HAJIE:
MATAPOS naming kumain, inihatid din ako ni JM sa university. Pinagtitinginan tuloy ang Porsche nito dahil ito ang pinakamagarang kotse na nagawi dito sa university namin. Nagbubulungan ang mga kapwa ko estudyante na nakamata dito sa sasakyan. Bakas ang kamanghaan sa kanilang mga mata at kinukunan pa ng larawan at video ang kotse. Naiilang tuloy akong lumabas.
"Is everything okay, love?" tanong nito na hindi ako kumikilos sa kinauupuan.
Napahinga ako ng malalim. Napasulyap sa labas at marami pa ring estudyante na nakamata sa amin. Napailing ako na napabuga ng hangin.
"Okay lang ako, love. Naiilang lang ako. Pinagtitinginan tayo oh? Tiyak na pag-uusapan ako dito sa university na makita nilang ako ang sakay nitong sasakyan mo," sagot ko na pilit ngumiti na nilingon ito.
Napanguso naman siya. Hawak-hawak pa rin ang isang kamay ko.
"Don't mind them. Good or bad comments are normal to us. That's part of our life. Ang mahusgaan ng ibang tao. Hayaan mo lang sila kung ano ang isipin nila sa'yo. Ang mahalaga, kilala mo kung sino ka talaga." Saad nito na marahang pinisil ang palad ko.
"Hindi naman ako ang inaalala ko, love. Kung ako lang, kaya kong tiisin at hwag pansinin ang mga negatibong ibabato sa akin ng mga tao." Wika ko na napahalik sa palad nito.
Napangiti naman ito na nakamata sa akin. Kita ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata.
"Ikaw itong inaalala ko, love. Ayokong pagsalitaan ka ng masama nang dahil sa akin. Sino ba naman ako para sa'yo, 'di ba? Tiyak na sasabihin nila, hindi tayo bagay, wala ka na bang ibang pamimilian? Ang daming gwapo na nanliligaw sa'yo pero ako itong pinili mo. Tiyak aalamin nila kung sino ako, saan ako nagmula at anong klaseng pamilya ang pinagmulan ko. Pagtatawanan ka nila, love. Dahil sa akin," wika ko dito na napahinga ng malalim.
"Ano ka ba? Kung sakali at batuhin nila tayo ng mga ganyang salita, ano naman, 'di ba? That's their opinion. Alam mo, ang mga taong nambabato ng masasakit na salita sa iba, lalo na 'yong mga taong hindi masaya sa success ng iba? Sila talaga ang may problema. Sila iyong walang nararating. Sila iyong puro negativity ang nasa katawan at insecure sa mga taong nakikita nilang umaasenso. Mga naiinggit sa tagumpay ng iba at gusto, sila iyon. Their opinions are not important to us, love. I like you, just the way you are. Kaya anuman ang sabihin nila. . . walang magbabago sa pagtingin ko sa'yo. I still like you," nakangiting saad nito na napakindat pang ikinangiti ko na nag-init ang pisngi ko sa pakindat niya.
"Ahem!"
Napatikhim ako na hindi mapigilang mapangiti. Nag-iwas ako ng paningin dito na nangingiting matiim na nakatitig sa akin. Para tuloy akong yelong unti-unting nalulusaw sa kanyang matiim na pagtitig.
"Sige na nga. Mauna na ako, hmm? Baka ma-late ako sa exam ko e." Pag-iiba ko at meron na lamang akong ten minutes bago magsimula ang klase.
Humawak naman ito sa batok ko at hinila akong sinalubong ang aking mga labi. Napangiti ako na humawak sa batok niya at buong pagmamahal na tinugon ang halik nitong napaungol. Ang sarap sipsipin ng mga labi nitong napakalambot, idagdag pang napakabango ng hininga nito. Ang sarap nitong halikan na sinasabayan ang bawat paghagod ng mga labi ko.
"Uhmm--love," reklamong ungol ko na pinutol ang malalim naming halikan.
Naghahabol hininga kaming dalawa na napangiti sa isa't-isa.
"Good luck, love. Hwag kang magpapa-cute do'n ha? Sunduin kita later." Malambing wika nito na hinaplos ako sa pisngi at mariing humalik sa noo ko.
Napangiti ako na hinalikan ito sa pisngi. Napalapat naman siya ng labi na namula ang pisngi at kita ang kakaibang kinang sa mga mata niya.
"Opo, hindi naman ako gano'n. Mag-iingat ka rin sa trabaho ha? See you later, love ko." Sagot ko dito na impit na napairit.
Natawa ako na muli siyang hinalikan bago pinakawalan. Sabay na kaming bumaba ng kotse. Napasinghap pa ang mga schoolmates ko na nakaabang sa paglabas namin at nagulat na makilala nila ako. Hinintay ko si JM na makalapit sa akin dito sa driver side. Magaan pa itong yumakap sa aking ikinangiti ko na magaan din siyang niyakap pabalik at hinagkan siya sa ulo.
Napatingala ito na ngumuso kaya yumuko akong nag-smack kiss dito. Dinig pa naming napairit ang ilang schoolmates kong babae sa nakita nila.
"I will miss you, love. Hwag mo akong masyadong isipin ha? Magkikita naman tayo mamaya e." Pilyang tudyo nito na mahinang ikinatawa ko.
"Ikaw talaga. I will miss you too, love. Drive safe, hmm?" wika ko na inalalayan na itong makasakay.
