Galit na binato ng remote control ni Ingrid ang malaking TV habang hinahanap kung saan ipapalabas ang interview n'ya nung nakaraan pero ilang araw na n'yang hinahanap at inaabangan pero hindi pa rin lumalabas ang balita. Buong pag-asa pa naman n'ya simula na ng kalbaryo ni Sunshine pero mukhang nagawan ng paraan ng pamilya nito. Gigil na napatayo si Ingrid na pinag batuhan ang lahat ng magazine na nasa mesa. Kung 'di lang sana natanga si Nimfa ayos na sana ang lahat hindi n'ya akalain na tataluhin s'ya ni Nimfa dahil lang sa pera. Ipinag katiwala n'ya rito ang kopya ng scandal ni Shine dahil gusto daw ulit nitong mapanood para daw ma perfect nito ang alibi kay Apollo. Ngunit ang bruha ibinigay ang USB kay Apollo and worst pa sinira pa nito ang laptop n'ya kung saan naka save ang isa pang c

