Most Beautiful Mistake Part 1

4947 Words
The Most Beautiful MistakeBy: Anonymous Nagising ako sa tunog ng pag-bagsak ng sapatos sa sahig. "Hey, I'm leaving soon. Just lock the room before you leave." Sabi sakin ng isang di ko kilalang boses. Pagbukas ng mata ko, nakita ko ang isang lalake na nakabihis ng pantalon na slacks at walang damit. Maganda ang hubog ng katawan at medyo may itsura. Ang totoo, gwapo siya. Sinwerte yata ako kagabi. "Sino ka?" tanong ko sa kanya, kahit alam ko na. "So you get amnesia on the day after?" sagot niya habang nagpupunas ng buhok. "What time is it?" Hindi ko na sinagot ang tanong niya. "Quarter past two." Biglang nagising ang diwa ko. Naalala ko ang kasal ng kapatid ko. "s**t!" Sabay bango ko sa pagkakahiga a dali-daling pinulot ang damit ko sa sahig at nagbihis. "s**t! s**t! s**t!" "Ano, natatae ka?" nang-asar pa ang gago habang tumatawa sa sinabi nya. Hindi ko na pinansin at nagmadiling umalis. "Matteo." sabi niya sakin bago makarating sa pinto. "Ano?" "Matteo ang pangalan ko. But my mum calls me Pikoy." Natawa ako sa sinabi niya. Alam niya kaya na t**i ang tawag sa kanya ng mama niya? Inisip ko na parang tugma naman, base sa nangyari kagabi. "What's so funny?" "Forget it." Sabi ko bago tuluyang lumabas sa pinto. "Bye, Pikoy."Tawa ko sa sarili ko. Ilang segundo pa lang ako nakalabas ng pinto ng bumalik ako sa kwarto niya. "Where's my car?" tanong ko sa kanya "Alchemy. We used my car last night. If you want I can…" Kabog ng pinto na ang nagpatahimik sa kanya. Matagal na ako sa sirkulasyon, `di na bago sakin ang magising sakama ng isang estranghero. Di ko na inaalam ang pangalan, wala ng usapan. Walang kakabit ng tali. May pagka-abnormal yata ako. O malamang, kahit hindi ko maamin sa sarili ko, takot lang talaga ako. Naranasan ko na. Matagal na panahon na rin pero ayaw ko na ulitin. Hindi na ako natuto sa nakita ko sa mummy at daddy ko. O kaya sa mga kapatid nila. O sa mga napapanood ko sa peikula. Walang katuturan ang relasyon. Walang kauturan ang kasal. Pero kahit ilang ulit kong sabihin yun sa nakababata kong kapatid na babae, hindi parin siya nakinig sakin. Ikakasal siya ngayong araw. Lintik. Basta sinabi ko na lang sa kana na wag akong sisihin sa hindi magandang mangyayari. Dali-dali na lang akong kumuha ng cab sa ibaba ng condo niya. Hindi mahirap makakuha, sa Eastwood siya nakatira. Hindi ko namalayan yun kagabi. Pagkakuha ko ng kotse, direcho na ako ng unit ko sa Ortigas, mabilis na paligo, konting pabango. Nahirapan lang ako sa pagsuot ng ribbon sa leeg. Hindi ako marunong kaya tsumaba na lang ako. Kung pwede lang sanang mag t-shirt na lang. Thirty minutes bago magsimula nakaratig na ako sa pagdadausan ng kasal — isang maliit na chapel sa New Manila. Mabuti na lang pala hindi ako nag t-shirt kung hindi magmumukha akong basurero sa gitna ng mga taong ito. Pagkalabas lang ng kotse ko, naramdaman ko ang cellphone sa bulsa. Si bunso tumatawag. "BB?" pambungad sakin ng kapatid ko. BB ang tawag nya sakin, ibig sabihin big brother. Nahilig yata masyado sa Pinoy Big Brother `tong kapatid ko. Merong iba sa boses niya. Malungkot. Umiiyak. "Nasan ka?" tanong ko sa kanya. "Sa room dito sa likod." "Punta na ako diyan. Hintayin mo ako." Nadatnan ko si Kelly