Baka maisipan talaga niyang i-report ako sa nakakataas. Instead na ako ang mapaalis ay siya. Isa kasi sina mommy ang stock holder ng school tapos baka malaman din niya kung anong puno’t dulo bakit ganoon na lang ang professor sa akin. Hindi ko naman kasi talaga kasalanan, siya ang nagsimula hanggang sa dumating sa punto na kunting galaw ko ay mali na sa kaniya. Ayaw ko rin naman na manghimasok sina mommy dahil nga sa ginagawa ng ibang professor sa akin. Ano ako? Bata? I can manage myself naman. Hindi naman ako isang klase ng tao na dinidibdib ang mga sinasabi ng iba. Nakakasama lang iyon sa sarili eh. Sasaktan ko lang din sarili ko para sa mga walang kwentang opinion ng iba sa akin. Who cares about them? I will let them die kaysa ako. Bahala sila sa buhay nila.
"Hahaha. Nakakatawa si Ms. Morell."
"Ang pula talaga ng mukha niya dahil sa sinabi ni Kana."
"Sasabog na ata iyan"
“Wala talagang kupas sa pang-aasar si Kana.”
“Hindi na boring ang sem ngayon. Huwag na sana siyang umalis ulit.”
“Oo nga naman. Baka tayo na naman ang pagbuntungan. Hindi naman tayl katulad ni Kana na hindi natatakot sa kung anong mangyayari sa kaniya.”
Bulungan nila na halatang buong kaklase ko ang nakarinig kaya mas lalong pumula ang mukha ng professor namin. Aliw na aliw naman ang iba sa nakikita nila at nasasaksihan sa pagitan namin ng rival na professor ko.
‘Pasensya ka na miss pero bad timing ka. Huhuhu. Sana hindi ako kunin ni satanas sa pagiging mean ko sa mga good people. Char lang!’
Nagtitigan lang kami ni Ms. Morell nang biglang nagbago ang emosyon sa mata niya na agad naman itong bumalik sa rati. Nanalilisik ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin kulang na lang ay lapain na niya ako ngayon. Natahimik tuloy ang buong klase dahil sa inakto ni Ms. Morell.
Kung normal akong tao baka nangatog na ang tuhod ko sa klase ng tingin na pinupukol niya sa akin kaso hindi. Normal na sa akin ang ganoong klase ng tingin, kung kay mommy siguradong titiklop ako agad. Pero hindi eh.
"After your long vacation Ms. Yanares, ay may gana ka pang makipag biruan sa klase ko at..."
Hindi pa niya natapos ang sasabihin niya nang bigla kong hablutin ang aking bag sabay tumayo. Aalis na lang ako kasi paniguradong mauubos ang oras niya para lang pagalitan at mapahiya ako.
"Alam ko ang patakaran mo na pag nalabag ko iyon ay aalis ako sa classroom na’to at babalik lang pag-next subject na. Don't worry, Ms. Morell. Sa ulong sa ulo ko iyon even though ang tagal kong nawala. Teacher's Pet kaya ako, diba?" Habang nakangiti ako sa kaniya bago tuluyang lumakad para makaalis na talaga sa classroom namin.
Mas gugustuhin ko pang umalis ng makatulog ako ng walang istorbo. I need to sleep talaga, baka kasi matulugan ko lang ang klase niya. Useless lang ang pagpasok ko sa first subject ko.
"Wooooh! Hahaha. Idol!!"
"That's our girl!!"
"Classmate namin iyan!!!"
"Ultimate crush ko siya!!!!"
“Ang cool talaga.”
“Galing!”
Hiyawan ng iba dahil sa biglaang sinabi at ginawa ko. Umalingaw-ngaw rin lang sa classroom pati sa labas ang sigaw ni Ms. Morell para patahimikin ang mga kaklase ko. Nakita ko pa ang kakaibang ngisi ni Eunice dahil sa ginawa ko.
Alam ko naman na masaya siya sa ginawa ko sapagkat siya talaga lagi ang good student when it comes sa academics at ako ang bobita. Who cares?
"Shut up or I'll crush all your grades!" Nagbabantang sigaw ni Ms. Morell sa buong klase.
Napailing na lang ako at naglakad na lang palayo roon.
***
Napadpad ako sa canteen at karamihan sa narito ay mga estudyanteng wala pa ang class hour nila. Gutom na rin ako at kailangan kong kumain na naman para bumalik ang energy ko. Iyan kasi pag nagpupuyat babawiin sa kain para ‘di magmukhang lantang gulay. Sa food kasi talaga ‘yung substitute ng tulog. Minabuti ko na lang na ikain na lang ang lahat sapagkat maraming tao sa library. For sure, mahigpit din ang bantay roon kumpara sa kukunti. Marami kasing kalokohan ang magagawa ng ibang estudyante kasi nga maraming tao roon pero nakatunog ang mga librarian kaya better sa canteen na lang.
"Long time no see, Ms. Kana." Ngiting bati sa akin ng matandang dalaga na nagbibigay ng order ko.
She knows me well when it comes sa food kaya hindi ako nasasayangan ng laway pagpumupunta ako rito. Proud ako na matakaw ako hindi ko ikinakahiya ‘yun! Hindi naman kasi ako natatakot na tumaba dahil sa mga fatty food na kinakain ko. Binabawi ko naman sa exercise kaya no worries. Marami ngang naiinggit sapagkat hindi ako conscious sa katawan ko unlike them. Nakadepende rin naman ‘yun sa klaseng katawan na mayroon ang isang tao. Hindi naman kasi talaga pari-pareho lahat. Discipline lang talaga sa sarili ang kailangan.
