Rennei.
(Relax rennei isla, relax your boobs, it's just eli f*****g strattan, take a deep breath.)
My god. Nanlalamig ang kamay ko at namamawis. Nag iwas ako ng tingin at yumuko, di ko kayang tingnan ang intense na mata ni eli, parang pag tinitingnan ko sya kala mo buong pag katao ko binabasa nya. Goodness!
"Isla, tara na."
Gulat na napatingin ako kay manong driver number 2.
"Tara na" sabi ulit nito.
Na medyo naka kunot noo ito sa akin, nag palinga linga ako at shoot! Nakasakay na ang magkakapatid sa pick up ng mga ito at paalis na sa pagkaka park at ako naman ay mukha lang naman akong tanga na nakatayo dun at naka yuko, nakagat ko ang labi ko, alam kong kasing namumula ang pisngi ko, tangina nakaka hiya ito!
Dahan dahan kong pinakawalan ang hiningang pinipigilan ko at napapikit ako.
"Shiiiittttt..." bulong ko.
Naglakad na ako papunta sa pick up na sasakyan namin at napatingin ako kung naka alis na sina eli at viola! wala na nga ang mga ito. Sumakay na sya sa likuran, sa front seat sina manong driver 1 & 2.
"Umaano ka kanina dun isla, bat nakatayo ka lang? May sinabi ba si sir bien sayo?" Tanong ni manong driver 2
(Anak nang askal. Mag tatanong pa eh tsk)
"wala naman pong sinabi sakin si sir bien, ang mabait nga nya eh." Ako
"Hahaha, akala ko tutubuan ka na ng ugat dun eh, tagal mo ding naka tayo dun, at ilang beses na din kitang tinawag" si manong 2 ulit.
At nagtawanan pa ang mga ito. Napangiti din ako, alam nyo ba gustong gusto ko talagang nag papatawa ng mga oldies eh. Matatanda na kasi.
"Manong nasasarapan po ako sa hangin ng airport at busy po ako sa pag iimagine na pag aari ko ang airport na yun kaya di ko po kayo narinig at manong ang tsismoso nyo po ah, akala ko tahimik ka lang po" ako
Nag tawanan ang mga ito, masaya din naman palang kausap ng mga ito. Sila lang ang eenjoy
"Akala ko pa naman isla na star struck ka na kay sir eli kaya natulala ka dun "
at sabay na nagtawanan pa ang mga ito, na iki na pula naman ng mukha ko, mabilis akong nag iwas ng tingin sa salamin at tumingin sa labas, baka mapansin pa nila na namumula ang mukha ko at malaman na totoo ang sinasabi ni manong HA HA HA! na intimidate ako sa way ng pag titig ni eli sakin.
"Uyy namumula yung dalaga hahaha, totoo ata sinasabi mo eh moy!" Sabi ni manong isa.
Bigla akong napatingin sa mga ito.
"Hindi po ah!, kayo naman po kasi eh ano ano po sinasabi nyo" dipensa ko sa sarili, syempre wala naman mag dedepensa sa sarili ako kundi ako lol.
"Uyyy defensive ang dalaga" biru pa ng mga ito, konti nalang mapipikon na ako. Totoo kasi eh.
"HA HA HA! Manong para po kayong mga bata, at wala po kayong proweba kaya po itigil na po natin ang kaguluhan na ito, matutulog na muna po ako heheh" ako para maka iwas sa mga kabaliwan na panunukso ng mga ito.
(Hindi bata! Para kayong mga tanga buset naiinis na ako ah)
"Isla bangon na anak, andito na tayo kalapit lang natulog ka pa" sabi ni manong 2
Dahan dahan akong nagmulat at napatingin kay manong 2, na niyuyugyug ako sa balikat, si manong 1 naman binababa ang mga bagahe mula sa likod ng pick up.
"Manong puyat po ako, ok na po, tatayo na po ako" ako ng patuloy pa din ito sa pagyugyug sa akin, akala ata rocking chair ako.
Tumawa tawa lang ito, at tinulungan sa pag bababa ng bagahe si manong 1, may saltik din si manong, ano kayang tinirada ng mga ito, lagi nila akong pinag tritripan yari mga ito sakin.