na umiiyak sa harap ng salamin. Suot na ang kanyang traje-de-boda, maayos na ang buhok, mejo magulo ng konti ang make-up dahil sa kakapunas ng luha. Biglang ngiti pagkakita nya sakin. Agad ko syang nilapitan at niyakap. "What's wrong?" tanong ko. Natatakot ako sa isasagot niya. "You look better than I do on my wedding day!" Pabiro niyang sabi habang humihikib. Hindi ko na napigilan ngumiti. Akala ko sasabihn niya sakin na hindi na tuloy and kasal. Masyado yata talaga akong nanunuod ng pelikula. "I miss you." "Miss me? Eh di naman ako nawala ah!" sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang luha nya. "`Di naman kelangan wala para ma-miss." Alam ko ang ibig sabihin ni Kelly. Mag-aasawa na siya. Natural lang ang umiyak. "And I miss dad. Sana nandito siya." "Kelly…" Hindi ko na ala ang susunod kong sasabihin. Siguro nga, ganoon talaga kahalaga sa isang babae ng ilakad sa altar ng kanyang ama. "Kelly, it's all right. I'll walk you down that aisle. Tahan na, wag ka ng umiyak. Tingnan mo ang pangit-pangit mo na oh. Para kang punk diyan sa mascara mong sabog." Tumahan na rin siya sa pag-iyak at tumawa. "Let's fix you up, okay?" "You're always so good at that," sabi niya sakin. Habang tinatanggal ang ribbon sa leeg ko para ayusin. "And I always will be. I'm you're big brother, that's what I do."Kami lang ni Kelly and magkapatid. Tatlong taon ang tanda ko sa kanya pero kahit ganoon, naging malapit parin kami sa isa't-isa. Dala na rin siguro ng pagigi naming ulila sa ama kaya ako na ang nagsilbing gabay sa kanya. Nandiyan ang mummy namin pero iba parin ang may lalake na tumitingin sayo habang lumalaki ka. Wala kaming sikreto sa isa't isa ni Kelly, alam nia ang pagkatao ko at ni minsan ay hindi niya pinaramdam sakin na nag-iba ang turing niya mula nung malaman niya. Ang naaalala ko lang nung malaman niya, sabi niya may mag-lilinis na ng mga kuko niya ng libre. Sabay tawa. Noong nagdadalaga si Kelly, ako parin ang bantay niya — tagahatid sa gimik, taga-sundo sa school, taga-screen ng boyfriend. Si Macky ang naging pinaka-matino sa naging nobyo niya. Kaya siguro hindi niya siya nagdalawang- isip nung nag-propose ito sa kanya. At nagpropose pa talaga ang mokong sa kapatid ko habang nandun ako. Sa isang banda, dahil sa ginawa niyang iyon, naisip ko na sincere nga siya sa kapatid ko. Utos kapatid ko na lang, huwag na huwag sasaktan ang bunso ko kung hindi hukay ang katapat niya. "BB, umamin ka sakin." sabi ni Kelly habang inaayos ang ribbon. "Ano yun?" "Crush mo si Macky dati, noh?" "HA?! Si Macky? Kadiri!" "Asuuus! Kadiri ka pa diyan! Kala mo ba hindi ko nahalata? Lagkit mo kaya makatingin! Parang kakainin mo eh!" "Ah. Hehe." Buking! Baka sakalin ako ng ribbon ko. "Sarap nyang tingnan eh!" Sabi ko ng pabulong. "Masarap talaga! Pero ikakasal na kami at inaalisan na kita ng karapatan na masarapan!" Sabay ngiti sa sinabi. "Ask me bakit ako pumayag magpakasal." Tanong niya sakin. "O sige, bakit?" "Kasi dati nararamdaman ko, malapit ka na niyang patulan! Parang may tendency, alam mo yun?. Baka makawala pa eh!" Sabay tawanan kami ng malakas. Bruhang to! Kung hindi sana naglandi eh sakin sana si Macky! "Kelly?" Sabi ng isang pamilyar na boses mula sa bumubukang pintuan. Si Mummy. "Mummy!" Sabi