Habang binabaybay namin ang daan palayo sa mga kalaban ay napadpad pa kami sa daan kung saan walang katapusan. Napapansin ko na walang mga tao o bahay man lang na narito. Mukhang may bangin din sa hindi kalayuan sa amin. Kung minamalas ka ba naman. Nakasunod pa rin sa amin ang mga kalaban. "Anong gagawin natin? Kunti na lang 'yung natitirang gasolina tapos may sumusunod pa sa atin na mga kalaban," reklamo sa akin ng katabi ko habang 'di mapakali sa kinauupuan niya. Kanina pa siya ganiyan. Ewan ko ba sa kanya at 'di marunong sa salitang initiative. Alam naman niyang nagmamaneho ako kaya paano ko mabibigyan ng solusyon na mawala iyong bumubuntot sa amin. Kung nag-iisip siya ng maayos edi sana tapos na ang problema namin. Ang nasa isip ko lang para matapos na ay lumaban ulit pero hind

