CINCO

2618 Words
First Kiss ❀ Elize After lunch na kami nakaluwas kinabukasan. Nag paiwan na din ulit si Lucas kaya si Gabriel ulit mag hatid sa amin. Pag dating sa bahay tumambay din siya ulit kagaya last Sunday. Pag akyat ni Nanay para mag siesta, nanood ulit lang din kami ng TV. Magkatabi kami sa sofa naka taas kamay niya sa sandalan neto, para tuloy siyang naka akbay sa akin. - Sarap sana sumandal sa malapad niyang dibdib hmmmpp. Lumapit pa siyang lalo, magkadikit na kami, hinawakan niya balikat ko para isandal nga ako sa kanya. Ewan ko ba naman ba't hindi ko siya mapigilan. Grabe din ang kaba ko, kulang nalang kumalwa palabas ang puso ko. Mararamdaman ko ang hininga niya sa buhok ko. Inaamoy niya yata ang buhok ko... No he's kissing my head. He's also caressing my shoulders, which send shivers on my whole body. Natuod ako sa kinauupuan ko. Naramdaman niya yata kaya huminto siya. "Please don't be afraid of me" bulong niya Kissing my head again, mahigpit din hawak niya sa shoulders ko, hinaplos niya din ulit ito. Di naman ako makagalaw, nalilito kasi ako sa mga kinikilos niya ngayon. May gusto na ba siya sa akin??? - Elize naman malamang gusto ka niya... halos bakuran ka na nga niya sa school. - Hindi ko din naman kasi naisip yun dati "friends" nga kasi kami di ba. Siniksik ko sarili ko sa kanya. Gusto ko ang feeling na ito, sigaw ng heartie heart ko... Bumuntong hininga siya, kaya lumayo ako. Pero hindi ko nagawa hinigpitan niya lalo hawak sa balikat ko. "Dito ka lang, please" aniya Matagal kaming nasa ganung posisyon, walang imik pareho. Nakatingin sa TV pero wala doon ang utak, dinadama lang ang mga t***k ng mga puso namin. - Haayyy bakit ganito, love na ba ito. This feeling is new to me... "Bukas na Flight ko, Matagal tayong hindi magkikita" parang gumagaralgal na boses niya... "Huwag kang mag paligaw ha..." biro niya, sabay kiss ulit sa bumbunan ko - Kaya pala super sweet, haayyy nag papa miss yata... "Dito ka ba mag Dinner?" pag iiba ko ng usapan "Opo, lulubusin ko na ang araw na kasama ka" malambing niyang sagot Siya daw mag luluto ng Dinner, papasikat daw sya kay Nanay. Para daw matanggap siyang son-in-law. I'm impress he knows how to cook, ano ba ang hindi niya kayang gawin. Hot Chef naman neto, broad shoulders, well toned biceps, tangos ng ilong, red lips, perfect na jawline. - Asan hustisya naka plain black T-shirt and faded jeans lang siya niyan, effortless. - Anak ni Adonis nga ito. "Anak, malulusaw yan si Gabriel kaka titig mo" nagulat ako kay Nanay, naman eh S**t !?$& nag init ang mukha ko... Kakahiya huling huli ako... I'm sure kulay kamatis mukha ko... "Elize, staring is rude di ba" gatong pa nito kay Nanay with his pamatay na ngiti at kindat. "Nay, tingin mo type niya ako noh... hala ka kay Nanay" habol pa niyang biro kay Nanay sabay tawa... Sabay kindat ulit sa akin... Masaya kaming nag Dinner, kahit pa sobrang hiya ko pa din sa kanya. "Nay, sarap po ba luto ko?" tanong niya dito Nag thumbs up si Nanay habang na nguya. "Approved, masarap ka palang mag luto pwede ka na mag-asawa" biro niya dito Nung patapos na kami kumain, nag paalam si Gabriel kay Nanay. "Nay, sa ibang araw di po ako makaka punta, Ingat lagi ni Elize dito." may pagaalala niyang bilin "Thank you Anak, Ingat ka din sa pupuntahan mo" sagot ni Nanay sa kanya "Akyat na ako mga Anak, Elize mag lock ka nalang diyan pag alis ni Gabriel" paalam niya sa amin. Naiwan kaming nag liligpit ng pinag kainan. Nag prisinta na ako "to wash the dishes" siya na kasi nag luto. Siya nagpunas sa Dining Table. "Wag ka pong mag alala sa amin ni Nanay sanay na