CHAPTER 22

1575 Words

Pauwi na sina Steffan at Ruth, bitbit ang mga paperbag na pinaglagyan ng mga pinamili nilang damit. Sa sobrang dami ay halos pinagtitinginan na sila ng mga tao saan man sila magtungo sa loob ng Mall. Ramdam man nila ang mga usiserong tingin ng mga tao ay ipinagwalang bahala nila ito sapagkat ‘di naman nila kilala ang mga ito, at saka naiinggit lang ang marami sa kanila.   Tama nga ang sinabi ni Ray kanina sa Blue Generations Hotel and Restaurant. Kapag hinayaan lang nila na si Ruth ang mamili talagang walang mangyayari dahil gaya ng ibang taong namulat sa kahirapan, inaalala rin ni Ruth ang presyo ng bawat damit. Kahit na sa unang tingin palang nito sa damit ay agad nitong nagugustuhan pero kapag nalaman n’ya ang presyo, magsi-settle agad s’ya sa pinakamura.   Napansin ito ni Steffan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD