Nagising ako sa mahimbing na pagkatulog ko ng maramdaman ko tila may dalawang pares ng mata ang siyang nakatingin sa akin. Kahit hirap at masakit ang buong katawan ko ng sandaling iyon ay pinilit ko idilat ang aking mga mata . Hanggang sa marinig ko ang boses nila sa aking harapan . Hinaplos ng ginang ang aking ulo at hinawakan ng mariin ang aking mga kamay. Hanggang sa mapadako ang tingin ko sa kanila . Agad nagpalipatlipat ang tingin ko sa kanila hanggang sa muli dumako sa alaala ko ang mga nangyari sa akin. Ang pananakit ng babae na ito sa akin sa isang boutique kasama ang anak niya si Sydney. Habang ako ay nagsusukat ng wedding gown. At ang isa ay nang makita ko sila sa bodega kasama ang anak nila na si Sydney. Bagay na nagbigay ng matinding takot at kaba sa akin habang inaala

