Nang makauwi ay agad na nagtungo si Ruth sa kan’yang silid. Bahagya s’yang napasandal sa pinto habang nakalagay ang kan’yang kanang kamay sa dibdib. Ang lakas ng t***k ng puso n’ya. Palagi n’yang naalala ang mukha ng babae kung paano ito umungol na waring ay nasasaktan. Napaisip tuloy s’ya kung masakit ba ang bagay na ‘yun. Agad s’yang nagbihis ng kan’yang pambahay na damit at magpapahinga na sana s’ya at matulog para mapalis na sana sa kan’yang isipan ang natunghayan n’ya pero nagulat s’ya nung may biglang kumatok sa kan’yang pinto dahilan para mapatalon s’ya para pagbuksan kung sino man ito. Laking gulat ni Ruth nang makita n’ya ang kan’yang amo na bago lang natapos maligo dahil sa basa nitong buhok. Naka-boxer shorts lang ito at walang damit pang-itaas kaya naman lantad na l