Marahan kong isinarado ang pintuan ng kotse at nakangiting kumaway dito na nagbusina na muna bago tuluyang umalis. Nang mawala na ito sa paningin ko, saka na ako umalis sa kinatatayuan. Umarte akong normal kahit nakamata sa akin ang mga schoolmates namin. Bakas ang katanungan at kamanghaan sa kanilang mga mata. Pero dahil hindi naman nila ako lubusang kakilala dito sa university, nahihiya din silang magtanong sa akin. Tiyak kong nakikilala nila si JM at tiyak ding kakalat sa internet ang mga kuha namin kanina ni JM.
Nagtuloy-tuloy akong pumasok ng university. Tumuloy na ako sa classroom ko kahit pinagtitinginan ako ng ilan at nagbubulungan pa. Kahit hindi ko sila prangkahin, alam ko, dama kong karamihan sa kanila ay minamaliit nila ako sa uri pa lang ng tinging iginagawad nila sa akin.
Pagpasok ko sa classroom namin, may ilan na akong classmates na naririto at sabay-sabay pa silang napalingon sa akin. Hindi nakaligtas sa akin na nagsikuhan sila at hawak ang kani-kanilang cellphone. Tumuloy ako sa silya ko at inalabas ang notebook at pen ko. Kahit dama kong nakamata sila sa akin at nagbubulungan sila, hindi ko na lamang sila pinapansin. Inaasahan ko na ito. Sasanayin ko na lamang ang sarili ko. Ilang buwan lang naman na. . . ga-graduate na ako.
LUMIPAS ang mga araw, unti-unti din akong nasanay na pinagtitinginan ako sa school namin at laman ng kani-kanilang usapan. Hindi ko na lamang sila pinapansin. Ang mahalaga naman ay hindi nila ako ginagalaw sa loob ng campus. Kaya kahit pinag-uusap-usapan nila ako tungkol sa amin ni JM, hindi ko na lamang sila kinokompronta.
Wala akong matatawag na mga kaibigan dito sa university. Kaya sanay akong mag-isa at naka-focus sa pag-aaral ko. Kabilang din ako sa mga top student at wala akong record na napaaway ako dito o na-issue na may girlfriend ako dito sa campus kaya wala silang masamang maibato sa akin.
Kumalat na nga sa internet ang tungkol sa akin. Dahil marami sa schoolmates ko ang nagpapakalat sa internet ng tungkol sa akin, magmula nang malaman ng publiko na girlfriend ko si JM. Katulad ng inaasahan ko, marami ang nangungutya sa akin at sinasabi na hindi kami nababagay ni JM pero-- marami din naman ang sumusuporta sa amin. Karamihan sa mga sumusuporta sa amin, mga schoolmates ko at mga nakakakilala sa akin. Sila ang nagtatanggol sa akin sa mga basher ko at ipinagkakalat nila kung sino talaga ako sa loob ng campus. Malaking tulong na malinis ang record ko dito sa campus, kaya marami din ang kumakampi sa akin, kahit na hindi naman talaga nila ako kilala.
"How's your day, love?"
Napangiti ako na maabutan dito sa condo si JM. Umuwi kasi ito kahapon sa mansion nila sa Madrigal's compound. Kaya mag-isa ako dito sa condo kagabi at kaninang umaga.
Yumakap ito sa akin na niyakap ko pabalik. Pagod ako sa school pero-- pakiramdam ko, unti-unting naglalahong parang bula ang pagod ko dahil yakap-yakap ko ang mahal ko. Ang sarap sa pakiramdam na yakap-yakap ko ito kung saan walang ibang taong nakakakita sa amin. Malaya kaming maglambing sa isa't-isa na walang inaalalang tao na huhusga sa amin, lalo na sa akin.
"Nakakapagod pero-- okay na ako, love. Nandito ka na e." Sagot ko.
Kumalas kami sa isa't-isa. Napangiti kami sa isa't-isa na nagkatitigan. Napahaplos pa ito sa pisngi ko habang nakayapos ako sa baywang niya.
"Naku, paano 'yan, love, papagurin pa naman kita." Pilyang saad nitong mahinang ikinatawa ko na napapisil sa baywang niya.
"Ikaw talaga." Wika ko na kinarga itong napairit na yumapos sa batok ko.
Dinala ko ito sa sala at naupo na karga siya sa lap ko. Umayos naman ito na humarap sa akin, habang nakaupo pa rin sa lap ko. Nalihis na tuloy ang skirt nito at nakalantad ang maputi at makinis niyang hita.
"Siya nga pala, love. It's my parents wedding anniversary this coming saturday. Isasama kita ha? Para na rin makilala mo ang pamilya ko," wika nito habang nakakapit sa balikat ko.
Napatikhim ako na hindi kaagad nakasagot. Ilang beses na akong inaaya ni JM na isasama niya ako sa mansion nila para makilala ko ang pamilya niya pero-- tumatanggi ako. Nahihiya kasi ako at kabado na makaharap ang buong angkan niya. Alam ko kasing sa Madrigal's compound, naroon ang buong angkan nilang mga Madrigal. Kaya tiyak na hindi lang ang mga magulang at kapatid niya ang makakaharap ko doon kundi. . . lahat sila sa pamilya. Kasama ang mga grandparents niya, mga pinsan, mga tito at tita niya ay naroroon.
"Uhm, h-hindi ba nakakahiya, love? Hindi naman ako parte ng pamilya niyo--"
"Problema ba iyon? Then let's get married, love." Putol nitong ikinaawang ng labi ko at napakurap-kurap sa kanyang tinuran.
"H-ha?"