HAJIE:
MATAPOS naming kumain, bumalik kami sa silid para makaligo. Pasado alauna na rin ng hapon. Mabuti na lang at may mga damit panlalake dito sa suite niya na kasya sa akin.
"Uhm, siya nga pala, love. Kanino ang closet na 'to?" tanong ko habang namimili siya ng maisusuot ko.
"Nothing, love. Pinasadya ko lang siya kasi kung minsan, dumadaan dito ang mga kuya ko. At least, may pwede silang isuot, 'di ba?" sagot nito na kumuha ng black long sleeve polo at black pants.
Tumango ako na tinanggap ang damit na pinili niya. "Hindi naman sila magagalit na may ibang taong gumagamit ng mga damit dito?" tanong ko pa.
Umiling ito na iniabot sa akin ang kinuhang bagong boxer briefs at medyas sa drawer ng closet.
"Hindi naman, love. Don't worry about that thing, isa pa, this is my suite. Lahat ng mga gamit na naririto, pag-aari ko kaya labas na sila kung ipagamit ko sa iba ang mga damit dito." Saad nito na sinenyasan na akong maligo.
Ngumiti ako sa kanya na tinanguhan siya. Inihatid naman niya ako ng tingin hanggang makapasok ako ng banyo. Pagpasok ko, napasandal ako sa pintuan at napabuga ng hangin. Ang sarap lang sa pakiramdam na habang tumatagal ko siyang kasama. . . mas nagkakakilala at mas nagkakalapit kaming dalawa.
Matapos maligo, nagpunas akong maigi ng katawan bago nagbihis. Inayos ko ang sarili sa harapan ng salamin. Itinupi ko rin ang manggas ng long sleeve polo ko hanggang siko at hindi ako sanay ma long sleeve ang suot. Matapos ayusin ang sarili, pinagmasdan ko na muna ang sarili sa salamin. Malinis at presentable naman akong tignan at bumagay sa akin ang suot ko pero-- pakiramdam ko, hindi pa rin ako nababagay sa isang katulad ni JM.
"Rented boyfriend, Hajie, hindi totoong boyfriend, okay?" pagpapaalala ko sa sarili na pilit ngumiti at napabuga ng hangin.
Inayos ko sa laundry basket ang damit na ginamit ko kagabi kasama ang suot kong security guard uniform na nandidito, bago ako lumabas ng banyo. Napangiti ako na makitang wala na dito sa silid si JM, tiyak na nasa kabilang silid na ito at naligo na rin.
Napabuga ako ng hangin na inabot ang cellphone ko sa mesa sa gilid ng kama at lumabas na rin ng silid. Sa sala ko na lamang ito hihintayin at ayoko namang pasukin siya sa kabilang silid. Kagabi ko lang siya nakilala. Pero pakiramdam ko, ang laki na kaagad ng binago niya sa akin. Nakakakaba tuloy tanggapin ang tulong alok niya para sa pamilya ko dahil baka mamaya, may kapalit ang mga ito. Kung ako, okay lang. Nakahanda ako, kung anoman ang hingin niya sa aking kapalit. Pero ibang usapan na kapag madadamay ang pamilya ko. Ang tanging hangad ko lang naman. . . mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko at hindi na mahirapan ang mga magulang namin na kumayod sa araw-araw.
Naupo ako sa sofa habang hinihintay na bumaba si JM. Napakatahimik ng buong suite nito. Habang naghihintay ay naalala ko naman ang nabanggit niya kagabi sa akin, tungkol sa dating kasintahan nito na iniwan siya at ipinagpalit sa ibang babae. Nahihiwagaan lang ako kung bakit nagawa pa ng lalakeng iyon na ipagpalit sa ibang babae si JM. Ano pa ba ang kulang kay JM para ipagpalit niya ito sa iba? Sa pagkakakilatis ko naman kay JM, sweet girl ito at mabait. Heto nga at kay bilis lang sa kanya na tulungan ang pamilya ko. Magaan din ang loob ko sa kanya at damang-dama ko sa puso ko na mabuti siyang tao. Kaya nakakapagtaka na ipinagpalit pa siya sa ibang babae.
"Hi, are you okay? Did you wait too long, love?" ani ng malambing na boses.
Naikurap ko ang mga mata na bumalik ang ulirat ko na marinig ito. Napaawang pa ang labi ko na dahan-dahang napaangat ng tingin sa babaeng nakatayo sa harapan ko. Nakasuot siya ng black strapless silky dress na above the knee ang manggas. Pinaresan niya iyon ng black stiletto.
Dahan-dahan akong napatayo na nakamata ditong matamis na nakangiti sa akin. Kita rin ang kakaibang kinang sa kanyang mga mata na napahagod pa ng tingin sa kabuoan ko. Hindi ko alam kung sinadya niya pero. . . magkaterno ang itsura ng suot naming dalawa ngayon.
"It suits you, love. Bagay sa'yo ang suot mo," aniya na napasulyap sa kamay ko. "Oh, wait, I almost forgot."
Binuksan nito ang dalang purse na may kinuhang mamahaling relo mula roon! Kumikinang pa iyon na parang totoong diamante ang mga disenyong bato!
"You wear this one, love. Mas bagay 'to sa kamay mo kaysa dito sa suot mo," aniya na siya na mismo ang naghubad sa suot kong mumurahing relo.
"L-love, baka mamaya manakaw pa 'yan ha?" kabado at nauutal kong paalala dahil kahit hindi niya sabihin, alam kong mamahalin at tunay ang relong ipinasuot nito na isa lang namang-- rolex watch!
"Hindi mo naman siguro hahayaan na hablutin nila sa'yo, 'di ba?" balik tanong niya na nangingiting inayos ang relo at napasuri pa nang maisuot iyon sa kamay ko.
"O-oo nga pero. . . nakakailang kasing magsuot nito," tugon ko.
Napahaplos pa siya roon. "Don't be, love. Alam mo, regalo ko dapat ito sa jerk ex ko e. But he broke up with me kaya. . . hindi ko na ibinigay sa kanya. Total, ikaw naman na ang new boyfie ko ngayon, hindi naman siguro kalabisan kung sa'yo ko na lang ito ibigay, 'di ba?" saad nitong ikinatigil ko na namutla sa narinig!
"H-hindi, ayoko. Hindi ko ito matatanggap, love. Kung mura lang sana ito, tatanggapin ko na walang alinlangan." Agarang sagot ko at akmang huhubarin iyon nang pigilan niya ako.
Napalunok ako na mapatitig sa mga mata niyang nangungusap. "Please, accept it, Hajie. I want to give this watch to someone special to me. Kaya siguro hindi ko ito naibigay kay Arman kasi. . . kasi ikaw ang deserving na magsuot nito. Kaya tanggapin mo na, hmm?" aniya na nangungusap.
Muli akong napalunok. Napatitig sa relo na suot ko. Siguro kung ibang lalake lang, tumatalon na sila sa sobrang saya na magkaroon ng gan'tong mamahaling relo. Pero iba ako. Natatakot ako na mawala ko ito at hangga't maaari sana ay ayokong tumanggap ng mga mamahaling regalo mula sa kanya dahil para na rin akong. . . golddigger sa lagay na ito.
"That is yours now, love. Let's go, gusto kong maglibot ngayon sa mall," aniya na yumapos na sa braso ko.
PAGBABA namin sa ground floor, halos lumuwa ang mga mata ko sa nilapitan naming service nito. Inaasahan ko naman ng luxury car ang gamit nito pero nagulat pa rin ako na isang black Bugatti Chiron ang service niya! Napasapo ako sa ulo at para akong nalulutang nang malapitan namin iyon at binuksan niya.
"Hop in, love." Nakangiting saad nito.
Sa mga palabas ko lang ito napapanood. Pero hindi ko inaasahan na makakakita ako ng gan'to sa totoong buhay at. . . masasakyan ko pa?!
"Do you know how to drive, love?" tanong nito na nakatulala lang ako sa Bugatti nito.
"M-marunong pero hindi ako matatawag na professional driver, love." Sagot ko dito na tumango-tango.
"Do you want to drive it, love? I will guide--"
"Hindi, ayoko, love. Hindi ko kaya," agap kong ikinahagikhik nito na yumapos sa baywang ko.
"Bakit ba ang hilig mong tumanggi sa mga alok ko, hmm?" nakangusong saad nito na nakatingala sa akin.
Pilit akong ngumiti na yumapos sa baywang nitong napalunok at pinamulaan ng pisngi.
"Nakakatakot kasing tanggapin ang mga iniaalok mo, love. Katulad nitong relo, paano kung may makahablot nito sa akin? Hindi ako mayaman pero. . . may ideya naman ako kung magkano ang mga gan'tong relo. At itong sasakyan mo. Konting gasgas lang nito, malaki-laki ang gagastusin para maipaayos. Alam mong wala akong pera, love. Kaya natatakot akong makasira ng mga gamit mo," sagot ko dito na lumamlam ang mga matang nakatitig sa akin.
"Don't be afraid, love. Hindi naman ako magagalit, kung sakali e." Aniya.
Napangiti ako na kusang tumaas ang palad ko at hinaplos siya sa ulo.
"Kahit na ba. Hindi mo maiaalis sa akin na matakot, love. Kaya pasensiya ka na ha? H-hindi ko kayang imaneho itong sasakyan mo," paumanhin ko ditong ngumiti at tumango.
"It's okay, love. I understand. Don't force yourself. Kapag handa ka na, saka mo siya imaneho," nakangiti niyang saad na sinenyasan na akong sumakay.
Inalalayan ko pa siyang makapasok na muna ng driver side bago ako umikot sa harapan at sumakay sa passenger seat. Nakakailang man na siya ang magmaneho sa aming dalawa, mas nanaisin ko naman iyon kaysa ako ang mag-drive. Sumakay pa nga lang sa katulad nitong sasakyan ay nangangatal na ang buong katawan ko, paano pa kaya ang imaneho ko ito?!
"A-ano'ng ginagawa mo?" nauutal at halos pabulong tanong ko nang bigla na lamang niya akong dukwangin!
Napalunok ako na masamyo ang kanyang pabango. Sa sobrang lapit nga ng mukha niya sa mukha ko ay tumatama na sa aking mukha ang mainit at mabango niyang hininga. Napangiti naman ito na tumitig sa mga mata ko kasabay ng pag-click ng seatbelt ko.
"Seatbelt, love." Anas niya na sa mga labi ko nakamata! "Damn, I want to claim those lips." Mahinang usal nitong ikinaawang ng labi ko na narinig ang kanyang tinuran!