Getting to know
❀ Elize
Kapag pang hapon mga classes ko, maaga pa din ako na pasok either mag swim or jog ako sa school. Yun ang exercise ko, wala din naman ako pambayad ng membership fee sa mga Gym. Pwede naman ako maki Gym sa Condo ni Lucas, pero madalang ko gawin.
Minsan nakaka sabay ko sa jogging si Mr. Mojica pero medyo ilag pa siya sa akin baka natakot nung singhalan ko dati.
- Sayang... nasungitan na yata sa akin
Nakita ko na rin siya sa swimming pool, buti di pa kami mag kakasabay...
- Hiya ako baka makita niya ka seksihan ko, maakit pa siya hahaha... joke lang...
- Uyyyy!@#$ babaeng mahadera lakas na din ng tama ng utak mo.
Pansin ko lang, sipag din netong si Mr. Mojica mag-aral laging nasa Library at hindi din pala tambay kagaya nila Reynald. Mukhang Nerd Rich Kid din at pa humble din lagi. Mabait sa mga Scholars na student like me. Minsan minsan din nag uusap sila ni Lucas.
Sabi ni bakla, classmates sila dati. Biniro ko nga kung crush nya... nagalit as in galit talaga kaya di ko na inulit. Paminsan minsan nasama sa amin si Mr. Mojica sa Cafeteria or tambay while waiting sa next subject. Mas nakikinig lang naman sya di masyado ma kwento.
~~~~~
Ang bilis lumipas ng araw mid-term exams na this week, minsan hirap din mag working student lalo na kailangan ko mag maintain ng grades para sa scholarship. Pero kailangan magsikap para future.
After one week
"Results of Exams!" sabi ng Prof namin naka ngiti pa ako habang nag aantay sa sasabihin niya... last year kasi I've aced most of the exams sa lahat ng subjects.
"Aba, mukhang may pumalit na sayo Elize Ruiz sa Top 1, Mr. Gabriel Mojica ikaw yun" ngisi ng Prof namin... may halong pangaasar alam niya kasi competitive ako masyado.
"Bawi ka next exam Elize" hirit niya pa
Kaka banas itong si Madam Prof...
- So he's a nerd rich kid... I'm impress, hhhmmm
- Kung sabagay hindi na nakapagtataka, nasa Library siya madalas… hindi rin pala tambay. Hindi ko lang inaasahan na ganun siya ka talino pala, God! My competitive bones are overthinking and overreacting…
~~~~~
"s**t nakaka hiya" anas ni Gabriel sarili...
"Sorry Sweetheart Elize" isip isip nya...
- Galing pala netong babaeng ito... siya kasi ang top 1 sa class ever since 1st year College, Oh well dito na ako... sana ma impress siya sa aking brain powers tsaka na sa kapogian at ka machohan ko.
- Hoy Mama, magtigil ka nga nasa school ka babae nasa utak mo... Landi mo...
"Congrats, Mr. Mojica" bati ko sa kanya after the class.
"Thank you, pwede bang Gabriel nalang"... nahihiya niyang sagot sa akin, habang hawak ang batok. Para siyang natotorpe na Totoy sa hitsura nya.
- Oh my, kinausap niya ako, heartie my heart slow down ka lang naman baka maka labas ka diyan sa dibdib ko.
Lampas kalahati ata ng subjects namin ganun naging results mas mataas grades niya sa akin. Nalungkot ako pero na Challenge na rin.
- Di ko naman maintindihan reaction niya mas lalo pa ata siya na hiya sa amin.
By Finals ng 1st Sem, ganun din naging results at least now halos half half kami ng subjects. Nasa top 5 pa din naman kaming lahat ng Besties ko.
"San kayo mag Sembreak?? tanong ko
Si Emma uwi daw ng province...
Si Lucas dito lang Sa Manila...
Ako baka sa school pa din may mga kailangan gawin kasi sa Records & Library.
~~~~~
"Hi Mr. Moji ay Gabriel pala... Sembreak ah, di kayo uuwi sa inyo"? Kasabay ko siya ngayon mag jogging.
"Dami ko pa kasing kailangan tapusing school papers" balik niya sa akin
"Ah Ok, ako may mga kailangan gawin sa Records & sa Library kaya walang Sembreak.” sabi ko kahit hindi naman niya tinatanong, ewan ko ba magaan ang loob ko sa kanya kahit na binalaan na ako ni Lucas…
Halos araw araw ko siyang nakasabay sa pag jogging, makulit at witty din naman pala siya kausap. Madami pala kaming similarities... we both loved swimming,
Japanese Food favorite niya kagaya ko. And we are both Book Lovers magka iba lang genre na gusto namin...
