Nasa labas na sina Ruth at Steffan, nakaupo sa may sofa habang hinihintay si Ray na lumabas mula sa kan’yang kwarto. Nag-uusap ang dalawa tungkol sa maaring pag-alis ni Steffan mula sa kan’yang trabaho dahil nga sa sitwasyon ng kan’yang ina. Nagulat ng husto si Ruth dahil wala pa s’yang kaalam alam patungkol sa lahat ng pasikot-sikot sa trabaho ni Ray. Habang nag-uusap ay binigyan na ni Steffan si Ruth ng ilang pointers at tips para maging effective ito sa trabaho n’ya. ‘Di maiwasan ni Ruth na maging hesitant dahil masyadong biglaan ang pagbabalita ni Steffan patungkol sa kan’yang napipintong pag-alis. “Kailan ka po ba aalis , Sir Steffan.” Pag-aalala ng dalaga. Binigyan s’ya ng malungkot na ngiti ni Steffan. “When I know that I can leave this job to you without any worri

