"Kasalan ba ito o beauty pageant?" ani Railey habang papasok ng simbahan dahil ang daming mga babaeng nag gagandahan at nag sesexyhan na nasa loob ng simbahan. "Mga ninang yan ni Stefy." sagot naman Megan. Ngayon ang kasal ni Sunshine na isasabay na ang binyag ng newborn baby ng mga itong si Stefy. Na halos puro beauty queen at artista ang mga kinuhang ninang nila Shine kaya naman ang kapal ng tao sa labas ng simbahan, kung hindi lang si Apollo kumuha ng sandamakmak na police support at mga bodyguards na galing sa Vguard Security agency na pag aari ng kaibigan ng Daddy Denis ni Shine, baka nag mistulang shooting ang kasal nilang dalawa ni Shine kung hindi sila kumuha ng security sa daming artistang dumalo. ****** "Ano, kaya pa ba? baka mag collapse ka ha! nandyan si Yuan para mag proxy

