Nang makapasok ito sa loob ng kotse ay pinasadahan ako nito ng tingin kaya nahihiya na nag-iwas ako ng tingin dito. Tulad ko ay iniwas rin nito ang tingin sa akin at saka niya pinaandar ang aming sasakyan patungo sa office. Pakiramdam ko ay nanginginig parin ako sa takot kaya nag-ipon ako ng maraming hangin sa aking dibdib bago ko ito pinakawalan. Nang makarating kami sa office ay nag-tuloy ako sa aking table para ilagay ang gamit ko. Nakita ko pa na lagpasan ako ni Mr. Wild sa aking table. Kaya agad ko ito tinawag. “Mr. Wild salamat po.“ Hindi ito lumingon sa akin, pero nanatili siya nakatayo sa tabi ng table ko habang nasa bulsa nito ang kamay niya. “You don't need to say thank you. You are my employee at ako ang dahilan kaya ka naroroon at ako rin ang dahilan kung bakit muntikan

