Nakatago ako sa likod ni Venger habang nasa likuran kami ng mga magulang namin na feel na feel ang paglalakad dito sa hallway ng school namin. First time talaga na makasabay ko sila sa paglalakad in public lalo na rito sa school. Usually, hindi kami nagsasama lalo na pag nasa Pilipinas lang kami. Pag nasa ibang bansa ay free namin gawin kung anong gusto naming gawin as a family. Nasanay lang kami na ganoon tapos sabi nina mommy for safety purposes lang din naman na siyang naiintindihan ko. Ito rin naman gusto ko eh. Kaya pinanindigan namin. For sure another issue na naman ang mangyayari o tsismis. "Act as a mature lady, sis," sabi ng aking magaling na kapatid na may kasamang inis na tono, kaya agad akong nag-pout. Mas lalo niyang pinapasama ang mood ko. Paano ba naman, kulang na la

