Date: September 23 Time: 11:42pm Location: South Memorial Garden Bakit siya nandito? Tahimik akong lumapit sa tabi nito na mukhang ikinagulat naman niya. "I-ikaw?," sambit niya nang makita niya ko. "Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan? Why are you here? You're supposed to stay in the hotel right?" "Ahh kasi ano..," napayuko siya. I sighed. Kahit na gusto ko siyang tanungin agad kung anong ginagawa niya dito sa ganitong oras, pinili kong tumahimik muna. Hinubad ko yung suot kong coat at pinatong sa balikat niya. Kung bakit naman kasi hindi muna siya nagpalit ng mas maayos na damit bago pumunta dito eh! "Sa dami ng oras na pwede kang bumisita sa puntod, gantong oras talaga? Hindi ka ba natatakot? Kakaiba ka talaga Nickan!," tanong ko sa kanya. "Tss.. ikaw din naman ahh.. nabis

