Ngayon ang araw ng operasyon ng aking anak kaya halos hindi ko na nagawa pa makatulog kakaisip dito. Hinaploshaplos ko ang ulo nito at ilang ulit ko hinalikan ang kamay niya. Hanggang sa may kamay na humawak sa aking balikat. Nang tumingin ako dito, ay nakita ko si Sir Wild na nakatingin sa akin. “Sir Wild, “ gulat na wika ko dito. “Kinakabahan ka ba? “ “Sino ba hindi? Natatakot ako na baka hindi niya kayanin ang operation. Hindi ko kakayanin pag may nangyari masama sa kanya dahil mahal na mahal ko siya at sa kanya umikot ang buhay ko sa loob ng apat na taon. Mag-isa ko siya itinaguyod kahit hindi ko na kaya; ang totoo niyan siya ang lakas ko, sa kanya lang ako humuhugot ng lakas, kaya pag may nangyari masama sa kanya mas mabuti na rin siguro tapusin ko na rin ang buhay ko.“ "Don't w

