HAJIE: PAGDATING namin sa condo, nagulat kami ni JM na maabutan sa tapat ng condo namin si Arman. Palakad-lakad pa ito na mukhang kanina pa naghihintay. Napapisil naman si JM sa kamay ko at magkahawak kamay kaming dalawa. Hinila niya ako na lumapit kami ditong napalingon sa amin at nabuhayan ang itsura na makita kami ni JM. “What are you doing here, Arman? How did you know this place? Are you stalking us?” paninita ni JM dito. Mabuti na lang, walang ibang tao dito sa hallway. May mga katabi din kasi kaming condo unit. Lumapit kami dito na naghintay sa amin sa kanyang kinatatayuan dito sa tapat mismo ng condo. “Mag-usap naman tayo, please?” pakiusap nito na kay JM nakamata. “Ano pa ba'ng kailangan nating pag-usapan? Nasabi ko na sa'yo lahat kanina. We're over and please? Stop stalk

