"SUMABAY ka na pabalik ng Manila, Tia. Nang may makausap ako habang biyahe." anyaya ni Sir Andrew bago ito tuluyang sumakay ng Pajero. Nagpasundo ito sa driver nito.
Sa wakas natapos din ang three days business seminar. So far, peaceful naman nairaos ang okasyon. Walang banatan naganap sa pagitan ng magpinsan. I never thought, I'll experience something like this but it was beyond crazy. I was always at the edge of my seat whenever those two are around.
Nakakabaliw. Promise!
Ramdam parin ang animosity sa dalawa. Mahahalatang may iringan. But they remained professionals, when needed.
Kapag kami-kami lang ayun, walang pansinan. Palibhasa parang mga bata, maliit na bagay pinalalaki. Kaunting asaran, sineseryoso. Mga praning 'no? Mabuti nalang parehong guwapo.
"Tara na?"
Nagliwanag ang mukha ko. Why not? Abababa! Minsan lang ito. Ang huling sabay ko kay Sir Drew, five years ago pa noong secretary niya ako. May girlfriend siya noon, kaya no pansin ako.
Lumandi-landi ka naman, paminsan-minsan, Tia. Nasa edad ka na. Mas nakakahiya kung umabot ka ng forty, wala ka pang asawa. Aba! Lahi tayo nang magaganda. Walang matandang dalaga sa pamilya natin.
Iyon ang makabuluhang payo ni Nanay. Na siyempre, dahil mother's knows best, susundin ko ng bukal sa puso. Don't worry, 'Nay. Your wish is my command.
"Sure-"Nahinto ako pagsasalita nang makitang nakatayo si Sir J-Ty sa ilalim ng punong niyog. Busangot ang mukha, nakahalukipkip at kahit natatakpan ng dark shades ang mata pakiramdam ko nanlilisik iyon.
Kinuha niya ang kamay ko at pinisil-pisil iyon. Para naman akong natuliro. Si Sir Drew, ka-holding hands ko! Ulit!
"Tia?"
"P-Po?" Pero mas nakakatuliro pala sa pakiramdam ang titig ni Sir J-Ty. Tagos-buto. I saw his lips, twitched then his face seem to turn grim. Mukhang galit na!
I swallowed hard. "Thank you, for the offer. Kay Sir J-Ty nalang ako sasabay." At baka sesantihin ako ng kill joy kong amo kapag inuna kong lumandi.
"You sure?"
Parang gusto kong umiyak. Siyempre hindi. Err... Can I change my mind? It took me a lot of courage to smile and nod at him. "See you, tomorrow sir. Ingat po."
Bumuntong-hininga ito. He look disappointed. "Ang hina ko talaga sa'yo. Take care, ha?" Natatawang hinimas niya ang ulo ko bago tuluyang sumakay at umalis.
I was left in awe. He hold my hands and patted my head!
Am I dreaming? Ahahaha! Kinikilig ako. Crush din kaya ako ni sir? Napapadyak pa ako sa semento at nagtatalon. For awhile, nawaglit sa isipan si Sir J-Ty, na nakatayo sa kabilang side ng kalsada.
Hinatid ko pa ng tanaw ang papalayong Pajero. Kahit wala na iyon sa paningin ko, ngiting-ngiti parin ako.
"Tapos ka na bang kiligin?"
"Ay, baluga! Sir J-Ty! Ginulat mo naman ako." Tutop ang dibdib na hinarap ko siya. Nakalapit ito ng hindi ko namamalayan.
"So, anong pakiramdam ng maka-holding hands mo si crush?"His handsome face, looks so serious.
"Ang baduy mo, sir."
"If you really like him that much, bakit hindi ka sa kanya sumabay?"
Bakit nga ba? Kasi matalino ako, mas pinapairal ang isip kaysa puso. "Simple lang, you're my boss. "
Halatang hindi ito naniniwala.
"Hay, ang alam pati ng parent's ko, ikaw ang kasama ko pagpunta dito. Marapat lang pag-uwi, sayo ako sasabay. Alangan naman kay Sir Drew, magtataka mga 'yon. Conservative ho kasi sila."