Minsan ina antay niya ako matapos sa Library sabay kami na lakad palabas ng Campus. Pina sasakay muna niya ako ng Jeep bago siya na uwi lakad lang naman daw kasi siya.
By the end ng 1st week ng Sembreak, pinilit nya akong ihatid sa amin para daw makilala nya si Nanay
- At Bakit mo naman gusto makilala Nanay gusto ko siyang singhalan...
Di ko lang masabi para kasing ginagamitan niya ako ng Puppy Eyes, kung hindi ka lang Pogi naku na umbag kita.
- Baka gusto manligaw kaya gusto makilala si Nanay...
- Excuse me Gurl ligaw agad... advance mag isip haayyuuu...
"Good Evening po Mam" bati nya kay Nanay nag manong pa....
"Nay, si Gabriel Mojica po classmate ko"
"Hello Anak, Salamat sa paghatid kay Elize"
Lahat kasi ng classmate ko Anak tawag ni Nanay.
"Wala pong anuman... it's my pleasure po"
"Sige po alis na po ako" paalam nya
~~~~~
Sa mga sumunod na araw walang anino ni Gabriel akong nakita, sa Field di ko siya naka sabay sa jogging, sa Swimming Pool wala din siya... pati sa Library walang Gabriel Mojica na makikita. Kung saan man siya nag suot na lungga wala akong ka ideya ideya…
- Di man lang nag paalam, Disappointed ka na Ateng… at bakit naman mag papaalam sayo girlfriend ka...
Hindi naman sa assuming ako, pero sa mga nakalipas na araw nakasama at nakausap ko siya… feeling ko friends na kami. Mahirap talaga ang advance mag isip… na sasampal ng katotohanan eh. “Hindi kayo friends”! Ka klase ka lang niya!
~~~~~
✰ Gabriel
Umuwi muna ako sa amin, nangungulit na kasi si Mommy... baka bigla ako puntahan sa Apartment ko. Sigurado magagalit yun sa napili kung place for me.
Loft type na Apartment kasi pinili ko, maliit lang to may sariling CR at Kitchen. Ung Loft bale ang Sleeping at Study Area. Masaya ako dito walang distorbo sa akin.
I cook my own meals minsan minsan, sa karinderiya din ako nabili ng ulam pag wala ako naluto. I'm sure ikaka shuukk yun ni Mommy pag nalaman nya.
Sa Laguna pa bahay namin... nakaka miss din naman umuwi minsan lang din kasi nakaka pressure na sobra sila Mommy. Eldest son kasi ako I have a younger brother Garret, Senior High na siya & sister Georgia Junior High naman. I love them both dearly sila talaga ang sobra kung na miss.
Nag pasundo ako sa isang mall sa Alabang kina Garret & Georgia, nag commute lang kasi ako papunta dun. Mahirap maka pasok sa Village namin ng walang pass.
"Kuya!!!" Tuwang tuwang tawag nila ng mag kita kami
"Bat ngayon ka lang umuwi???
"May girlfriend ka na dun sa pad mo noh"
"Lagot ka kay Mommy at Daddy"
Sunod sunod nilang sumbat
"Wait lang naman, isa isa lang..."
"Busy po sa school kaya now lang, Girlfriend wala din"
"Wag na po kayo gumaya kina Mommy at Daddy na pressurin ako lalo sa buhay"
"Sige kayo babalik na ako sa States??" panakot ko sa kanila, sila kasi unang nalungkot dati nung mag decide akong Sa States mag aral.
"Kuya naman, wag ka nga magbiro ng ganyan" naiiyak na si Georgia...
"Tara na uwi na tayo, nag pahanda si Mommy ng Dinner ng malaman na uuwi ka" sabi ni Garrett
"Buti naman na alala mo pang umuwi dito sa bahay" yun ang bati ni Mommy...
"Sorry na po Mommy busy sobra sa school" malambing kung sagot sa kanya... with matching hugs and pa kiss kiss pa ako sa kanya. Na dadala ko pa din kasi sa pa lambing lambing ang Mommy kahit papano.
"Let's Eat" dami pina luto ni Mommy... Buti na alala ni Nana ang favorite kung Ramen.
Nana is my Nanny mula baby pa ako...
"Thank you Nana sa Ramen" sigaw ko sa Kitchen
Kinamusta ni Daddy ang school, natuwa naman siyang malaman na nag excel pa din ako kahit na bago ang curriculum sa akin.
