Labis na nakaramdam ng pagod si Dahlia dahil sa maghapon na trabaho, ngunit ang inaasahan niyang pahinga ay hindi nangyari dahil sa sunod-sunod na ingay na nagmumula sa labas ng bahay niya.
Gabi na ng makauwi siya kagabi kaya mabilis rin siya nakatulog at hindi na niya nagawa pa palitan ang kanyang uniform.
Nag tatrabaho si Dahlia sa isang restaurant bilang isang dishwasher ng restaurant. Tanging iyon lang ang kinabubuhay nila dahil hindi na kaya ng mga lolo at lola niya maghanap buhay.
Kaya nang makatapos siya ng pag-aaral, agad siyang nag-apply ng trabaho, at mabilis naman siya natanggap agad, pero hindi kagaya ng trabaho na nais niya dahil tila mailap iyon sa kanya.
Halos mapakunot ang noo niya ng marinig niya ang ingay ng kapitbahay na halos nagmumurahan pa sa mismong tapat ng kanyang silid.
Kaya inis na pabangon siya at sinilip ang oras sa kanyang cellphone. Napakamot siya ng ulo ng makita niya alasingko pa lang ng umaga, pero tila mas nauna pa ang tilaok ng kapitbahay sa tilaok ng manok.
Kaya padabog na napabangon siya at sumilip sa bintana ng kanyang silid. Napailing at napairap na lang siya ng makita ang kapitbahay nila na si aling Martha at ang asawa nitong si Mang Samuel ang nag-aaway.
“Lumayas ka p*t*ng in* m* ka! Wala ka na ring ginawa, kung hindi ang mambabae, pati sahod mo inuubos mo sa babae mo. Halos wala na natitira sa amin ng anak mo. Lumayas kana at wag na babalik! “Pasigaw na wika nito at saka nito pinag hahagis ang maleta nito Kay mang samuel.
“Aling Martha, ano na naman ba iyan? Ang aga naman ninyo magtatalak diyan, natutulog pa ako oh… Hindi ba kayo nahihiya? Napakarami ng kapitbahay ang tulog pa, pero mas nauna pa kayo sa alarm clock namin.“
“Naku, pasensya na, iha. Nagising ka ba? Ito kasi asawa ko eh, nambabae na naman.“
“Hanggang ngayon ba hindi parin kayo na sanay? Eh, ilang beses na ninyo nahuhuli iyan pero inuulit parin niya, hindi na poh magbabago iyan, tanggapin na ninyo ang katotohanan na sakit na iyan ng asawa ninyo. Kaya pwede ba magpatulog naman kayo? Inis na wika ni Dahlia sa kapitbahay nila.
Matapos niyang sabihin iyon, nagdesisyon na lang siya na ayusin ang kanyang silid, at saka siya nag-tuloy sa banyo para maligo. Nang makakaligo na ito ay lumabas na siya ng silid suot ang isang t-shirt at kupas na pantalon.
Nag suot rin siya ng rubber shoes na malapit naring masira dahil sa kalumaan. Naabutan niya ang lola niya na abala sa pagluluto ng pagkain, kaya lumapit siya dito para yakapin ito at halikan sa pisngi.
“Lola, good morning.“
“Oh, Iha, ang aga mo naman gumising. “
“Naku, lola, ito kasi kapitbahay natin si Aling Martha. Ang aga kung magwala.“
“Naku, Iha, pagpasensyahan mo na lang. Alam mo naman, walang kahihiyan ang mga tao na iyon. Ikaw na lang ang umunawa. Total, malawak naman ang pag-iisip mo.“
“Teka, lola, nasan ang lolo? “
“Naku, apo, maaga umalis papunta sa palengke para magtrabaho.“
"Ah, sinabi ko na poh na dito na lang kayo ni lolo sa bahay. Matanda na kayo, hindi na dapat kayo nag tatrabaho."
"Gusto ka lang namin tulungan. Alam namin pagod na pagod ka narin kumayod."
“Pasensya na kayo lola huh… kung hindi sapat ang kinikita ko sa restaurant. Hayaan ninyo la, maghahanap ako ng racket mamaya.“
“Naku, Iha, hindi mo na kaylangan gawin iyan. Tingnan mo nga ang payat mo na wala ka na sapat na pahinga. Kaya mo pa ba, apo? “
“Naku, ito talaga si lola, syempre kakayanin ko noh… para sa inyo.“ Nakangiting wika niya sa kanyang lola. Agad niyang niyakap ito at hinalikan ang pisngi ng matanda bago siya naupo sa isang upuan.
Nakita niya ang supot ng pandesal sa lamesa at saka niya kinuha ang itlog at pinalamanan iyon. “Hmmm, ang sarap nito.“ wika niya habang kumakain.
Ipinagtimpla naman siya ng matanda ng kape at ipinatong sa lamesa.
“Iha, hindi ka ba kakain ng kanin? Nagluto ako ng kanin at ng tinapa. “
“Hindi na poh la, sapat na poh sakin ang pandesal. Ito na lang kakainin ko.“ Agad niyang kinuha ang pandesal at pinalamanan iyon ng itlog, saka niya ito muli ibinalik sa supot at saka nilagay sa bag.
