Namayani ang kakaibang katahimikan sa paligid. Wala kang ibang mapapansin kundi ang mga katanungan sa kanilang mga mata. Walang halong pagsisinungaling, ang kasiyahan sa mukha ng munting bata na tila ba napakapalad ng araw na ito.
Umupo ito sa mesa kasabay ng hindi matawarang ngiti sa kanyang labi. Maingat nitong pinagmasdan ang natitirang pahina ng aklat at nagsimulang magsalita.
"Ito nga ba ang sinasabing kasinungalingang itinakda, na ngayon ay umiiral at nagaganap? Ito ang mga salitang nakapaloob sa milyong-milyong mga katanungan. Walang kaalam-alam ang mundo sa pagbabagong kinakaharap nito. Kung sino man ang nagsulat ng liham na ito, nakasisiguro akong wala pang nakahihigit sa kanyang karunungan. Buo ang kanyang loob at umaapaw ang kanyang determinasyon. Walang halong pagpapanggap ang aklat na ito." Paglalahad nya.
Lumapit sya kay 5050 at iniabot ang aklat na tila ba mayroon sya ditong inaasahan. Nakangiti ito at nagpapahiwatig ang kanyang mga kilos.
Itinuon ko ang aking paningin kay 5050. Pagkamangha parin ang namamayani sa mga mata nito. Ngayon ko lang sya nakitang ganito kasaya. Ang pinaghalong pagkagulat at pagnanais sa kanyang mga narinig. Ibang-iba sya sa 5050 na matagal ko ng kilala. Mabilis nitong binuksan ang libro at maingat na pinagmasdan ang bawat pahina. Nagmistulan itong natatarantang bata, hindi nya malaman ang kanyang gagawin. Mababakas sa kanyang mukha ang halo-halong emosyon.
Posible kayang alam ng munting bata ang kakayahan ni 5050? Kinakabahang tanong sa aking isipan. Hindi, ni hindi nya pa ito nakakausap ng harapan. Nakakasiguro akong ngayon lang nangyari ang paghaharap na ito.
Bahagya syang lumapit sa tenga ni 5050 at bumulong. Tila ba isa itong senaryo ng kataksilan. Ang senaryo ng panghihikayat sa isang bagay na maaaring tama o isa lamang kasinungalingan.
"Hindi ka ba nagtataka sa hugis ng lugar na ito? Bakit gawa sa makakapal na bakal ang bawat pader kung pwede namang isa lamang na artipisyal na bato? Ano sa tingin mo? Batid kong hindi mo pa nasilayan ang araw. Kung paano ito sumikat sa umaga, at kung paano ito lumubog tuwing sasapit ang gabi. Naniniwala ka parin ba sa huwad na ipinapakita ng silid na ito? Ang kasiyahan, ang mga ngiti, ang pagmamahal. Ang malamig na pakiramdam, umaga man o gabi. Nakapagtataka hindi ba? Hindi ito ang tahanan na binubuo ng isang pamilya. Puro kalungkutan lang ang itinatago ng lugar na ito. Kaylan ka pa ba gigising sa katotohanan? Pumili ka, manahimik o ipahamak silang lahat? Ang mga bata na itinuturing kang kaibigan at pamilya. Paghahayag nito.
Tila ba isang liwanag para kay 5050 ang kanyang mga salita. Dahan-dahan nyang itinaas ang kanyang ulo, napaka seryoso ng mga titig nito. Ang mga matang nagsasaad ng galit at pagkamahinahon. Ano bang nangyayari sa silid na ito? Gaya na lamang ng aking sinabi, hindi sya ang 5050 na kilala ko.
Sabihin na nating totoo ang nakapaloob sa liham. Magiging Ligtas ba tayo sa silid na ito? Wala tayong kaalam-alam kung saan nakalagay ang mapagmatyag na mga bagay. Marahil sa sandali ding ito, alam na nila ang nasa isipan at ikinikilos natin. Marahan kong sambit ng unti-unti ng nawawala ang tensyon sa paligid.