ni Kelly sabay yakap kay Mummy, naiiyak ulit. Pagkatapos naming maayos ang make-up niya! "Oras na, baby." Sabi ng mummy ko. "Oh sige, mi!" sabi ni Kelly habang nagpupunas ng luha. "Lalabas na kami sandali na lang." Tumango sakin at umalis na si mummy. "Isn't she ging to give you "The Talk"? tanong ko kay Kelly. "Tapos na. Kagabi pa." "Hmm… convenient. Para di na masira make-up mo." Inayos ko na ang belo ni Kelly. Bumukas ang pinto at pumasok si Nina, and bestfriend ni Kelly sabay tili ganun din si bunso. "Ang ganda-ganda mo, friend?" sabi ni Nina. Itim ang kulay ng kasal ni Kelly kaya itim ang suot ni Nina at may bulaklak sa puti sa tenga. Si Kelly lamang ang naka suot ng puti. Inabot ni Nina ang isang pirasong bughaw na tulip kay Kelly, and kanyang boquet. "I know!" sabi naman ni Kelly habang nagpo-pose ala-modelo sabay pakingdat-kindat na mata. Tumawa na lang ako sa dalawa. Naging malapit nadin saakin si Nina dahil sa madalas pagpunta niya sa bahay namin nung doon pa ako sa amin nakatira. Magka-classmate sila ni Kelly mula pre-school at di na naghiwalay ang dalawa. Akala ko dati susunod si Kelly sakin at magiging lesbiana. Mabuti na lang hindi, gusto ko ng pamangkin dahil alam ko wala akong magiging anak. "Tara na! Dalawang `to para kayong mga ewan diyan" sabi ko. Hindi nagtagal tumugtog na sa loob ng chapel. Natapos ng maglakad ang lahat, nagsimula ng tugtugin ang Bride's Chorus, hudyat ng paglakad ko kay Kelly sa altar. Totoong pinaka- maganda ang babae sa kanyang kasal. Hindi maitago ni Kelly ang saya, ito na ang pinakamalaking ngiti na kakita ko sa kanya. Nagsitayo na ang lahat. Nakita ko si Macky sa harap, talagang napaka-gwapo ng magiging bayaw ko. Nainis ulit ako kay Kelly. Mang-aagaw na bruha! Sino yung nasa tabi ni Macky? Best man, natural, pero ngayon ko lang siya nakita. habang papalapit kami sa altar unti-unti kong naaninag ang mukha ng best man nila. s**t! s**t! s**t! Mali ako, nakita ko na pala siya. Si Pikoy. Nahalata ni Kelly ang mukha ko, nanlaki ang mata ko sa pagkabigla. "Okay ka lang, BB? Parang ikaw ang ikakasal ah!" Mahinang sabi niya sakin. "I'm just… I'm just so happy for you." Okay na sa sagot na yun si Kelly, iniabot ko na siya kay Macky habang pilit na umiiwas sa tingin ni Matteo. Alam ko na namumukhaan niya ako, ang laki ng ngiti niya saakin. Halos may kasama pang tawa. Hanggang matapos ang sermonya, hindi ako mapakali. Tingin ng tingin sakin si Matteo. Ramdam kong naubusan ako ng dugo sa mukha. Iniisip ko, eh ano ngayon? Pero hindi nakatulong. Nang matapos ang kasal, dumirecho agad ako sa kotse para pumunta sa reception sa clubhouse ng village na tinitirahan ngayon ni mummy. Pagkabukas ko ng pinto nakita ko ang reflection ni Matteo sa salamin ng pintuan. "What?" Tanong ko sa kanya na parang wala lang. "What did you say your name was again?" Sabi niya ng nakangiti. "I didn't tell you my name." Sagot ko sa tanong niya. "Oh yeah, you didn't. So… what is it? What's your name?" Pagpupumilit niya sakin. "Hindi mo na kailangan malaman." Pumasok na ako at sinimulang paandarin ang kotse. Hindi pa nakakaandar ay hinarangan niya ang kotse ko. Binuksan ko ulit ang pinto at bumaba. "What do you want?" Asar na taong ko sa kanya. "A ride. My friend took my car and