Si Daddy kasi madaling ma impress sa mga small success ng mga anak niya. Ayaw niya din noon na mag aral ako sa States pero si Mommy ang mapilit. Lagi ring hindi siya kuntento sa Top 10 ka lang dapat lagi kang No. 1 sa Class. Kaya minsan sobra ng nakaka pressure si Mommy... kawawa minsan pati mga kapatid ko.
Next Day
Swimming kami ng mga kapatid ko halos buong araw. Yun kasi talaga bonding namin lagi.
Naalala ko si Elize she also loves to swim too...
Nakita ko na siya sa Pool sa School hindi talaga ako nasabay sa kanya pag nandun siya... pina pa nood ko lang siya.
- Hayyy tong Dyosang to, di siya aware how beautiful she is... minsan kasi nakikipag huntahan pa sa ibang boys sa Pool, Di niya alam pinag papantasyahan na siya... gusto ko na nga mang umbag kapag naririrnig ko pinag uusapan nila.
Nag aya din ako mag Mall, bibili ako mga Books ung mga gusto ni Elize. I'm sure ma tutuwa yun. Baka ma in love na nga siya sa akin neto eh.
- Huwag masyado advance mag isip baka masaktan...
Type niya ung mga nakakasama sa Oprah's Book Club.
Kunti lang available sa Bookstore. Binili ko rin ung kay Margaret Atwood. Order nalang ako sa sss ng iba pa. Bumili na din ako ng latest na Book ni Stephen King at Michael Connelly for me. Sana magustuhan niya mga binili ko.
Almost one week din ako namalagi sa bahay...
Nag paturo ako kay Nana pano gumawa ng Ramen pati na Maki... para magawa ko sa Apartment. Pati pano mag laba sa kamay at mamalantsa...
Binibiro ako ni Nana, in preparation ba daw to sa pag aasawa... Buti daw gusto ko matuto kahit gawaing pambabae.
"Nana asawa agad, Wala pa nga akong Girlfriend"
"Walang girlfriend pero laging smiling ang mata" asar ni Nana sa akin...
"Pero masaya akong ganyan ka kesa grumpy ka" na pa ngisi nalang ako...
- Hhmmpp mukhang good ang epekto sa akin ni Dyosang Elize ah.
- Aba very good naman na good influence siya sayo...
Yung luma kung kotse dinala ko pag luwas ko. Meron naman kasing extrang parking sa Apartment. Para may magamit ako pang sundo if ever kay Elize. Para hindi nalang kay Lucas sya na sabay papasok...
- Close na kayo... Possessive masyado boyfriend lang nag peg, sumama naman kaya yun sayo...
Sunday today, back to school na bukas... tapos na Sembreak
Mag kikita na kami ulit, na miss niya kaya ako?
- Bakit boyfriend ka para ma miss ? Assuming Boy
Dami ko pasalubong kay Elize, nag dala din ako mga Fruits para kay "Nanay" yung Nanay ni Elize... Dadaan kasi ako sa kanila di ko na maantay ang bukas
Knock Knock "Good Evening po Mam Felize, Andyan po ba si Elize?" bati ko habang na manong.
"Gabriel Mojica po, yung naghatid kay Elize nung isang Linggo" paliwanag ko ng makita ang nakakunot nyang noo.
"Ah siya nga, di ka pa kasi pamilyar sa akin, pasensya na" nakangiti niyang sagot
"Wala si Elize, pinuntahan si Lucas baka daw di na naman pumasok bukas kasi"
"Ganun po ba..." malungkot kung anas
"Eto po pala may dala akong Mangga at Saging para po sa inyo yan"
"Salamat Anak, nag abala ka pa"
"Bukas ko nalang din po bibigay yung para kay Elize"
"Paki sabi nalang po dumaan ako..."
"Alis na po ako..."
"Sige sabihin ko nalang, Thank you sa Fruits"
Bagsak ang balikat na bumalik ako sa sasakyan. Sayang naman wala siya... miss ko na siya.
- Hala ka Boy you are falling for her…
Sino naman ang hindi magkakagusto sa kanya… maganda na matalino pa. Masayang kausap, malawak ang intindi sa mga bagay bagay. Sa ilang buwan na naging kaklase ko siya palihim lang akong humahanga… kilala ko sarili ko may kayabangan ako minsan sa katawan. Pero pagdating sa kanya parang mas gusto kung makilala niya ako bilang simpleng tao din lang. Feeling ko kasi hindi uubra ang kapreskuhan sa kanya… siya ang tipo ng babae na hindi na i-impress sa yaman at gandang lalaki…