"Who hit her?" napatayo sa kina-uupuan si Apollo sa tawag mula sa tauhan n'yang pinag babantay n'ya kay Sunshine. "Yung boyfriend n'ya." "Wala s'yang boyfriend break na sila." "Anong gusto n'yo gawin namin Sir. Mukhang na injured din po ang paa ni Ms. Shine." "Kunin n'yo dalahin n'yo sa akin!" "Sino Sir?" tumarak naman ang mata ni Apollo. "Natural yun ex-boyfriend n'ya sino pa ba." inis na wika ni Apollo saka pinatay na ang call. Walang ibang puwedeng manakit kay Sunshine. Tuturuan n'ya ng leksyon ang ex nito na narinig n'ya kagabi na nakikipag break na rito si Sunshine pumayag man ito o hindi malinaw na narinig n'ya na nakikipag break na ang dalaga. Kaya wala itong karapatan na saktan si Shine dahil lang nakikipag hiwalay ang dalaga. ********* "Anong ginawa mo para akuin ni Sunsh