Umiiling iling na bumaba ako ng pick up at tinulungan ang mga ito sa pagbubuhat ng bagahe. Hahah konti lang naman ang mga bagahe sobrang konti kaya tutulungan ko na sina manong. Baka bukas na matapos kung silang dalawa lang.
1 hour later.
Napalunok ako, andaming PAGKAINNNN JUSKO PO!!!!
Napahawak ako bigla kay grace. Sabay lunok. Kala mo yung ngayon lang nakakita ng madaming pagkain.
"jusko grace kadaming pagkain!" Ako
"Baliw, talagang ganyan. Mamaya pag kaalis ng mga bisita, magtatakas tayo ng foods, tas dadalhin natin sa quarters nomo tayo, gusto mo?"
Tanong ni grace napatingin ako sa kanya.
(Ano daw? Nomo)
"A-ano? Nomo?" Takang tanong ko dito.
Anong wika ba yun? French? Italian?
"Ano ka ba naman isla, di mo alam yung word na yun? "NOMO" in short of inom, taga bundok ka ba?"
"Ba malay ko ba kung ano yung sinabi mo na yun, di mo nalang kasi sinabi na inum, ninomonomo mo pa." ako
"Ok fine, inum. Ano inum tayo?" Tanong ni grace.
"Sino kasama natin? Tayong dalawa lang? Loko para tayong tanga iinom tayo, tayong dalawa lang."
"Hindi iinvite natin iba, sina ate may at si anne, papayag yun mahilig sa alak yun, tas try kong i invite si nanay moreng, masayang kasama yun eh" grace.
"Oh, sige o sige kaso, wag tayong sagaran ah, di ako sanay umiinom"
(Kung alam ng mga ito mahilig kaming uminom mag pipinsan, bonding time namin inuman ahahaha yari sakin ang mga to.)
"Oo sige ako na bahala sa iinumin natin, papautos ko kay kuya ryan mamaya pagkatapos nang welcome party" grace.
Tumango tango ako.
"Oo sige, tara na punta na tayo sa kusina, gutom. Iniisip ko palang sa dami ng pagkain na yan, di ko na alam kakainin ko hahaha" ako
"Hahaha loko takaw mo, tara na nga"
Dumaan kami sa backdoor ng mansion, nang makapasok sila sa kusina nakita agad sila ni nanay selya.
"Oh, abay bat ngayon lang kayo? Kumain na ba kayo?" Tanong ni nanay selya.
"Ay di pa po nay, kaya pumunta kami dito para kumain na, nay nagugutom na kami" sagot ni grace.
"Abay kayong mga bata kayo bat di kayo kumakain, hala mag si pagkuha na kayo ng pagkain nyo" si manang.
Nagmamadali na kumuha sila ng plato ni grace at ng makakain kung anong meron sa kusina. Yung niluto kasi ni manang selya eh pang kanina lang pang tanghalian. Ngayon naka cater na, welcome party sa mga magkakapatid.
(Bongga no? Samin pag aalis kalang dun ka gagawan ng party, goodbye party hahaha!.) (Despedida yun di goodbye party tanga) sagot ng kabilang utak ko.
"Oo nga pala isla, tinatanong ka ni jane, san ka ba nagpupunta na bata ka? Kayong dalawa ni grace mag kasama ba kayo?" Manang selya.
Sumubo muna ako ng pagkain bago sumagot.
(Baligtad eh no, sarre wala akong manners, ang taong gutom nawawala sa sarili pag pg na pg na)
"Pinuntahan nya ako sa quarters makikinood daw ng tv nay" sagot ni grace.
"Bat po daw ako hinahanap ni ate jane manang selya?" Ako.
"Hindi ko na natanong hija, busy kase ako kanina. Sabi nya pagnakita daw kita sabihin ko nalang sayo na hinahanap ka nya"
Mana selya.
"Ay sige po pagkatapos ko pong kumain hahanapin ko nalang po sya" ako.