Wag kang mag-alala, walang kamera sa silid na ito. Ganon din sa silid palikuran. Sa ngayon, sa silid-kainan lang ang alam ko. Tugon nito habang nakatalikod.
Kung gayon? Ang mga kilos mo kanina sa silid-kainan. Wag mong sabihing ginagawa mo lang iyon para hindi ka mahalata? Kaylan mo pa nalaman? Pagkagulat kong tanong.
Ganon na nga! Seryoso nitong sambit. Nakalagay ito sa gilid, sa gitna ng dalawang pintuan kung saan malayang nakikita ang buong silid. Tamang-tama hindi ba? Ang ang pagdating mo, ang mabagal mong pagkilos, ang pagigi mong mausisa, ikaw lang ang makakagawa ng mga iyo. Hindi nila maaaring makita ang aklat. Iniiwasan ko lang na mangyari yun sa pamamagitan ng pagtakip mo sa aking ginagawa. Kung tama ang hinala ko, mayroon ding kamera sa bawat silid-tulugan. Sa ngayon hayaan nyong ako ang tumuklas ng mga ito. Wag na wag kayong gagawa ng ikakasira ng lahat. At isa pa, kahit na anong mangyari, panatilihin nyong naririto lang sa silid-aklatan ang aklat na ito. Hindi dapat ito makita ni Ms. Melinda kahit pa ng ibang mga bata. Kumilos kayo gaya ng dati na para bang hindi nangyari ang pag-uusap na ito. Kaylangang walang magbago sa nakagisnan nilang kayo.
A..B..C....D. Masaya kong tinuturuan ang aking kapatid kasama ng iba pang mga bata. Hindi parin mawala sa aking isipan ang liham na nakapaloob sa libro. May katotohanan kaya ang mga ito? Ang nag-iisang tanong para sa nawawalang kasagutan. Ngunit alam kong hindi lamang gawa-gawa ang aklat na iyon. Masyadong tugma ang mga detalying sinasabi nito sa kinaroroonan naming lugar. Siguradong mayroong nalalaman si Ms. Melinda na hindi nya sinasabi sa amin. Ang tanong. Ano nga ba ang mga ito? Agam-agam ko sa aking isipan.
Pagkatapos ng aking pagtuturo sa mga bata ay mabilis akong pumaroon kay 5050 na nito'y naroroon parin sa silid-aklatan.
Sa tingin mo, may katotohanan kaya ang sinasabi ng aklat. O kaya naman, hindi nya nauunawaan ang mga ito? Wala tayong kaalam-alam kung naiiba ang sinasabi ng aklat sa lumalabas na salita sa kanyang bibig. Anong masasabi mo? Tanong ko kay 5050 na tahimik na nakaupo at may binabasang libro.
"Malumanay ang kanyang kilos, wala akong nakikitang kasinungalingan sa kanyang mga mata. Kung hindi sya nagsasabi ng totoo, kung huwad man ang kanyang mga salita. Ikaw lang ang makakapagsabi ng mga ito." Tugon nito habang nakatingin parin sa binabasa nyang libro.
Ibang-iba na ito magsalita, wala na syang nararamdamang kaba sa kanyang puso. Ano bang nangyari sayo 5050? Tanong ko sa aking isipan. Ito ang pinapangarap ko sa kanya, subalit kapag naroroon ka na sa pangarap na iyon, tila ba masyadong mabilis ang mga pangyayari. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa mga nakikita ng dalawa kong mata. Bakit? Hindi ko na alam ang aking sarili, ang mga negatibong iniisip. Bakit hindi ako masaya para sa kanya?
"Wag mo ng isipin iyon 22. Malumanay nitong sambit. Kung sino man ang may sapat na kakayahan para tuklasin ang lahat, sya yun at wala ng iba. Ang kakayahang nakahihigit sa lahat."
