Kanina pa ako nagpaikot-ikot sa loob ng aking silid. Hindi kasi ako mapakali, lalo na ng malaman ko na sa iisang silid lang matutulog si Sydney at si Grayson. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ng sandaling iyon. Nababalot ako ng matinding selos, bagay na ayaw ko maramdaman. Matapos ko mapatulog kanina si Conan ay dumeretso na agad ako sa kwarto ko para mag bihis at ayon nga sa narinig ko mula sa katulong ay mag kasama sa iisang silid si Grayson at si Sydney. Dahil hindi ko magawa makatulog, ay bumaba na lang ako para pumunta sa kusina at kumuha ng gatas. Kumuha ako ng isang fresh milk at isinalin ko iyon sa isang baso para inumin. Pero biglang dumating si Sydney na naka-topis lang ng twalya ang hubad na katawan nito. Napakaganda at kinis ng katawan nito kaya maraming lalaki a