kami dito, madami naman kaming kapitbahay na natulong sa amin." sabi ko habang tinatapos ang pag hugas… Naka talikod ako sa kanya, naramdaman ko nalang malapit na siya sa akin, super lapit na raramdaman ko hininga niya sa batok ko. Bigla akong ginapangan ng kilabot sa buong katawan, bumilis ang t***k ng puso ko. Napa hinga ako ng malalim ng pinatong pa niya ang baba niya sa balikat ko at naka hawak sa bewang ko. - Hayuuu baka himatayin na ako sa ka sweetan ng mamang to. "Tapos ka na ba?" malambing niyang tanong "Patapos na po, kaya lumayo ka na diyan" biro ko nalang. Lumipat siya sa tabi ko, magkadikit mga braso namin. Talaga naman "Tulungan na kita" sabi niya "Huwag na po, patapos na din kasi" Kinuha niya mga mahuhugasan ko at nilalagay sa paminggalan. Tahimik naming natapos ang aming ginagawa. Pag balik namin sa sala, nag paalam na din siyang aalis na. "Elize” mahina niyang tawag sa akin... nasa tapat na kami ng pinto. Seryoso ang mukha niya, he's looking at me straight to my eyes as if looking into my soul. Those eyes are telling me "I'm yours... only yours". We stared at each other for a long time. Ako din naman unang nag bawi ng tingin. Nakakatunaw ang mga tingin niya. He's really getting into me. But he held my chin to lift my face up. He molded my face into his hands and without warning kissed me slowly. Nagulat ako pero di ko magawang itulak siya. Napapikit na lang din ako, without me knowing it... I was copying him. I was kissing him back, His kiss is so gentle para bangang ingat na ingat siya sa akin. -This is my first kiss and it's so sweet... heavenly... Nang naubusan ng hininga tsaka lang kami tumigil. Pinag dikit niya mga noo namin. Ang bilis ng nangyari, niyakap niya ako ng super higpit tsaka hinalikan sa noo. At walang sabi sabi at lingon lingon siyang umalis. - Oh my God !$&@ what just happened. S**t !!! ~~~~~ ✰ Gabriel "Gabriel, ano ka ba naman kala ko ba mag pipigil ka" sabay hampas sa manibela... "S**t, S**t, S**t, paano na kung matakot siya sa akin" gusto niyang kaltukan sarili niya Mabilis niyang pina harorot ang sasakyan para maka alis na, baka kasi mag bago pa isip niya at bumalik pa siya sa bahay nila Elize. Natatakot akong tumawag or mag text baka galit nga siya. - Oh my God !? what have I done. Mawawala na si Elize sa akin. - Hoooyyy umayos ka nga... gagawa ka ng kalokohan di mo kayang panindigan. Hindi ka naman sinapak di ba or tinulak man lang. She even responded to you. Bakit parang nagsisisi ka, ginusto mo yun. Kung ano consequence nun aba tanggapin mo... anas ng utak ko... Naman kasi ang saya na ng araw na ito eh. This is the happiest I've been for a long time. Why did I lost control kung kelan pauwi na. - Hayyy S**t. Bahala na. Sana hindi siya galit, Na feel ko naman ang reponse niya kanina. I hope hindi galit kundi saya ang nararamdaman niya. Sana lang. - I hope the feeling is mutual... those luscious lips the sweetest I've tasted, F**k ! I'm doomed really… When she responded... I don't want to stop! S**t !!! Messenger Gabriel : Lucas my Friend, Could you please check on Elize if she's ok? Nag aalala lang ako. Lucas : Bakit siya hindi magiging OK ? Gabriel : Wala, please paki check nalang kung galit ba siya sa akin. Lucas : S**t!!! ka Gabriel, Ano ginawa mo kay Elize? I told you, she's fragile wala siyang kamuwang muwang. She's innocent. Ano ba kasi ginawa mo... Gabriel : Wala nga, please take good care of her. Please bukas na flight ko kasi. Lucas : Gabriel naman, huwag mong isama si Elize sa collection mo ng girls. Hindi niya deserved yun. Gabriel : Lucas, I like Elize very much, she's