there's no one else around." Sabi niya. Napansin ko nga, wala na lahat ng sasakyan. Walang dumadaan na taxi dito. Naasar ako sa kanya pero naawa din ako. Hindi ko naman siya pwedeng iwan dito. Kahit gaano ko kaasar, pinapasok ko na lang siya sa kabilang pinto. "Thanks," wika niya pagkapasok sa pinto. Hindi ako sumagot. Naging napaka awkward ng sandali kaya nagsimula ulit siyang magtanong, "So… are you like Kelly's father?" Tumingin na lang ako sa kanya na gustong kong sabihin na napaka-tanga ng tanong niya. "Oookay… Hindi ka naman ganun katanda ang itsura mo." Tahimik parin ako. "Marunong ka naman magsalita, diba?" "Oo." Yun lang ang naging sagot ko sa kanya. Nakarating na rin kami sa wakas sa clubhouse. Sa akin lang parang limang oras ang nilakbay ko. "That was a nice conversation. " Sabi niya.Nakangiti parin siya sakin, walang bahid ng pagka-inis sa mukha niya. Maganda ang ngiti ni Matteo. Maganda ang labi niya, ang mga ngipin, ang mga guhit sa tabi ng labi. Naalala ko bigla kagabi noong nakapatong ang mga labing yun sa labi ko. Ibang klase kung humalik si Matteo, mabagal, sensual, matamis. Napakagat ako ng labi. Nakatingin parin siya sakin na parang nang-aakit. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko, mabilis na inabot ko sa leeg nya ang kamay ko at hinila ko ang leeg niya papunta sakin. Mabilis naman nagpatong ang labi namin. Pero hindi siya humahalik. Oo nga't nakapatong ang labi niya pero hindi gumalaw. Tang ina, napahiya ako! Inalis ko na ang labi ko at bumalik sa pagkakaupo. "Thanks for the ride." Binuksan na niya ang pinto at lumakad papunta ng clubhouse. Ilang beses kong inuntog ang ulo ko sa manibela. Ang tanga-tanga ko! Shit! Pero kasalanan niya! Nang-aakit siya eh! Ang mokong na `to! Nanliit ako, di ko alam kung pano ko ipapakita ko mukha ko sa kanya mamaya. Paglabas ng ko ng kotse ay nakapagsindi muna ako ng dalawang yosi para magipon ng lakas ng loob. Sa loob nakita ko agad si Mummy at Macky nagsasayaw, ang ama naman ni Macky at si Kelly. Hindi ko nakita si Matteo. Mabuti naman. Lumapit ako sa ama ni Macky at Kelly. "May I, Mr. Santana?" Tanong ko sa ama ni Macky. "Of course." Sabay abot sakin ng todo-ngiting si Kelly. "You have a wonderful sister" "I know, sir. Thank you." Ngumiti ako sa kanya at umalis na din para umupo. "So… Mrs. Santana…" napangiti kami pareho ni Kelly. "Of course I know you're wonderful, you're my sister." "Mana-mana yan, diba, BB?" "You know it! Bunso, pwede ba akong sumama sa honeymoon niyo?" pabirong tanong ko kay Kelly. "Para matikman ko man lang si Macky." "Ay sorry ka, hindi pwede! Dapat ginahasa mo siya nung di pa kami kasal. Off-limits na siya ngayon." "Malas." Nagsabay kami sa isang malakas na tawa ni Kelly hanggang ma tumapik sa balikat ko. Pag lingon ko nakita ko si Matteo. s**t ulit! "Matt!" Sabi ni Kelly kay Matteo. "Oh, I haven't introduced you yet.  Matt, meet the most wonderful brother in the whole wide world, Kiros." "Well, it's certainly a rare occassion to meet the most wonderful brother in the world." Inabot niya sakin ang kama niya sabay ngiti. Lintik na ngiti yan pinahiya ako kanina. At aktor ang mokong na ito. Makikisakay na lang ako.  "Matt is Macky's brother," sabi ni Kelly. Double s**t! "Ah… yes… I'm Mack's brother. I'm sorry I didn't tell you," sabi sakin ni Matt na todo ang ngiti, halatang natatawa. "Wait, so you know each other?" Tanong ni Kelly kaw Matt. "Yeah… well, not really. Sinakyan ko siya kanina." Parang nawalan ako ng hininga sa sinabi niya. "I mean, nakisakay ako sa kotse niya papunta dito." "Ahhh." sabi ni Kelly na halatang iba ang inisip sa sinabi niya. "Uhm.. she's… yours. I gotta get myself a drink." Umalis ako sa kinatatayuan ko at lumapit sa pinakamalapit na waiter na may dalang champaigne at inubos sa isang lagok. Bago umalis ang waiter, kumuha ulit ako ng isa at lumabas sa may kotse ko, nagsindi ng yosi. Pagkatapos ng ilang sandali, lumabas si Kelly, nababahala ang mukha niya. "Okay ka lang, BB?" "I slept with Matt!" Biglang bukas ng bibig ko, hindi ko na napigilan. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun bigla pero wala na ako magagawa, nakalabas na. Siguro dahil mapagkakatiwalaan ko si Kelly. "YOU…" Gulat na sabi ni Kelly. "You slept with Matt?!!!" Hininaan niya ang boses niya. "Who slept with who?" Sabi ni Macky paputa sa kinaroroonan namin. Narinig niya kaya? Tang ina, so much for trusting Kelly. "Yeah, who slept with who? Si Matt, kasunod sa yapak ni Macky. "Excuse me, this is a private conversation, God! And my s*x life is none of your business!!!" Galit na sabi ko sa dalawang dumating. "May boyfriend si Kiros." Sabi ni Kelly kay Macky, sabay tingin kay Matt na nakangiti. "I DON'T HAVE A BOYFRIEND!" Asar na asar na talaga ako! "May boyfriend si Kiros?" Sabay na tanong nila Macky at Matteo. "Hindi niyo ba narinig ang sinabi ko?" Asaaaaar! "Honey, I think the guests are calling for us." Sabi ni Kelly kay Macky habang hinihila pabalik sa loob. "BB, mamaya na tayo magusap!" "KELLY!" Tawag ko sa kanya. "KELLY BUMALIK KA DITO!" Hindi na siya nakinig. "So you have a boyfriend?" Nagulat ako, nakalimutan ko na nandito pa pala si Matteo. Inubos ko ang natitirang champaigne, tinapon ang yosi at nagsindi ng bago. Hindi ko sinagot ang tanong niya. "You slept with me and you didn't tell me you have a boyfriend?" May bahid ng konting galit sa boses niya. "Is that why you're avoiding me?" "I don't have a boyfriend, she meant you," kalmado na ako ngayon. "So I'm your boyfriend?" Nakangiti na ngayon ang engot. "NO!!! Hindi kita boyfriend, wala akong boyfriend at definitely ayaw kong magka-boyfriend! " "Talaga lang ha…" "Talaga, now leave me alone!" "So you told Kelly about us?" Lumapit siya sa akin at sumandal din sa kotse ko katabi ko. "Look, there's no `us,' Matt!" "Ahu….okay… so you told Kelly about you and me?" Tinitigan ko na lang siya sa mata. Gusto ko na siyang sakalin. "Oookay… let me rephrase that, you told Kelly about what HAPPENED between you and, separately, me?" "Oo." Kinuha niya ang sigarilyo ko. "You are so into me, aren't you?" Pabirong sabi niya sakin at binuga ang yosi ko. "Gago!" "Alam mo sa tigin ko, may gusto ko sakin. Sinunggaban mo nga ako ng halik kanina eh." "Walang ibig sabihin `yun," namula ang pisngi ko sa sinabi niya. "Okay lang. `Di din naman kita gusto eh." "Good! That's good." Aray. mokong na `to. Nasaktan ako sa sinabi niya ah! Hindi ko alam kung bakit, siguro nasaktan ang ego ko. "But I bet, magkakagusto ka sakin! Pero hindi