Halos kapusin ako ng hangin sa ilalim ng tubig habang masuyong hinahalikan ako nito. Dalang dala ako sa kakaibang sarap ng bawat pagdampi ng labi nito sa aking labi. Pero dahil nga may katagalan na kami doon ay sabay namin binitiwan ang mga labi namin. At sabay kami na umahon sa tubig. Halos habol namin ang aming hininga ng kumawala kami sa isa't isa. "That's great, love. I really like your lips." Kaya agad ko binasa siya dahil sa kalokohan niya, na ikinatawa naman nito. Rinig na rinig ko ang malulutong na halakhak nito, at kita ko sa mga mata niya ang labis na saya na tanging ngayon ko lang nakita sa kanya. Muli, ito sumisid sa tubig hanggang sa na punta ito sa likod ko at niyakap ako nito ng mahigpit. Napasigaw pa ako sa gulat sa ginawa niya, pero ganoon pa man ay natatawa parin