Nagulat ako sa kanyang sinabi. Ang mga salitang sa bibig nya mismo lumabas. Imposible! Sa mahabang panahon kong pananatili dito, si 5050 lang sa lahat ng mag-aaral ang alam kong mayroong sapat na karunungan. Di makapaniwalang boses sa aking isipan.
Paano na lamang si Ms. Melinda? Ang hindi ko lang maintindihan, ay kung bakit nya hinayaang matuklasan ito? Hindi, sigurado akong alam nya at sinadya nyang mangyari ang bagay na ito. Pero bakit? Bakit nya hahayaang mangyari iyon kung sya mismo ang gumagawa ng masama sa mga bata? Bakit nya pa ito inaalagaan ng may kasamang pagmamahal? Paglilinaw ko.
Huwag muna tayong dumako sa ibang konklusyon. Hindi pa natin alam ang buong detalye na nakapaloob sa lugar na ito. Wala tayong ibang magagawa kundi maghintay, maghintay at huwag gumawa ng mga pagkakamali.
Wala na akong nagawa pa kundi hayaan na lamang ang pangyayaring ito na matuldukan. Gusto ko mang alamin kung anong nasa likod ng liham, ngunit hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Gaya na lamang ng sinabi ni 5050. Wala ng iba pang magagawa kundi magtiis, at maghintay para sa iba pang araw na darating. Isinantabi ko na muna ang mga katanungang naglalaro sa aking isipan at inilaan na lamang ito sa mga nagaganap na aktibidad sa araw-araw.
Mabilis na naglaho ang mga araw at sumapit ang mahabang gabi. Ang nagdaang mga araw kasabay ng tuluyan kong pagkalimot sa liham na nakapaloob sa aklat. Tila ba isa lamang iyong kakaibang sandali na mabilis lumipas sa aking isipan.
"Napapansin mo ba yung bagong bata? Tanong sa akin ni 1696 habang naglilinis kami ng silid-palikuran. Nitong mga nagdaan araw, malimit ko syang makita sa buong lugar. Mayroon ka bang nalalaman dito? Para kasing mayroong kakaiba sa kanya. Isang araw pagkatapos ng umagahan ay tahimik ko syang sinundan, katulad ng dati patungo ito sa silid aklatan. Ngunit pagbukas ko ng pintuan ay wala sya dito. Masusi kong sinuri ang paligid, subalit kahit anino nya ay wala akong makita. Upang makasiguro, isang umaga sinundan ko syang muli, nakita mismo ng dalawa kong mga mata na pumasok sya sa silid aklatan. Ngunit wala kang ibang mapapansin kundi ang mga libro at katahimikan sa silid. Ayaw ko mang paniwalaan subalit totoo. May kung anong nangyayari sa lugar na ito."
Bigla akong nagulat sa kanyang mga sinabi. Unti-unti ng nabubuo ang mga katangun sa kanilan isipan. Ang isang bagay na nagbibigay sa akin ng kakaibang kaba.
1696. tumingin ako sa kanyang mga mata. Sino pa bang nakakaalam nito? Mayroon ka pa bang ibang pinagsabihan maliban sa akin? Seryoso kong tanong sa kanya.
Wala, sayo ko lang sinabi ang mga ito. Hindi ko na alam ang iisipin, batid kong hindi sila maniniwala. Natatakot nitong tugon habang unti-unting masisilayan ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata.
Lumapit ako sa kanya ng bahagya. Makinig ka! Tama lang ang ginawa mo. Walang dapat makaalam nito, kahit pa si 5425, si Ms. Melinda man o ang mga bata. Totoo ang mga nakita mo, at totoong nangyari ang kanyang pagkawala. Ang lugar na ito, mayroon itong misteryong itinatagao. Mga bagay na hindi mo gugustuhing masilayan ng dalawa mong mga mata. Ang munting bata, tutulungan nya tayong malaman ang mga ito. Mayroon syang nalalaman na hindi pa natin nasisimulang maisip. Maniwala ka, para ito sa ikabubuti ng lahat. Dahan-dahan kong pinunsan ang luha sa kanyang mga mata at mahigpit itong niyakap. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Ang isang bagay na kinababahala ko.