ako papatol sayo kahit akitin mo pa ako." "Hahaha!" Natawa ako sa sinabi niya pero sinadya kong lumakas ang tawa ko. "Never gonna happen." "We'll see about that, BB!" Tinapon na niya ang yosi at naglakad paputang clubhouse. "You're on, Pikoy!" Kinaumagahan, nagising ako sa ring ng telepono, si Kelly tumatawag. "BB," pambungad nyang bati. "Kelly ang aga pa!" "BB may utang ka saking kwento." "Masyado ka pang bata." "Pag-kinwento mo sakin, ikukwento ko sayo nangyari samin kagabi ni Macky." "Salamat na lang." "Che! Bahala ka nga diyan," mabuti na lang umalis na si Kelly sa piaguusapan namin. "BB, remember ha! You promised me you'll take us to the airport." Ngayon nga pala ang alis ni Kelly at Macky para sa honeymoon nila. Ako ang nagregalo kay Kelly noon, isang linggo sa Hawaii. "Yeah, yeah, I remember." "We're all packed up na, punta ka na dito." "Sige, shower na ako." Hinatid ko si Kelly at Macky sa airport. Ibinilin sakin ni Kelly ang bahay. Dun muna daw ako tumira para alagaan ang kanilang aso, si Legazpi. Napaka-istupidong pangalan para sa aso kung ako tatanungin mo, pero gusto ko na rin si Zap, tawag ko sa aso. Pumayag na ako. Pero pina-sumpa niya ako na doon ako matutulog hanggang dumating sila next week. Sabi ko walang problema. Pagkagaling ng airport, dumirecho na ako sa bahay nila para pakainin si Zap. Nabigla ako ng nakita kong bukas ag pinto, kahol ng kahol ang aso. May magnanakaw yata. Kumuha ako ng tubo na malapit sa may pintuan bago pumasok, inutusan ko ang sarili ko na itanong kay Kelly kung bakit may tubo dun. Napaka out-of-place. Hindi ako gumawa ng ingay, baka malaman ng magnanakaw na may tao at tumakbo. Walang magulo, walang nakuha sa sala, ang tv nandun parin at nakabukas. Siguro alam ng magnanakaw na matagal bago bumalik and may-ari ng bahay. Nasa kusina si Zap kumakahol. Kumakahol si Zap sa ref. Pagtingin ko, may lalakeng naka-dungaw at may kinukuha sa loob. "You have got to be kidding me!" sabi ko at nahulog ang tubo na dala ko. Napalingon si Matteo sa ingay ng tubo ng nahulog. "O, Kiros! Anong ginagawa mo dito?" Nilagay niya ang gatas na kinuha sa ref at binuhos sa lalagyan ni Zap. "I was going to ask you the same thing." "Well, Kelly asked me to stay here 'till they get back. You? What's your excuse? Sinusundan mo ako `no?" Ngumiti siya sa akin habang hinihimas ang ulo ng aso. "Remind me to kill Kelly when she gets back." Wika ko sa kanya. "Okay, I will." Pagkatapos noon umuwi na ako para kumuha ng mga damit sa gagamitin. Habang nasa byahe, nag-ring ang telepono ko. "Hello?" "Kiros? It's Matt." "Where did you get my number?" "Kelly gave it to me." "Remind me to kill her twice." Natawa siya sa sinabi ko. "Hey, listen, can you pick up a food for Legazpi on your way back." "What makes you think I'm coming back?" "Because I'm here. And I know you want to see me again." Puki ng ina! Ayaw niya talaga akong tigilan! Napaka aroganteng litsugas! Binagsak ko ang telepono. Pagkalipas ng tatlong oras nakabalik na ako sa bahay nila Kelly dala ang isang sakong pagkain ni Zap. Binuksan ni Matteo ang pinto. "You can't get enough of me, can you?" tanong ni Matt sakin. Sinubsob ko sa dibdib niya ang dogfood na dala ko. "Matt, listen, I have some rules." sabi ko sa kanya. "Bakit? Di