“Itong pandesal na lang poh babaunin ko la, ok na poh ito sa akin.“
“Apo, sigurado kaba? Baka magutom ka niyan. Iba pa rin ang kain ng kanin.“
“Lah, wag ninyo ako alalahanin, kaya ko po ang aking sarili.“ Nakangiting wika nito sa matanda.
Matapos niyang mag-agahan at inumin ang kape niya, ay lumapit na siya sa lababo para mag-sipilyo.
Matapos noon ay namaalam na siya sa matanda na aalis na siya para magtrabaho.
“Lola, aalis na poh ako.“
“Teka, maaga pa. Hindi ba 8:00 pa ang pasok mo? “
“Ahhh, eh lola, maghahanap pa ako ng racket para mamayang gabi. Malapit na po ang bayaran ng kuryente at tubig. Baka maputulan na tayo.“
“Ok, sige, apo, mag-ingat ka, huh? ,”
“Opoh, la wag poh kayo mag-alala sakin.“ Nakangiting wika nito sa matanda. Paglabas nito ng bahay ay hindi na napigilan ng matanda na mapailing dahil sa matinding awa para sa kanyang apo.
Samantala, habang naglalakad si Dahlia sa Daan, ay napatili ito ng bigla; may nagtakip ng mata niya. Kaya agad niyang siniko ito, at saka niya binali ang kamay nito, at bigla itong napahiyaw sa sakit.
“Array… Dahlia, ang sakit.“ Hiyaw ng babae. Kaya nagulat siya ng makita niya ang kaibigan niyang si Cindy na halos mamilipit sa sakit.
“Cindy, sorry, hindi ko sinasadya ikaw naman kasi eh, nang gugulat ka.“
“Ano kaba naman, Dahlia? Ang hirap mo talaga, biruin.“
“Sorry naman, friend, ikaw kasi ehh, ano, ok na ba? “
"Uo, San ba kasi ang punta mo? Ang aga mo naman kasi umalis sa bahay ninyo.“
“Mag hahanap kasi ako ng trabaho.“
“Hindi ba may trabaho ka? Anong nangyari? “ “Meron nga kaso kasi friend mag babayaran na ng kuryente at tubig. May disconnection na nga kami eh, kaya ito kaylangan ko ng extra. “
“Ganoon ba? Gusto mo ba mag sideline mamaya sa waitress?“
“Ha? , saan naman? “
“Sa hotel, my party mamaya at kulang pa kami sa tauhan. Ano game kaba? “ “Uo naman noh, pera iyan eh,”
“Sige, txt ko na lang sayo kung saan at ano oras ha! “
“Sige, ba sabi mo eh,” Matapos mag-usap ng dalawa, ay napag-pasyahan na ni Dahlia na pumasok sa kanyang trabaho. Maghapon siya nag hugas ng kinainan ng mga customer nila kaya labis ang pagod niya.
Pero ganoon pa man ay pinilit parin niya pasukan ang trabaho na inalok sa kanya ng kaibigan niyang si Cindy.
“Friend, bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay. "
Salubong na wika nito sa kanya.
“Pasensya kana friend, traffic kasi eh,”
“Heto ang uniform mo. Magbihis ka na at ipapakilala kita kay Mam Ana.“
“Sige, Tara na! “Nakangiting wika niya dito.
Matapos nito magbihis ay sinamahan siya agad ng kaibigan niya sa magiging boss nila at doon ay pinaliwanag sa kanila ang mga dapat nila gawin.
Dahil sanay na naman si Dahlia sa ganoong uri ng trabaho, ay naging madali lang para sa kanya ang lahat.
Kahit ramdam niya ang matinding pagod, ay pinilit parin niya na gawin iyon para matulungan niya ang mga lolo at lola niya sa paghahanap ng buhay ng mga ito.
Nakatapos man siya ng kanyang pag-aaral, ay hindi pa rin niya magawa makakuha ng trabaho. Kaya nag titiis na lang ito magtrabaho sa isang restaurant para maitaguyod niya ang mga lolo at lola niya.
Matapos niya mag-serve, ay naisipan niya muna mag-banyo para ayusin ang sarili niya at makapag-pahinga narin. Nagpaalam siya sa kaibigan niyang si Cindy bago siya umalis doon.
May na daanan siya na isang pasilyo kaya dineretso niya iyon.
Nahampas pa niya ang kanyang noo ng maisip niya na hindi niya man lang nagawa itanong sa kaibigan niya kung saan ang Daan patungo sa restroom area.
Kaya inilibot na lang niya ang paningin sa buong paligid hanggang sa bumukas ang pinto sa gilid niya at nagulat siya ng bigla na lang siya hilahin papasok ng silid.
Sa dilim ng paligid ay hindi niya naaninag iyon hanggang sa maramdaman na lang niya ang malambot na labi nito na lumapat sa labi niya.“