special... binago ko sarili ko para sa kanya... Nakita mo naman di ba. I'm not the old Gabriel you know then. Lucas : Siguraduhin mo lang, I warned you already. ~~~~~ Weeks After Hindi ko pa din makuhang mag paramdam kay Elize. I'm still afraid sa magiging sagot niya. Pero mas magagalit siguro siya kung hindi ako mag communicate after what happened. Lalabas na parang hindi ko pina ninindigan ang nagawa ko. Messenger Gabriel : Hi Elize, Kamusta. Miss mo na ako? (smiley emoticon) After one hour wala pa din siyang sagot. Para akong timang nakatitig sa phone at laptop ko. Galit nga siya… Babawi ako sweetheart pag uwi ko, promise. ~~~~~ ❀ Elize Mokong na Gabriel na to siya pa talaga di nagpaparamdam. Kasi naman eh dapat kinaltukan ko eh... - Eh mukhang nasarapan ka pa dyan eh. - Malay ko ba first time ko yun, sarap pala. Na kaka wala pala ng ulirat. Nawindang ako... Dapat yata iwasan ko muna ang pag lapit sa kanya. Baka akala niya gusto ko na din siya. - Hindi nga ba. I dont know?! This is so alien to me... - Gusto naman kung sa gusto kaya lang may one year pa ako sa college. - Sino ba naman di makaka gusto sa Anak ni Adonis na yun. Messenger Gabriel : Hi Lizzy, Kamusta. Miss mo na ako? (smiley emoticon) Nag message pala siya, kasi naman hindi man lang naisip ang time difference... mamaya ng gabi ako sasagot para umaga sa kanya. Next Day Elize : Hi Mr. Mojica, please check your time po bago ka mag message. Hating gabi po nun dito sa Pinas. Ok naman po ako, kami ni Nanay. Gabriel : Hi, sorry di ko napansin ang time kaya pala tagal mo sumagot. Akala ko galit ka. Elize : May dapat po ba akong ikagalit? Gabriel : Kasi nung bago ako umalis... Elize : Bakit? Sorry ka? Ano ito nabigla ka lang, di mo sinasadya... Hindi mo kayang panindigan ginawa mo. Gabriel : No!? ginusto ko yun. I take responsibility for my own actions. I hope you're not angry with me. Elize : Hindi naman po ako galit, we are both responsible adults. Pareho nating alam ginagawa natin. At least now alam ko na, makakaiwas ako kung ayaw kung mapunta ulit sa sitwasyon na ganun. Gabriel : Thank you, pero huwag mo naman ako iwasan. Promise mag behave na ako... pipigilan ko na sarili ko. Please huwag mo naman ako iwasan. Di na ako sumagot... maya maya tumawag sya. "Hello!" bati niya "Hi, tumawag ka pa mahal international call" "Elize, please huwag mo naman ako iwasan... Please" para na siyang na iiyak "Hey, wala naman ako sinabing iiwasan na kita OK" pag aalo ko sa kanya "Thank you, friends pa din tayo? Pagbalik ko. "I'll see before classes start." "Yes, Friends... OK na po, matutulog na ako" "Good Morning sayo, Good Night sa akin, Bye" Sabay end call, baka mag drama pa kasi siya. ~~~~~ ✰ Gabriel Thank God, hindi siya galit anas ni Gabriel sa sarili. Miss ko na siya, sobra. Kailangan matapos na agad ako sa mga kailangan ko gawin dito para makauwi na. Another week would pass Messenger Mommy : Surprise! Gabriel... pick us up tomorrow at the airport. We are on our way to you. - Noooo !!??&$& uuwi na ako pano si Elize patapos na school break. Kailangan ko siyang makita. Dumating nga sila Mommy, Daddy at dalawa kung kapatid. Family Vacation daw habang andun na ako. Na diskaril ang plano ko umuwi agad para kay Elize. F**k!? S**t?!