Nang makarating ako sa silid ko ay agad ko hinubad ang damit ko at nag tungo sa banyo para maligo. Nilagyan ko ng tubig ang bathub at ilang oras ba nagbababad doon bago ko naisipang umahon at ayusin ang aking sarili. Nang maging maayos na ako ay nag-tuloy na ako sa kwarto ng aking anak. Doon ay nadatnan ko si Wild na nakaupo sa tabi ng aking anak hanggang sa makita ko ang aking anak na gising na at nakikipag-usap kay Wild. Agad ng gilid ang luha ko ng makita ko siya pakiramdam ko ay napakasaya ko ng makita ko ang masayang mukha ng aking anak. Hanggang sa Dahan Dahan ako lumapit sa kanila habang panay ang agos ng luha sa aking mga mata. “Anak, Conan, gising kana.“ “Mama,” nakangiting wika nito ng makita ako. Agad ko siyang niyakap ng makalapit ako sa kanya at ilang beses na hinalika

