Natigilan si Apollo sa pag labas ng makita n'ya ang 4 n'yang tauhan na naka bulagta sa harapan ng driveway ng bahay n'ya habang may isang may babae na naka-upo sa hood ng kotse n'ya na may baton stick na hawak na pang karaniwang ginagamit ng mga police kapag may gun ban. Sa tantsa n'ya mga mid 40's ito or mid 50's lang ito kung titigan ito may hawig ito kay Sunshine. Hindi s'ya tuminag ng tumayo ito at lumapit sa kanya. Ito ba ang nag pa bagsak sa mga new set of bodyguards na kinuha n'ya, isang may edad na babae nagawang pabagsakin ang 4 na lalaki. Mukhang kailangan nanaman n'yang kumuha ng bago puro palpak ang mga nakukuha n'ya. Mabilis s'yang naka-ilag ng bigla lumipad ang paa nito, mukhang sanay sa labanan ang babae sa edad nito mabilis pa rin kumilos. Puro ilag lang ang ginawa n'ya ng