&# One Week na nag start ang Classes, bago pa ako nakapasok. Busy na lahat last year na namin to at Thesis na. Ni wala na kaming time mag kwentuhan man lang. Kahit sa Cafeteria halos lahat ng graduating nagmamadaling kumain at seryoso lahat. I need to make time to talk to her. ~~~~~ ❀ Elize - See you before classes start pala ha. Paasa. - Bakit ka naman kasi umasa. Ano ba kayo.... Kaya nga eh. Buti nalang this is the busiest year for us. Thesis year. Pag aaral na lang ulit atupagin, tama na muna yang love life. Hindi na din muna ako nag Student Assistant. Weekends na lang din kami halos nagkakausap ni Gabriel, kahit super busy sa school… He always have the time to us. "Good Evening Nay, nadyan po si Elize" narinig kung bati ni Gabriel... - Ano ginagawa niya dito, Saturday palang kasi ngayon at gabi na. At nagkita na naman kami sa school kanina. Mukhang hindi sya umuwi sa kanila. "Elize anak, dito si Gabriel" tawag ni Nanay "Maupo ka muna Anak, akyatin ko na" "Salamat Nay" Bumaba na din ako. Hala... iba aura niya ngayon pa pogi masyado. Pero mukhang seryoso. "Hi, di ka po umuwi sa inyo?" bati ko sa kanya "Pauwi ako after ko dito, di ko lang talaga matiis" pabulong niyang sabi "Hindi kasi ako makakapunta bukas, may kailangan gawin sa bahay kasi" habol niya, parang malungkot siya or assumera lang talaga ako. "Kumain ka na ba? Kain ka muna kung bibiyahe ka pa" "Hindi na po, sa bahay nalang" "Oh OK, ikaw bahala" Tahimik kaming naupo sa sala. Maya maya pa, He rested his head on my lap. Ganyan na siya ka at home sa bahay at sa akin... Ikinawit niya mga kamay ko sa leeg niya parang ako pa naka embrace sa kanya. Naglalambing na naman ang Mamang Adonis. At panay ang halik sa mga kamay ko. Ang bango ng buhok, hindi ko tuloy mapigilan haplusin. "Pahilot naman ng noo ko, please" lambing niya with pa sweet smile at pouting lips Paghilot ko, napapikit pa siya. Pero naka smile pa din. Sarap nakawan ng halik. After ilang minuto, hinawakan niya din mga kamay ko at pinatong sa dibdib nya. Matagal kaming ganun lang. Pa naka naka pa rin niyang hinahalikan ang mga kamay ko. - Hay naku! baka saan naman kami mapunta neto. Sarap sana ng feeling, sana tumigil ang oras. - Sarap niya nakawan ng halik, nakapikit pa din kasi siya para bang ninanamnam ang oras. Elize control yourself. Bumuntong hininga muna siya tsaka siya dahan dahan tumayo. "Alis na muna ako" paalam nya Pag tayo ko, nagulat nalang ako at niyakap niya ako ng mahigpit sabay halik sa noo. Kung gaano kabilis niya ginawa yun ganun din kabilis siyang bumitaw. Sabay talikod at nag lakad pa labas ng bahay. ~~~~~ ✰ Gabriel Buti nalang naka pag pigil ako ngayon, Good Job Gabriel... na ngingiti pa siya kahit mag isa. May Party kasi sa bahay bukas. Hindi ako makakapunta kina Elize. Sa sobrang busy namin sa school, Weekends nalang kami nakakapag usap ng hindi school things. Pati kasi Saturday may pasok pa kami. Pero hindi ko talaga pina palampas ang weekend na hindi maka dalaw. Mabilis na lumipas ang mga araw, 2nd semester na. Lalo pa kaming nagiging busy. Ganun pa man kahit na ganun… nagbibigay ako ng oras para kay Elize . **Nung Sembreak Kinausap ko si Nanay... "Nay, pag naka graduate na po ba kami ni Elize pwede ko na siyang ligawan?" kabadong tanong ko sa kanya "Gabriel Anak, magkasundo naman kayo ni Elize, mabait ka at mukhang mas inspired pa si Elize nag aral ngayon" mahaba niyang sagot "Wala naman akong tutol dun, good influence ka naman sa kanya" dagdag niya pa "Nay, Salamat pangako paka iingatan ko po si Elize" - Totoo naman I only have good intentions for her... I've fallen for her... truly deeply... Kaya kahit super busy kami sa school things. Hindi ko pa din tinitigilan ang mga pa hangin ko kay Elize. May pa bulaklak at chocolate pa ako minsan. Ewan ko ba baliw na talaga ako kay Dyosang Elize. Blooming pa naman lagi siya ngayon. Laging happy, feeling ko ako nagpapasaya sa kanya. - Sana nga tama ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD