza.
TUE AT 8:12 AM
"Ate krizh, dont you worry im alive and kicking. Wala lang akong net, at wala akong cp remember?. i found a job here, so dont yah worry. At yung mga gamit ko pala pwede mong paki kuha sa tour company, kung san ako nag pa book ng galaan, well as you can read, naiwan ko sa bus mga belongings ko, pls lang ate, love you. See you soon, I'll chat you soon, always take care muah muah muah! ???.
Rennei isla Guzman Mendoza.
TUE AT 8:15 AM
Ps. Im fine, I'll chat my sister too. so they will know that im still alive lol. Osya ingat ka dyan, wag mo akong alalahanin, maayos work ko dito, at di ako nag p****k baka yun ang isipin mo. Gegegege.
Inerase ko ang chat nito, ayoko lang may laman inbox ko gusto ko parating walang laman lol.
At yung di importanteng chat binura ko na kahit di ko pa nababasa. Di ko naman kasi sila kilala eh. Binuksan ko chat ni tina pinsan ko.
Christina mendoza.
12:01 am. Saturday.
"Hoy babae, bat di ka man lang nag paparamdam, alam mo bang alalang alala na kami sayo?, aba rennei matanda ka na di ka na bata, si tita gusto ng umupa ng tauhan papahanap ka lang, wala pa nga kaming sinasabi sa tatay mo na gumala gala ka na parang bata at walang kasama. You aren't t funny rennei, you make us all worried and thinking a different scenarios. You stressing us all!. Get your head straight and go home!"
Christina mendoza.
7:21 am sunday.
"Rennei if you ever read this, i am begging you, come home pls. You're scaring the s**t out of us, kahit mag chat ka man lang sana, oy humihinga pa ako wag kayong mag alala. Pero wala eh, kawawa naman si tita nag iisip kung asan ka."
Rennei isla Guzman Mendoza.
9:01 am tuesday.
"Christina, calm your t**s girl. I am fine. Nothing to worry about me, i found a nice job in here and it was nice to have a new surroundings, and dont ever think na nag p****k ako dude, you know im not that kind of girl. I'll chat tita later, pls stop worrying about me, im definitely fine and healthy. See ya soon muah hugs! ???. Ps. Missing you girl! ??????
Kung sino sino pa ang chinat ko sa sss account ko na iyon. Nag logout at binuksan naman yung sa side ni tatay ko, para ma chat yung tita ko na nag aalala, para na kasing anak turing nito sakin eh. May chat din ito sakin, tinatanong kung asan ako.
Rennei isla Guzman Mendoza..
9:15 am tuesday.
"Tita wag kang mag aalala sakin, ok lang ako, may work na ako dito, assistant ako nung asawa nung senator yung mga strattan, kaya wag kang mag alala sakin, ayos na ayos ako, nag iistay ako sa mansion nila, free foods na din un, mabait sila tita, kaya nothing to worry about, kilala mo ako tita kung nahihirapan man ako, aalis at aalis ako, di ako nag iistick sa isang bagay na nahihirapan ako. So dont worry ok, and stop stressing out, makakasama sayo yan. Im fine. And you take care, never forget to drink your medicines and etc. and pls dont tell anyone na nag wowork ako sa mga strattan tita. I want it satin atin lang dalawa. Cge na, i love you, godbless you muah! Take care! I miss you! ???????
Hinanap ko ang sss ng ate ko para i chat ko sya.
Rennei isla Guzman Mendoza.
9:25 am tuesday.
"Sis, paki sabi sa mga parents natin na ok lang ako, kaya di ako nakaka uwi nilipat nila akong branch dito sa vigan. At pinapasabi ko talaga kay ate krizia na busy lang ako, at ayokong ipasabi na nilipat nila ako sa malayo, ok lang ako healthy and alive, wala kayong dapat na ipag alala. Osya ingat kayo, papadalhan ko ng pare anak mo pag madami na ipon ko wahahha ggegegege. Bye ?.
Pagkayari nag nag logout ako, at inalis ko sa pag kaka private ang safari ng phone ni grace, mas mabuti ng nag iingat.
Tumayo na ako mula sa bench. It's time na mag aayos na ako, kasi ano mang oras darating na ang pamilya strattan. And she is actually nervous about it. Goodluck to her.