Nang binuksan na ni Ruth ang pinto, agad bumungad sa kan’ya ang babaeng humihikbi sa may kilid ng kama. Nakaupo ito sa sahig na nakatungo. Hubo’t hubad ito. Daglian ring napansin ni Ruth ang mga kalat sa buong kwarto ng kan’yang amo. Ang estado nito ngayon ay sobrang malayo kaysa kanina nung nilinis n’ya ito. May mga basag na flower vase sa sahig. May mga damit panlalaki ring punit. Sa may kama, agad napansin ni Ruth ang dugo na nagmantsa sa puting bedsheet ng kan’yang amo. Bago sinimulan ni Ruth ang paglilinis ay lumapit muna s’ya sa babae kahit na ang lakas ng pagtibok ng puso n’ya. May kaunting takot s’yang naramdaman dahil wala s’yang kaalam-alam sa kung anong dapat gawin sa ganitong sitwasyon. Patuloy pa ring humihikbi ang babae kaya naman medyo napukaw rin ang simpatya ni R