naman ikaw may-ari ng bahay ah!" protesta niya. "Number one! Sa sala ka matutulog, sakin ang guest room." "Fine by me." "Two, salitan tayo maghuhugas ng pinggan. At three, bawal ka magdala ng lalake dito" "Gusto mo lang akong solohin."Dumirecho ako sa guest room dala ng mga gamit ko. Hindi ko alam ang tumatakbo sa utak ni Kelly pero hindi ako natutuwa. Ang lalake, pang isang gabihan lang. Akala ko sinwerte ako kay Matt nung inuwi niya ako sa bahay niya noong isang gabi. Mali. Pagkatapos kong maligo bumaba ako. Naamoy ko ang masarap na niluluto sa kusina. "Are you sure you can cook?" Tanong ko kay Matt. "I'm a chef!" "Hindi ko tinatanong kung anong trabaho mo, oo o hindi lang." "We're having Couscous-Stuffed Pork Chops." sabi niya. "Gusto ko ng sardinas." "Oh that is so rude!" "Baka may gayuma yang niluluto mo." Binigyan niya ako ng dirty finger. Kumuha ako ng softdrinks sa ref ni Kelly. "Get the wine, this will be finish soon." "Wine-wine ka dyan! Wag ka maarte. Couscous pork chop. Ha! Kuskusin ko yang mukha mo eh!" Nilaro ko si Zap hanggang makapag-handa si Matt ng mesa. Siya na rin ang kumuha ng wine. Inaamin ko, sa amoy at tingin ng niluto niya parang nagutom ako bigla. Chef-chefan nga si pota. Tinawag na niya ako para kumain. Ang gara ng pagkakaayos ng mesa, may kandila pa. "We're not on a date, you know!" sabi ko sa kanya. "Wag mong sindihan ang kandilang yan at lalong wag mong patayin ang ilaw." "It's called fine dining, Kiros. Get with the program." Hindi sinindihan ag kandila, bukas lang ang ilaw. Hindi ko maipagkakailang masarap talaga ang luto niya. Mga tipong tig-iisang libo ang bawat subo. Tahimik lang ako at nakatingin sa pagkain. Si Matt tingin ng tingin sakin hanggang di mapigilan magsalita. "We could at least be friends, you know." "I have enough friends." Sagot ko sa kanya. "Ano bang meron sayo, ha? Ganyan ka ba talaga? Pagkatapos ng isang gabi sa lalake, bale wala na sayo?" Hindi ko sinagot ang tanong niya at inatupag ang pagkain ko. Napailing na lang ang ulo niya at bumalik sa pagkain. "Ba't parang apektado ka?" tanong ko sa kanya. "You know why I even bothered talking to you that night? Kasi kita sa mata mo na malungkot ka. Nakatawa ka pero malungkot ka. Parang dapat may kumausap sayo kung hindi magpapakamatay ka." "Well, hindi ako malungkot, alright?" Naramdaman kong nagagalit sa kanya. Parang tinamaan ako. "Whatever you say. But I honestly thought you were going to be… different." Kinuha niya ang pinagkainan at nilagay sa lababo at iniwan niya akong kumain ng mag-isa. Natahimik ako sa sinabi niya. Tahimik ang buong bahay bigla. Si Zap lang at ang kanyang dila sa gatas ang tanging ingay hanggang narinig kong buksan ni Matt ang tv. Pagkatapos ng paghugas ko ng pinggan, kumuha ako ng dalawang baso at nilagyan ng wine. Hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman ko na kailangan kong humingi ng patawad sa kanya. Mahirap sakin ang paghingi ng tawad. Pano niya nagawang mapilit sakin yun? Naabutan ko si Matt na natutulog na sa sala habang bukas ang tv. Natigilan ako sa nakita ko. Si Matt lang naman. Pero parang iba ang Matt na to. Mas maamo ang kanyang mukha. Mas tahimik. Gumalaw ang labi niya na parang may nginunguya. Parang bata. Malalim ang pahinga