“The victim’s name is Eunice T. Lucero, 36 years old, plain housewife of Mr. Aaron R. Lucero. Cause of death—hemorrhage caused by the chest wound, ang tinatayang time of death ay nang oras na atakihin siya dito sa veranda ng mga 11am habang may kausap siya sa phone. Ang prime witness ay ikaw Mr. Lucero at Euclid, tama ba?” tanong ni Inspector Palma habang sinusulat sa maliit na notebook ang paunang impormasyon sa kaso. “Ganun na nga... birthday niya kasi ngayong araw kaya naman may maliit na salu-salo dito. Pero dahil ngayon lang ako nagkaday-off sa trabaho, I decided na puntahan muna yung anak ko na nasa hospital. Gusto ko kasi sanang ipakausap siya kay Eunice since hindi pa pwedeng lumabas ang anak ko...” malungkot na sabi ni Mr. Lucero dito habang nagpupunas pa ng pawis sa noo. “Hmm..