"Iyon lang?"
"Mas maganda rin ang kotse mo, sir. Imagine, brand new BMW? Sosyal. Pang mayaman. Pang-gwapo. Bakit ko naman ipagpapalit iyon sa Pajero?"
"Bolera ka talaga. Sa susunod na yayain ka ni Drew, sumama ka na. Sayang ang chance mo, mapikot siya." Walang kangiti-ngiting usal nito.
"Pikot? Excuse me! Sa ganda kong ito, hindi ko na kailangan mamikot. Ako mismo ang hinahabol ng lalaki."
Tumango tango ito. Bahagyang ngumisi. "Kaya pala."
"Kaya pala ano?"
"Kaya pala thirty ka na, single ka parin." Masungit nitong pahayag.
"At least, ako kapag nagmahal faithful! How about you, sir? Ilang babae, ang pinagsasabay mo?"
"Well... 'yung last batch, lima silang pinagsasabay-sabay ko. Bakit gusto mong sumama? I can always accomodate you on the next batch."
And I am quite sure, lahat sila naikama mo na.
"Tsk! Tsk! No, thanks. Hindi ko talaga alam ang nakikita sa'yo ng mga kabaro ko. Ang tanga nila. Bakit sila pumapayag ng ganoon."
"Well..." He smugly point at his face. "Nakikita mo ba ito?" Later on, point at pocket also. "Pati ito? Pagkatapos magtataka ka pa? I am a God's-gift to every woman, Tia. Guwapo. Mayaman. Presidente ng isang korporasyon. Sikat na businessman. Every woman want's me. But they might have my body for awhile, never my heart."
"Ang hangin! Tinatangay ako, sir!"
Ngayon nauunawaan ko na. Those women, were only after his money and fame. That's why, ni isa hindi siya nagseryoso sa mga ito. Alam niyang kapag pinabayaan niya ang sariling mahulog sa mga babaeng iyon, siya rin ang matatalo. He may look powerful, tough and confident the truth is, deep inside he was scared.
Sa klase ng pagmamahal, na maibibigay nito sa isang babae, any woman would be more than lucky enough to have him. Pero mahaha-latang, nag-iingat siya to take the risks once again. Because he was preventing himself to commit the same mistakes and heartaches, he experience years ago.
I was speechless. Ang lalim ng hugot. But that must be the reason why he choose to be the heartbreaker.
Ito ba ang tinaguriang playboy ng taon? Wounded. Scarred. Broken? He may not look like it, but his heart might be the most torn apart and bleeding.
Sinong may kagagawan? Si Carrie ba? Gusto mong sabunutan ko ang babaeng iyon para sa'yo?
Humalakhak lang ito. "May ipagyayabang naman. Anyway, naka-empake ka na?"He take off his shades, and reveal his deep-set of eyes.
"Yes, sir. What time ang alis natin?"
"Tomorrow night."
"Ha?!!! Pero may pasok bukas."
"I know."
"Kaya dapat umuwi na tayo!"
"No. Just what I said, bukas ng gabi ang uwi natin ng Maynila. Ngayon kung hindi ka makapaghintay, you can take a bus home." Tumalikod na ito.
Napanganga ako. "Hey! Wait!"
Wattudu?!!
-
Ang lakas ng trip ng taong ito. Pasalamat ka amo kita! Putek! How am I going to go outside wearing this?
I was wearing a yellow two-piece swimsuit, which revealed my nice pair of legs and flat stomach. Disregard na iyong dibdib, parang wala rin naman. Kung may isaman akong ipagmamalaki iyon ang makinis at maputi kong kutis, malapad na balakang at maliit na beywang. People say I have such s nice body, bakit ko raw itinatago?
It was all Sir J-Ty's fault. He said, he would'nt allowed himself caught with a woman on the beach wearing a lousy swimwear. Makakasira raw iyon sa image niya. And by being lousy means, a pair of short and T-shirt. So, he bought me a two-piece swimsuit earlier and force me to wear it, if I won't I could render my recognition daw tomorrow.
Ang arte. Ang bait na amo! Sobra! Ipagpapatayo ko na ito ng monumento sa Luneta katabi ng kalabaw!
May kumatok sa pintuan. Nagmamadaling isinuot ko ang sarong at itinali ang magkabilang dulo niyon sa leeg ko, crosswise. Medyo naging komportable na ako nang magmistula iyong above the knee dress.
Binuksan ko ang pinto. It was Sir J-Ty, wearing only nothing but a dark blue boardshort and a white sando. May nakasabit din tuwalya sa leeg nito.
"What are you wearing?" He frown.
"Swimsuit."
"I know that! Did I tell you, you are allowed to cover it up?"
"Ang usapan, magsusuot ako ng swimsuit which I did. Pero wala ho kayong sinabi kanina na bawal akong mag-suot ng sarong."
"Pero sa beach tatanggalin mo na 'yan."He still look dissappointed and piss. "Let's go,"
Aba! Ayaw, sumuko! Hirap talagang may amo na manyakis! Patakbong sumunod ako sa kanya
Ang akala ko ba magsi-swimming kami? Bakit isinama lang yata ako dito para alilain?
Nakataas ang kilay ko habang inaabot ang hiling niyang buko-juice. Nakapuwesto kami sa pagitan ng dalawang coconut tree, kung saan may nakapuwestong wooden swing at maliit na lamesa sa gilid.
"Here's your buko juice, your highness."
"Hi, babe! Wanna join us for a swim?"
Sir J-Ty flash his charming smile. "No, thanks. Baka magselos ang girlfriend ko."
Nakataas-kilay na bumaling sa akin ang dalawang hipon. Kain-katawan, tapon-ulo.
"Who? Her?"sabi ng isa na masarap isashimi.
"I thought she's your maid." Singit ng isa pang hipon na masarap isawsaw sa sukang may sili.
Kaloka! Maid pala ha! Huy, mga hipon nagkataon lang na may mga boobs kayo na halata namang produkto ng salamat po doktor, pero mas maganda at sexy ako sa inyo!
Tumayo ako at walang habas na tinanggal ang sarong. Wala. Ang yayabang eh. Tingnan natin kung sino ang mas sexy sa ating tatlo.
"Stay away from my boy. He's mine."bilang patunay, lumapit pa ako kay Sir J-Ty at kumunyapit sa braso nito.
Napasimangot ang dalawa bago tumalikod at lumusong sa dagat.
"Yan! Diyan kayo nababagay sa dagat. Mga hipon na 'to! Sinisira ninyo ang araw ko. Hmp!"
Nakarinig ako ng tikhim. Parang napapaso naman lumayo ako sa kanya. I saw fire in his eyes while looking at me. Parang nahiya naman ako. Ibabalik ko sana ang tapis sa katawan ko ng hablutin ni Sir J-Ty iyon at ibato kung saan.
"Huy! Teka!"
"So, this is what the sarong is hiding. Nice!"
"A-Anong nice ka diyan? 'Akina 'yung tuwalya mo, itatakip ko lang sa katawan ko."
"What for? Your body is sexy. Medyo flat-chested, pero sexy parin naman."
Napayakap ako sa dibdib ko nang mapansin ang paghinto doon ng mata niya. "Bastos! Manyak!"
Tumawa lang siya at nagsimula nang maghubad ng sando. Napalunok ako nang makita ang malapad niyang likuran. His body is lean but has the muscles in it's right places. He has a V-shape body which is considered sexy in male anatomy
"Teka! Bakit ka naghuhubad? Anong gagawin mo?"
Humarap siya, topless! "Obvious ba? Eh di, magsiswimming tayo."
Napatakip ako sa bibig, nandudulat ang mata habang pinapasadahan ng tingin ang matigas at malapad niyang dibdib pababa sa abs niyang kumikinang sa ilalim ng sikat ng araw.
Sa loob ng limang taon kong pagiging secretary kay Sir J-Ty, never ko pa siyang nakitang walang pang-itaas. Hindi naman sa hinahangad kong masilayan ang abs niya pero curious lang ako. For the first time, naka-face to face ko si pareng abs. At isa lang masasabi ko...
Yummy! With kagat-labi, ala Coco Martin.
Wala sa sariling napapaypay ako. Gosh! Ang hot!
"What is happening to you? Are you ogling at me?" Nakangisi nang turan nito. Parang bipolar lang, ang bilis mag-shift ng moods.
"Excuse me? Hindi ah! Bakit ko naman gagawin 'yon? Mainit lang! Summer kasi. Woohhh!"
"Yeah, right. Muntikan na ngang matunaw ang abs ko kakatitig mo. Admit it, you love what you saw. Tama ba Miss Dimacuja?"
"Yeah... Ah no! Ahh... Err... Bastos!" Nataranta ako. Iyong titig niya... Nasaan na ba ang shades nito? Ibabalik ko lang ulit sa mata niya. Baka kasi mamaya lang, matunaw ako ng tuluyan.
"Ako pa ang bastos ngayon? Sino kaya ang titig nang titig sa kung saan-saan diyan? Ingat ka, baka magkakuliti ka. Uso pa naman 'yun, summer kasi."
Eh, ano naman kung totoo? Hinding-hindi ako aamin.
"Umamin ka na."Nameywang ito at naglakad palapit sa akin.
"A-Ano namang aaminin ko?"
"That you find me hot. Kaya sumakay ka kanina na girlfriend kita sa harap ng mga hipon."
Naki-hipon din ang loko. So, hindi lang pala ako ang nakapansin. Haha!
"Excuse me?"Umabante pa ulit siya. Ako naman, si gaga urong nang urong. Swear! Para kaming mga tanga!
"Admit it."
"GGSS ka talaga, sir. Hindi ah! Nainis lang ako ng sabihan nilang maid mo. Ang kakapal! Sa ganda kong ito--" napatili ako nang nakatapak ng bato sa buhanginan, sanhi upang matapilok ako at tuluyang matumba. Ngunit bago pa mangyari iyon, mabilis akong nasalo ng matigas na bisig ni Sir J-Ty.
"Whoah! Are you okay? Huwag ka kasing tatanga-tanga!"pagalit nitong sabi habang salo parin ako. Ang awkward ng position namin. Pero parang balewala lang sa kanya ang bigat ko.
"I-Im not stupid!"
"Oh yeah, lampa lang."
Our faces are just an inches apart. And I can feel his warm breathing fanning on my face. Naalala pa kaya niya 'yung accidental kiss namin noong birthday ko?
Will he give me another one today? Ayan, na naman. Kinakabahan na naman ako. Bakit kaya?
Nagtagpo ang mga mata namin ni Sir J-Ty. There was something in his eyes that I could'nt name of. But one thing is for sure, the way he look at me is way out of ordinary. He even leaned closer to me, hanggang sa hindi ko namalayang magkandaduling ako sa pagtitig sa kanya.
"What are you looking at?"I hissed.
"Naligo ka na ba?"
"Siyempre, hindi pa. Kaya nga tayo andito sa beach di ba?"
"Ang taray mo. Is that the right way to answer your boss question?" He said while smiling.
Kagat-labing umiling ako. "S-Sorry, sir."
"Your apology is not accepted. And because of that you will be punish!"
Napatili ako nang maramdaman ang pag-angat ng paa ko sa lupa. Walang kahirap-hirap na binuhat niya ako at pinangko. Tatawa-tawa siyang tumakbo patungong dagat habang kakawag-kawag ako. Alam ko na ang gagawin ng loko! Ibabato ako sa tubig at malulunod ako...
Malulunod talaga ako! Hindi ako marunong lumangoy.
Lumubog ako sa tubig. Sinubukan kang magpapasag pataas ngunit kapag nagagawa iyon ay sandali lang.
"H-Help! S-Sir J-Ty!" Napasinghap ako nang umalon na naman. Lulubog-lilitaw ang ulo ko sa tubig.
Grabe! Masasakal ko talaga ang lalaking iyon! Pero bago ko magawa iyon, I needed to get out of this situation first. Wala bang tutulong sa akin?
Hindi na ako makahinga nang may matigas na kamay humawak sa akin.
Bago pa man ako mawalan ng malay ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Sir J-Ty habang yakap-yakap ako at hinihila papuntang dalampasigan. Lumapat ang likod ko sa buhanginan. Naramdaman ko ang pamimigat ng mga mata ko at pagdilim ng paningin ko. At the back of my mind, I heard his voice scream my name before I lost consciousness.
"Tia? Tia? Wake up!"
--
J-TY weaved a heavy sigh. Kahapon pa ako hindi iniimik ni Tia. Mula nang muntikan na siyang malunod. Okay, fine! Kasalanan ko talaga. Ilang beses na akong nag-sorry, but she does'nt seem to have a heart to forgive me.
Nakakasawa narin ang manuyo. Para lang akong tanga. For the first time, after five years ngayon lang uli ako naghabol at nangulit ng babae para mapatawad. Sa guwapo kong ito, obvious bang mga babae ang nagkakandarapang mapansin ko?
Tss! Kung ayaw nito, eh di huwag!
Malapit na kami sa condominium building ko nang maisipan kong ihinto sa katapat na coffee house niyon ang kotse. Malakas pa ang ulan sa labas. Pihadong baha narin papuntang Kalentong kung saan ito nakatira.
"It's raining hard. We should stay here, first. Kumain muna tayo, patilain ang ulan then I'll take you home."
Tumango lang ito pero hindi tumugon. Nagtimpi-timpi ako. Ang ayoko sa lahat 'yung binabale-wala kaguwapuhan ko.
Pagpasok namin sa coffee house, pumuwesto kami malapit sa bintana. Pinabayaan ko nalang siyang manahimik. Ng dumating ang waiter para kunin ang order namin ang akala ko hindi parin siya magsasalita pero nauna pa siyang um-order sa akin.
"What? Ladie's first muna."
Napangiti nalang ako. Pagkain lang pala ang makakapagpasalita dito. Pagkatapos dalhin ng waiter ang orders namin muling nanahimik ang paligid. Mga tunog lang ng kubyertos ang naririnig.
Ako ang hindi nakatiis.
"Tia... I'm sorry." Sabi ko.
Nagpahid siya ng tissue sa bibig bago nagsalita. "Inis parin ako sa'yo, bossing. Muntik nang malunod ang beauty ko ng dahil sa kalokohan mo. Ano nalang gagawin mo kung natuluyan akong nalunod? Eh di, nawalan ka ng magandang sexytary?"
Mukhang maayos na ito. Nakakapag-joke na. Napangiti ako. "Kaya nga, kahapon pa ako sorry ng sorry sa'yo. Ayaw mo naman akong patawarin. Ano, bati na tayo?" Parang batang ungot ko.
Kinibot-kibot nito ang labi. Mamula-mula iyon at makipot. Ni wala ngang bahid ng lipstick. Pumasok tuloy sa isipan ko 'yung gabing nalasing ako. I have no idea if it was just a dream, but I thought I saw Tia and heard her voice during that night.
Pero imposible naman iyon.
"Bati? Parang bata." She smiles. Sumubo pa ito ng carbonara, dahil doon nagkaroon ito ng bahid ng sauce sa bibig. Being always neat and organize, hindi ko napigilan ang sarili kong pahirin iyon gamit ang hinlalaki ko.
Nagkatitigan kami at sabay napalunok. Pareho kaming natigilan at naglayo. I don't know if she felt it also, but the feeling of her lips on my skin is somewhat electrifying.
"May dumi ka sa labi. Ayusin mo nga pagkain mo. Para kang baby."
"Jace?"anang pamilyar na tinig ng babae.
Lumingon ako sa pinagmulan ng tinig. And my heart skip a beat when I saw her...
"Carrie..." My ex-wife!
Five years had passed, yet she still look beautiful and alluring as ever. Mas nag-matured lang ang hitsura nito, pero maganda parin. She even look more sophisticated now.
"What is wrong with you? I told you to fetch me at the airport. I waited there for hours! Tinatawagan rin kita, pero naka-off ang phone mo."