"Grace samahan mo ako ne? Hanapin natin si ate jane. Nahihiya kasi ako kung ako lang. Dami pamong tao na yan, yayamanin pa sila. Jusme" himutok ko.
"Ano ka ba naman isla, bat ka mahihiya eh, tao ka din naman. May mukha ka. Nahihiya ka ba talaga?" Tanong ni grace.
"Oo naman, sino di mahihiya kadaming tao" ako, nakanguso pa.
"Kung nahihiya ka magkumot ka isla, para wala ng makakita sayo. Di ka na mahihiya nun" seryosong sabi nito.
(Fota, seryoso ba to? Magkukumot daw ako para di na ako mahiya? Totoo ba yun???)
"Totoo yun? Mag kukumot ako di na ako mahihiya nun?" Takang tanong ko dito.
"Baliw!, lalabas tayo mamaya dun sa garden ibalot mo ang sarili mo sa kumot or ibalot mo yang ulo mo for sure di ka na mahiya nun ne?” Grace.
"Loko ka! Gagawin mo pa akong mumu, baka imbis na mahanap natin si ate jane, kulungan ang hanap ko kasi akala nila trespassing ako"
"Aba ikaw lang naman nagsabi na nahihiya ka. Bilisan na nga natin kumain. Iinum pa tayo". Grace
"Tara na grace, baka may kailangan si ate jane sakin".
"Wait lang iinum lang ako" grace.
Nang makainum na ito, hinila ko agad ito palabas ulit ng backdoor, ayaw ko ngang dumaan front door, daming tao.
(Mahirap na, baka damugin ako sa labas akala nila artista ako hahaha)
Habang naglalakad kami, hila hila ako sa wrist ni grace. para akong bata ne?.
Kasi po mas kabisado ni grace yung garden kesa sa akin. At medyo malabo mata ko. Kaya kawawa ako pagnaka apak akong-
(Ay putsa speaking of!. Napilay ako hayup!, yuck! yuckkkk!)
"Wait grace!, wait!, Yuck!, yuck!, yuck"
Inarte ko.
Kunot noo na tumingin ito sakin.
"Napano ka?"
"Napilay ako grace, napilay, eww, eww, ewww!"
Mangiyak iyak na sabi ko habang naka taas ang kaliwang paa ko.
"Ay tanga. bat di mo ba tinitingnan yang dinaraanan mo?" Grace.
"Ba malay ko ba na dito tayo dadaan, eh ang layo layo pa nito sa garden, naka jackpot tuloy ako. Mega jackpot pa, at di ko masyadong makita yung daan malabo mata ko at gabi na eh."
Ewan ko ba kay grace ano tong daan na dinaan namin, sabi nya ito na ang pika short cut na daan papunta sa garden, pero tengena ang layo.
"Tara hugas ka muna ng paa"
Nanlalaking mata na tumingin ako dito.
(Tang ina layo na yun babalik pa kami sa quaters?, syang mag isa bumalik dun kuha nya akong tubig pang hugas ng paa)
"Layo na yun babalik pa tayo dun?"
Tanong ko.
"Baliw, anong malayo 2 mins palang tayo mula ng umalis tayo dun malayo na yun? Ay grabe ka isla hahaha"
Ay 2 mins palang ba yun? Kala ko mga 30 mins na kaming nag lalakad. Mabagal lang siguro kaming mag lakad.
"Oo na 2 mins na kung 2 mins. Saan ako maghuhugas ng paa?"
"Dyan may alam akong hose dito eh" grace
Sabay turo ni grace kung saan man yung hose na yun, lumapit naman ako pa ika ika, at hinanap yung hose na sinasabi ni grace sa damuhan.
(Tang ina baka tae ulit makapa ku dito. Ayoko na uuwi nalang ako pag nagkataon)
"San ba wala naman dito, turo ka ng turo eh wala naman" ako
Nilapitan ako nito, medyo madilim kasi kung nasaan kami, pero naaaninag ko yung mukha ni grace.
"O hose, ewan ko ba ano kinakapa mo sa dyan sa damuhan isla, yan oh naka paikot kaya at naka sabit" grace
"Aba may sinabi ka ba sakin na wala sa ibaba at naka sabit at naka paikot, eh sinabi mo lang sakin dyan at turo mong pang ewan, baliw"
Tinawanan ako nito.