"Same to you, Ate Yna. Oo nga pala ate, Kana will do. Para namang hindi tayo close," pabirong sabi ko sabay tango sa kaniya bilang paalam.
Pag-upo ko pa lang sa napilipi kong spot dito sa canteen ay may umukupa na agad sa kaharap kong chair. Tinaasan ko siya ng kilay at nag-pout ang gago. Here we go again. Ang tagal ko rin siyang hindi nakita kaya for sure na nalaman niya kung saan ako ay pumunta siya agad dito.
"Mommy's waiting for you. Umuwi ka na." Diritsang sabi niya habang nakatitig pa rin sa akin ng mariin.
Akala ko sasabihin niya na namiss niya ako. Si mommy pala ang dahilan bakit nandito siya ngayon. Bastos na kapatid.
"Pinilit ka na naman niya? Why she didn't bother to call me, instead of bugging you?" Sabay kagat ng burger ko na may fries.
Masarap ‘to swear. For sure pag matikman ‘to ng iba siguradong makakalimutan nila ang katabi nila. Laos na kasi ‘yong ‘makakalimutan mo ang pangalan mo' masyadong common. Hilig din kasi ito minsan ni daddy pero minsan napapagalitan ako nina mommy kasi kung ano-ano na ginagawa ko sa food ko baka sumakit pa raw tiyan ko. Pero nasanay naman sila na pinagpapasalamat ko. Lagi ko ba namang ginagawa kaya in-accept na nila ang pagiging weird ko when it comes sa food.
"Aba't malay ko sa takbo ng utak niya. Baka nakalimutan naman niya na may dala kang cellphone." Bagot na sagot niya sa akin.
Halatang napilitan talaga siyang gawin ang inuutos ni mommy sa kaniya at kung hindi niya gagawin siguradong sabog ang taenga niya sa kadada ni mommy. Pwede naman na ipasundo ako sa driver namin kaso mukhang ayaw talaga ni mommy na pakialaman ako lalo na’t hindi ko talaga sinabi na uuwi ako bigla. Lagi ko kasing sinasabi na soon lang, walang exact na date.
"Anong akala mo sa akin? Taong tabon? May cellphone naman ah. Tapos last time na tumawag ako hindi naman siya nagsabi na umuwi na ako." Hindi makapaniwalang sabi ko.
OH MY GOD! Really? Masasapak ko ang taong magsasabi niyan sa akin! Nakaka-offend.
Napalunok siya ng hindi oras dahil sa naging reaction ko. Isa pang weird na tao ang kapatid ko. Alam kong ayaw na ayaw niyang tinititigan ko siya ng sobrang tagal dahil nangingilabot daw siya. Ang oa lang, diba?
“Aba, malay ko sa inyong dalawa. Remind ko lang po sa’yo. Last time na nag-usap kayo 2 months ago pa ‘yun. Ilang minuto lang kasi busy ka na agad sa mga oras na ‘yun. Wala na kaming naging balita sa’yo after kaya natural na ganoon talaga ipagawa niya sa akin. Ang aarte niyong dalawa.” Kumunot na nga ang noo niya habang sinasabi ‘yun sa akin.
“Easy naman sa inyo na malaman saan ako. Hindi ko naman kayo pinagbabawalan.”
“Ayaw ni mommy. She respects a lot about sa privacy mo. Pero sana naman maisip mo rin po na may pamilyang nag-aalala pa rin sa’yo at namimiss ka. Baka lang naman, diba?” Umirap pa siya sa akin na ikinaawang ng bibig ko.
Hala, siya! Bakit marunong na siyang irapan ako? Mukhang kailangan ko na talagang bumawi talaga. Kasalanan ko rin naman kasi pero bilib din ako kay mommy. Kung ibang magulang pa baka sinundo na kung saan man naroroon ang anak na may kasamang palo pa siguro.
"Umuwi ka na! 5 Months kang nag-vacation at hello? 2nd Sem na, hoy! Ewan ko ba at bakit nakakapasa ka pa at nakapasok sa 2nd Sem. Sabagay, may utak ka naman, hindi mo nga lang ginagamit ng maayos minsan."
Tumayo na nga siya para umalis na. Mukhang may pasok pa siya. Sinadya lang ako rito dahil nagkataon na madadaanan niya siguro ang canteen.
"Because I am Kana Yanares, clumsy brother of mine!" Mahinang bulong ko sa last part sabay ngiti kasi paniguradong narinig pa rin niya ang sinabi ko.
Inarapan na lang niya ako at tuluyan na ngang nawala siya sa paningin ko.
Hays! Ang tagal na rin. Namiss ko tuloy lalo sina mommy. Namiss ko na ring matulog sa kama ko. Makakatulog din ako sa wakas ng maayos. Sa bansang pinupuntahan ko at lugar, hindi ako masyadong nakakatulog. Laging conscious ako sa paligid ko kasi laging pumapasok sa isip ko na I’m not always safe lalo na pag bago lang ako sa lugar. Lagi kasi rin pinapaalala nina mommy na hindi lagi pwedeng maging kampante dahil sooner or later may mangyayaring hindi inaasahan which is tama naman siya. Nangyari na kasi rati ‘yun. Ayaw ng maulit ni mommy as much as possible, kaya niya na pigilan ng panganib na paparating.
Nabaling ang pansin ko sa phone ko sa bulsa na panay vibrate na. Agad kong kinuha at binasa ang mga mensaheng damating sa akin. Galing lahat sa kapatid ko. Umuwi na raw ako dahil nalaman na niya ‘yung nangyaring eksena kanina. Alam na raw niya na nagdadalawang-isip na ako na pumasok sa next subject ko. Mas mabuting umuwi na lang ako diritso baka saan na naman ako mapadpad.
It's time to go home then.