“HI!”
“Hi yourself,” matabang na sabi niya sa binatang nasa harapan na niya. “Wala si Mama nasa Hong Kong. Si Papa naman nasa London. Next week ka na bumalik, Rod. Iyon ang schedule ng uwi ni Mama. Magkikita yata sila sa Hong Kong then sabay na silang babalik dito.”
Buong kompiyansang naupo si Rod sa kaibayong upuan ng garden set na siyang inookupa niya. “Ganyan ba naman ang tamang pag-estima sa bisita, Miss Formilleza?” Mas lamang ang panunudyo kaysa pagsumbat sa tinig nito. “Hindi mo man lang ako pinaupo muna. Naligo naman ako, ah? Nag-toothbrush at nag-mouthwash din. Kung magsalita ka, para namang mamamalimos ako dito.”
Iniarko niya ang kilay. “Alam naman nating pareho na hindi ka na bisita sa bahay na ito. At puwede ba, Rodelio, huwag kang magsalita na mukha kang nakakaawa. Sa itsura mo pa lang—o sa amoy mo pa lang, kahit ignoramus ay hindi mag-iisip na pulubi ka.” Dumukwang siya dito nang kaunti. “Ano iyang amoy mo ngayon? Ferrari?”
He grinned. “Exactly. I’m driving a Ferrari this time so I might as well spray some Ferrari on my throbbing points.”
Napahumindig siya. “Que barbaridad! Kaya nga ba wala akong interes na makipag-usap sa iyo. Kahit kailan, hindi ka makakausap nang matino. Look… look at you! Hindi ka lang mayabang. M-malisyoso pa!”
Tumawa nang suwabe si Rod. “Nasaan ang malisya? I’m stating a fact. Ikaw ang nagbibigay ng malisya sa sinabi ko.”
“Throbbing points! Do… do you know what throbbing means?”
Ikinibit nito ang mga balikat. “Beating. Pulsing.”
“Yes, that. Pulsing. Kapag pabango ang pinag-uusapan, pulse points ang term not throbbing.”
“Kung magkakapareho ang kahulugan, there’s nothing wrong with my term throbbing. Alam ko naman kung bakit ka naeeskandalo.” Without any warning, ginulo nito ang salansan ng libro na nasa harapan niya. “Naapektuhan ka ng mga binabasa mong iyan.”
“Rodelio!” singhap niya pero bago pa niya magawang hamigin ang mga libro ay alam din naman niyang nabasa na ng binata ang mga titulong iyon.
“101 Nights of Grrreat s*x, 101 Nights of Romance both by Laura Corn, Light His Fire by Ellen Kriedman, Secrets of Seduction by Brenda Venus… The Art of Kissing… Iyan, dahil sa mga libro na iyan kaya kapag nakarinig ka ng throbbing, I’m sure iba ang pumapasok sa isip mo.”
Pinamulahan siya ng mukha. At gusto niyang isipin na dahil iyon sa pagkapikon dito kaysa sa kahihiyan na nabisto nito ang mga uri ng libro na pinagkakaabalahan niya.
“Wala kang pakialam,” mataray na sabi niya. “I’m twenty-six years old. Walang batas na magbabawal sa akin na basahin ang mga librong gusto kong basahin.”
“Yeah, right,” kaswal na tugon ni Rod pero sa mga mata ay naroroon ang tila panunudyo sa kanya. “Nakakaaliw lang malaman na interesado ka pala sa mga ganyang paksa. Hmm, s*x and romance. Maybe you want some more reads. May subscription ako ng Playboy. Ipapahiram ko sa iyo kung gusto mo.”
“Puwede ba? Sarilinin mo na lang iyang Playboy mo. These books, educational and informative ito, ‘no! Hindi ito pornographic.”
“Uh-oh, wala naman akong sinabing pornographic iyan, ah? And besides, Playboy isn’t pornographic. It’s a politically-oriented magazine. May centerfold as we all know pero, Calett, pang-merienda lang namin iyon kumbaga after reading mentally-exhausting conspiracy about famous personalities in the world.”
Umungol siya. “Huwag mo nang bigyan ng justification ang Playboy magazine mo, Rod.”
“I’m thirty-three years old. Hindi ko pagkakaabalahang bigyan ng justification ang pagsu-subscribe ko ng Playboy. Tell you what, I also have some Hustler. Iyon, hardcore talaga iyon.”
Kulang na lang ay umusok ang ilong niya. Sinamsam niya ang mga libro at padabog na tumindig. “Ewan ko ba kung bakit nakikipag-usap ako sa iyo samantalang pag-aaksaya lang naman iyan ng panahon.”
“Saan ka pupunta, Calett? Sa kuwarto? You want to read your books in private? Hey! What’s this?”
Nanlaki ang mga mata niya. bago pa niya nahablot ang package ay nailabas na ni Rod ang laman niyon.
“Akina nga iyan!” agaw niya sa isang DVD. Napakapakialamero mo.”
Hinayaan naman ng binata na maagaw niya ang mga iyon. “Pina-FedEx mo pa iyang ganyan? Kahit ako, may maipapahiram akong ganyan sa iyo.”
Sumusubo ang pagkapikon niya sa lalaki. Sa totoo lang, hindi niya balak na mabisto siya ng taong ito sa bagay na iyon dahil lalo siya nitong aalaskahin. Kung bakit naman mula’t sapul ay puro pang-aasar na ang ginagawa nito sa kanya.
Kung hindi nga lang magiliw dito ang kanyang mama. Baka nilagyan na niya ng lason ang isa sa hindi mabilang na tasa ng kapeng naipainom dito mula’t mula pa.
Pamangkin si Rod ng isa sa matalik na kaibigan ng kanyang mama. At kagaya ng ibang matrona, weakness ng mama niya ang alahas. At iyon ang forte ni Rodelio. Sa galing ng sales talk nito, kahit yata korona ni Queen Elizabeth ay magagawa nitong ibenta.
Understatement na sabihing magsuki sa alahas ang mama niya at si Rod. Kung minsan, mas mukhang mag-ina pa ang dalawa kaysa sa kanila. Pagdating sa mama niya, likas na malambing ang binata.
At kahit sa papa niya ay malapit si Rod. Of course, si Chad ang mas higit na kinagigiliwan ng papa niya. Pero iba rin naman ang karisma ni Rodelio. Kahit nga mga snob niyang tiya ay nagagawa nitong patawanin—at nabebentahan din ng alahas in the process.
Matagal nang halos labas-masok sa pamamahay nila si Rodelio. Hindi na ito basta pamangkin lang ng kaibigan ng kanyang mama. Para na rin itong anak ng mag-asawang Formilleza.
At iyon din marahil ang isa sa dahilan kung bakit sa simula pa lang ay tila palagi na lang ay nagka-clash sila. Parang hindi niya matanggap na may isang taong pag-uukulan ng mama niya ng pagtinging para sa isang anak. Para sa kanya lang dapat ang ganoong trato—dahil siya ang tunay at kaisa-isang anak ng mga ito.
“O, HINDI ka na nakasagot, Calett. Tsk! Nabisto kita, ‘no?” untag sa kanya ni Rod.
“Wala kang pakialam. Umuwi ka na. Hindi ka magkakapera dito.”
“Ang sakit mo namang magsalita! Hindi naman palaging pagkakaperahan ang ipinupunta ko dito. In case you don’t know, sinabi sa akin ng mama’t papa mo na puntahan naman kita dito kahit paminsan-minsan dahil nga wala sila.”
“Malaki na ako. Hindi ko kailangan ng guardian. Saka hindi ako naniniwala sa iyo. Sa village na ito nakatira ang halos lahat ng tiya ko. Kung mangailangan man ako ng tulong, sa kanila ako tatakbo at never sa iyo!”
“What if you need someone who you can discuss topics on those books of yours. Tatawagin mo ba si Auntie Pureza mo? Hindi kaya kaladkarin ka niya sa kumbento kapag natuklasan ang mga librong gusto mong basahin? Baka papaliguan ka ng holy water.” Tumayo ito at kinuha sa pagkakakipkip niya ang isang libro at bigla ay napasimangot. “Ano ba namang klaseng libro ito? Bakit selyado?”
Sa kauna-unahang pagkakataon sa paghaharap nilang iyon ay tumawa siya nang buong galak. “Because you have to tear up the pages first before you find out what’s written.” Kinuha niya dito ang libro. “I bought this through internet. Kung curious ka, bumili ka. Hindi ko ito ipapahiram sa iyo.”
“So, kaya pala kahit nandito ka sa terrace ay malakas ang loob mong kakalat-kalat ang ganyang libro? Selyado kasi.”
“Yes and no. Kahit makita iyan ng mga katulong, I don’t care. Wala namang menor de edad na nakatira dito. Saka dito ko sana balak umpisahang magpilas ng mga pahina kaso dumating ka. Doon na lang ako sa kuwarto ko. Go home, Rod.”
“Calett, sandali.”
“Oh, please. Huwag ka namang parang mama’t papa ko. Sila lang ang binibigyan ko ng lisensya na tawagin ako sa ganyang pangalan.”
“Para na rin akong kapamilya, Calett. Ilang taon na bang halos labas-masok ako sa bahay na ito at pinsan ko pa si Lorelle na kaibigan mo rin? Don’t be so cruel na tawagin kang Calett. I prefer to call you that way.”
“Mas gusto kong tawagin akong Scarlett.”
“As in Scarlet Letter? Mas gusto mong may notion of a******y ang pangalan mo?”
“Excuse me. Scarlett as in Scarlett O’Hara. Scarlett. Double T.”
Humagalpak ng tawa si Rod. “Double T. I won’t forget that. Mayroon din yata akong double T.”
Nanlaki ang mga mata niya nang makuha ang ibig sabihin nito. “Hudas ka, Rodelio! Lumayas ka na, utang-na-loob!”
“Don’t swear, Scarlett with a double T,” amused na wika nito. “Girls like you should not swear. Sayang naman ang maraming panahon at limpak na perang ginastos sa iyo para pag-aralin ka sa finishing school.”
“Makakalimutan ko talaga ang pinag-aralan ko kapag naman kagaya mo ang makakausap ko. Puwede ba, sa susunod na pumunta ka dito ay iyong nandito na ang mama ko. Siya, pagtitiyagaan kang kausap!” Isang pagkatalim-talim na irap ang pinukol niya dito saka niya sinabayan ng talikod.
Pabalibag niyang isinara ang pinto ng kanyang kuwarto. Basta si Rodelio ang nakaharap niya, bigla na lang umiitsa sa bintana ang composure niya. Ewan ba niya, alam na alam naman niyang bubuskahin siya nito pero napipikon pa rin siya.