"I told you, I will not be there."
Matagal itong natahimik. "Galit ka parin ba sa nagawa ko noon? I already said, I'm sorry. What else can I do for you to forgive me, babe?" Lumambot ang mukha niya. Parang nalungkot. Then tears begun flowing from her eyes.
Nanigas ang likod ko. Sh*t! Alam na alam nito ang weakness ko. Nilabanan ko ang sariling yakapin siya at aluin. I should be tough. Hindi ako dapat magpadala o magpatangay sa pagmamakaawa niya.
"Nothing, Carrie. Just get out of my sight." Malamig kong sabi.
"I miss you so much." Parang walang narinig na yumakap pa siya sa akin.
No. Hinding-hindi na ako magpapadala sa pa-sweet at pa-cute act nito. I know better. Kahit medyo labag sa loob ko marahan ko siyang inilayo sa akin. "Stop this."
"I still love you, J-Ty."
"I can't... We can't..."
Napatiim-bagang ito. "Why? Is there someone else? Sino? Siya ba? Are you cheating on me with this rag doll?"Dinuro-duro nito si Tia.
Marahas naman napatayo ang dalaga sa ginawa ni Carrie, pero naging maagap ako para pigilan siya sa pagkuda. Kilala ko si Tia, hindi ito basta-basta papayag kutya-kutyain
Mahigpit ko siyang inakbayan palapit sa akin. Dahilan para magulat siya at hindi nakapagsalita. "Yes. Carrie, she's my girlfriend. Tia, meet Carrie my ehem old friend."
I felt her back stiffened. "Makisakay ka nalang. I'll give you a raise." Bulong ko.
"Seriously? Ang pangit na ito ang ipinalit mo sa akin? Where's your taste now, babe? I did'nt know, mahilig ka na pala ngayon sa plain at mukhang katulong."
"Carrie!"
"Please, Hon. Let me handle this. Carrie right? Well, it seems noon pa man mahilig na sa mukhang katulong ang honey ko. After all, you're the ex-girlfriend. You must be the one who set the standards."
Naloko na. Amuse akong napatingin kay Tia. Her sharp tounge doesnt really fit her innocent face. Pagdating sa paanghangan ng salita palaban talaga ito.
"How dare you!" Parang eksena sa pelikulang sinabuyan ni Carrie ng ico-cold coffee si Tia sa mukha.
Napasinghap si Tia sa gulat. Naging mabilis naman ako para ilayo siya kay Carrie at protektahan dito. I felt her trembling inside my arms. Pinagtitinginan narin kami ng mga tao.
For all I know, baka bukas laman narin kami ng broadsheet.
"Are you crazy?! What did you do that for?"
"She deserves it! Mang-aagaw!"
Tsk! Oo na! Ang hirap talagang maging guwapo! Ikaw na pag-agawan ng dalawang babae. "Stop this, Carrie. Respetuhin mo naman ang relasyon namin. Kagaya ng ginawa ko sa inyo ni Zap noon. I don't ever want you to do this again. Kapag, inulit mo pa ito kay Tia ako na ang makakalaban mo!"
Natulala ito. I guess I hit a nerve.
"Goodbye. I don't ever want to see your face again."
Matapos mag-iwan ng tatlong lilibuhing papel sa lamesa ay kinaladkad ko naman si Tia palabas ng coffee house. Maging ito ay tulala parin halatang na-shock sa nangyari.
Noon tumunog ang celphone ko. It was a text message from Carrie.
I know you still love me, Jace. And I wont stop until you come back to me again.
Baliw! Nagkakamali ito. I don't love her anymore. At papatunayan ko iyon dito.
--
Long chapter ha? What can you say? Libre pong sabunutan si Carrie the scheming b***h! Kapal ng fez! Haha
Hi sa silent readers ko. Paramdam naman kayo kapag may time? Don't worry, di ako nangangagat, nangangalmot lang. Hihihi! ^_^
Ps. You can vote and comment if you like. I will really appreciate it.
Thanks! God Bless!
C L A I R E