“Pero nakakagulat ha? Hindi mo talaga ginalingan sa lagay na iyon? 25 out of 50 nga iyong scores mo kaso mahirap iyon eh. Pinakamataas na nakakuha ng score ay si Allen, 20 out of 50. More on analysis and strategies kasi iyon. If napansin mo lang iyong mga questions.” Baling niya sa akin right after niyang makabili ng snacks for us. Hindi talaga siya matahimik panay tanong talaga niya kanina pa kung totoo ba sinabi ko. “Kaya naman pala ganoon ka weird iyong mga tanong. 25 lang kasi binasa ko tapos random eh.” Habang inaala ko iyong mga tanong na nabasa ko sa special exams namin. “Wow! Sana all, matalino. Kung binasa mo lahat for sure perfect mo iyon. Each test na sinagutan mo lahat ng kuha mo 50%. Kami nga dati na nangangapa talaga kung anong isasagot tapos binasa talaga isa-isa