Lumipas ang ilan pang mga araw. Nagpatuloy parin ang misteryosong pagkawala ng munting bata. Ang umagahan, ang pagkatapos kumain sa tanghalian. Ang hindi inaasahan nitong paglitaw at ang mabilis nitong paglaho. Nagmistulan itong tahimik na lugar, sarado sa ano mang ingay sa na nagaganap sa paligid. Magpapakita lamang ito pagkalipas ng ilang mga minuto.
Ngunit ang nakapagtataka, hindi man lang ito napapansin ni Ms. Melinda. Kahit isang beses hindi nya ito hinanap. Ano ba ang nagdudugtong sa kanya sa aklat at maging sa munting bata? Pagdududa sa aking isipan.
"Ngumiti ka 22." Pagpapaalala sa akin ni 5050 habang naglalakad ito patungong silid aklatan. Tuluyan na nga syang nagbago, sa isang iglap tila naglaho ang isang sumpa sa kanyang katawan. Tunay ngang masisilayan ang ganda ng isang tao kapag nahanap na nito ang kanyang paroroonan. Ang mapupungay nyang mga mata na dati ay kadiliman ng gabi ang masisilayan. Ang malungkot nyang pagkatao na ngayon ay maihahalintulad sa isang matayog na puno. Ang kanyang misteryosong ngiti. Masasabi kong isa sya sa kaakit-akit sa lahat.
Biglang sumagi sa aking isipan ang tungkol sa munting bata. Hindi kaya totoo ang nakapaloob sa aklat? Ano nga bang klaseng hirap at pagdurusa ang sinapit ng sumulat ng liham? Sigurado akong ayaw nya ng maranasan pa ito ng iba. Ang kanyang di matawarang dedikasyon. Ang walang takot na pagharap sa panganib. Walang sino man ang makakagawa ng ganong uri ng katapangan. At sa huling sandali, nagawa nya pang mag-iwan ng babala para sa aming lahat. Nais kong malaman kung bakit nya nagawa ang mga bagay na iyon. "Ang pagkamausisa na hindi ko kayang pigilan sa aking pagkatao." Ang nasabing lagusan, ito lamang ang makapagbibigay ng sagot sa misteryong ito.
Masusi akong nagmasid sa paligid. Ano nga ba ang tinatago ng lugar na ito? Kahit sa isang beses man lang, nais kong masilayan ang paglubog ng araw at ang maliwanag na buwan sa kalangitan. Ang sariwang hangin sa umaga. Ang malamig na pagbuhos ng malakas na ulan. Ang huni ng mga ibon at ng iba pang mga hayop. Ang nakakahalinang amoy ng mga bulaklak. Ayaw kong maging pangarap na lamang ang mga ito. Ano nga ba ang layunin namin sa mundong ito?
Magpatuloy upang mabuhay, o mabuhay para sa kagustuhan ng iba? Malungkot na boses sa aking isipan.
Mabilis akong naglakad patungo sa silid-aklatan at marahang binuksan ang pinto. Hindi ko maisip na may itatahimik pa pala ang silid na ito.
May nalalaman ka ba sa munting bata 5050? Malumanay kong tanong sa kanya na nito'y nakaupo malapit sa pintuan.
"Kung ano man ang kanyang ginagawa Nakasisiguro akong hindi nya tayo ipapahamak. Wag kang mag-alala maiintindihan mo rin ang lahat. Sa oras na dumating ang araw na yun, nakasisiguro akong magbabago ang iyong nakasanayan. Huwag mong papansinin ang katahimikan ng buong lugar, hintayin mo ito hanggang sa lumipas. Seryoso nitong tugon.