Nakapangalumbaba si Shine habang naka-upo sa hagdan ng bahay na pinagagawa ni Apollo. Halos tapos na pala yun at sa totoo lang hindi n'ya type ang design, now alam n'ya kung bakit nagagalit si Apollo at pinaulit-ulit na nito ang design. Maganda naman kaso lang marahil alam ni Apollo ang taste n'ya kaya pinauulit-ulit nito. "Hey! Bakit d'yan ka naka upo baka maipit si baby." sita ni Apollo sa asawa ng lapitan ito at hilahin patayo saka payakap hinawakan s'ya sa bewang. "Akala ko ba sabi mo pupunta ngayon si Roxy?" "Yun ang sabi n'ya kanina at never naman s'yang na late sa mga meetings namin ngayon lang." ani Apollo na inayos pa ang buhok na nalaglag sa pag kaka brush-up ng buhok n'ya. "Lalo ka pa talaga gumaganda kapag nag bubuntis ka." bulong ni Apollo na hinalikan s'ya sa tungki ng