"Ay sorry, medyo nakalimutan ko din kung san banda eh hahaha"
"Ay ewan ko sayo, nakakainis ka"
"Ay sorry na isla, nakalimutan ko kasi eh, di ko rin maalala kung asan yung hose dito hinanap ko naman para sayo eh"
"Oo na, oo na abswelto ka na, tara na tapos na ako"
Hinila ko ang kamay nito at naglakad kami ulit.
"Grace sabihin mo sakin pag may nakakapilay, di ko makita malabo mata ko at madilim"
"Oo sige"
Habang nag lalakad kami, naaaninag ko na ang liwanag sa garden, maliwanag eh, at maingay na.
(Syempre party kaya maingay, minsan tanga mo ne isla, minsan lang naman)
"Hanapin na natin si ate jane, ng makabalik na tayo agad sa quaters, dun muna ako sa inyo" ako
Nag hanap hanap muna kami. sa may gilid gilid lang kami ayaw naming mag sentro jusko, sosyalin lahat ng mga busita. Ako naka flip flops, short at large v-neck na cotton na puti. Nakapambahay kaming dalawa.
Si grace naman naka dress, buti pa nga sya naka dress eh, ako di maka balik sa mansion at di maka pag palit ng damit, kasi mayroon ding tao sa mansion.
After 6 mins na paghahanap.
"Isla nakita ko na si ate jane ayun oh!"
Turo nito, tiningnan ko naman ang tinuturo nito, at ini squint ang eyes ko para makita ko ang itinuturo nito. hindi naman sa malabo na malabo, pag gabi na di ko masyadong maaninag.
"Nasaan? Di ko makita?"
"Ayun sya oh, may kausap syang babae, naka pantalon at naka sleeveless na kulay blue si ate jane"
Ginala gala ko ang mata ko hanggang sa jackpot, nakita ko sya sa may bandang gilid na mesa.
"Tara bilis grace, nang maka alis na tayo dito"
Hinila ko si grace, at nag mamadaling naglakad papunta kay ate jane. Halos iwas kami ng iwas sa mga bisita na pinagmamasdan kami, kaya lalo kong binilisan ang palalakad ko.
Medyo malawak pamo yung garden.
"Wait nga isla, bitawan mo muna yung kamay ko, hila ka ng hila sakin, nakakatama na ako ng tao, dahan dahan lang tayo, makakarating din tayo dun" grace.
Binitawan ko si grace, ayaw kong bagalan ang lakad namin, ayaw ko sa maraming tao, naiilang ako pag ganun. Gusto ko nang makaalis agad dito.
"Oh sorry, sige grace, wait mo nalang ako banda dun, (sabay turo ng place)
Puntahan nalang kita pag kayari kung nakausap si ate jane"
"Sige sige, susubukan ko din, kumuha ng makakain ko " grace
"Damihan mo ah, marasap pagkain nila eh" ako
Tumango tango naman ito. At naglakad na papunta dun sa lugar kung san ko tinuro na mag hintay ito.
Nag lakad na ako papunta kay ate jane, nagmamadali, iwas dito iwas dun. At sa kaka iwas ko shoot nakabangga ako. Malapit na ako kay ate jane eh, bat makakabangga pa ako.
Napanganga ako, nang maramdaman ang malamig na tumapon sa damit ko at nanlaki naman ang mata ko ng makitang unti unting pagbasa ng damit ko at unting unti pag bakat ng neon kong bra sa damit ko. Napasinghap ako sabay takip sa harapan ko. Habang ang nabangga ko naman nasa likuran ko ang bisig nito to para hindi ako matumba.
(Ay putang gala!, sinong satanas ang naka tapon ng champagne sa damit ko!! Kaka busit!)
Nag angat ako nang tingin. At lalo pa akong napanganga.
(Oh f**k! Sa dinami dami ng tao bat to pa, tinotorture ata ako ni god. Maka uwi na nga sa bataan huhuhu ???)