niya. Medyo mahaba ang buhok ni Matteo, ilang piraso nito bumabagsak sa mukha niya. Isang kamay niya nasa tiyan, ang isa naman sa tabi hawak ang remote. Parang gusto kong hawiin ang buhok niya, hawakan ang labi niya at halikan ang mata niya. Naramdaman ko na kumirot ag puso ko. s**t! Di pwede `to! Binaba ko ang baso sa salamin na mesa sa sala. Anong gagawin mo, Kiros? Tanong ko sa sarili ko. Hindi ko gagawin ang gusto kong gawin. Hindi ako matatalo sa pustahan. Umalis ako sa sala at pumunta ng kwarto. Nahiga pero hindi makatulog. Iniisip ko si Matt at noong gabi na magkakilala kami. Hindi ko natatandaang sinabi niya ang pangalan niya pero ang alam ko 24 ang edad niya. Tinanong ko silang lahat ng edad nila. Twenty-five ako, hindi magkalayo ang edad namin. Tinanong niya kung pwede daw siya tumambay sa kinatatayuan ko. Sabi ko walang problema basta walang magagalit na nakikipag-usap siya saakin. Sa tagal ko na sa sirkulasyon, alam ko na ang gusto niyag mangyari.  Hindi ako tatanggi. Biyaya na, aayawan ko pa ba? Hindi ko maalala ang pinag-usapan namin pero alam ko na marami. Mukha naman siyang matalino, may sense kausap. Marami na rin ang nainom ko pero ayaw ko pang tumigil. Sabi niya, sa condo niya na lang daw kami uminom para kung sakaling makatulog eh may higaan. Pumayag ako. Gegewang-gewang na din ako kaya inalalayan niya ako. Nakatulog ako sa biyahe, kahit papano nagbalik ang ulirat ko. Pero hindi naalis ang libog ko sa kanya. Hindi pa tuluyang sarado ang pinto tinulak ko na siya sa likod nito at hinalikan sa labi. Hindi niya ako binigo at humalik naman pabalik. Habang pinupuno ko ng halik ang kanyang labi, sinimula kong hubarin ang suot niyang polo. Ganun din ang ginawa niya sakin. At nangyari nga ang nangyari. Isa si Matt sa pinakamagaling na nakatalik ko. Ibang klase siyang gumalaw. Nakakalibog ang kanyang boses habang nagpapahiwatig ng sarap. Mainit ang hinga niya sa batok ko. Marahan ang kanyang pag-indayog. Marunong siyang magpaligaya at alam niya ang dapat gawin para magpaligaya. Walang salita, alam namin pareho ang dapat gawin. Matapos `yun, binuksan ko ang bintana at nagsindi ng yosi. Natulog na si Matt. Malamig ang hangin ng Disyembre lalo na dahil naka-boxers lang ako. Habang nakatingin sa mga ilaw sa baba, hindi ko namalayan ang luhang tumulo galing sa mata ko. Hindi na bago sakin ang umiyak matapos gawin yun. Sa bawat pagkakataon tinatanong ko sa sarili ko kung ano ang ginagawa ko sa buhay ko. Anong makukuha ko dito. Oo nga't masarap pero nasasaktan ako pagkatapos. At hindi matumbasan ng sarap ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Ayaw kong masaktan pero ayaw ko din timigil. Napukaw ako ng gumalaw si Matt, tulog parin. Pinunasan ko ang luha ko at bumalik sa kama. Tumalikod sa lalakeng yun at pinilit na matulog.Nagising ako sa tahol ni Zap sa garden. Paglabas ko sa porch nakita kong nilalaro ni Matt ang aso ng frisbee sa garden. Nakangiti si Matt, iba sa itsura niya nung huli kaming mag-usap kagabi. Sana kinalimutan niya na yun. Ayaw kong pag-usapan. Pumunta ako sa kusina at gumawa ng kape, nilagay ko sa dalawang tasa. Paglabas ko nasa pool na sina Matt at ang aso. Nakita ako ni Matt at umahon, lumapit sa mesang pinaglagyan ko ng kape habang umupo naman ako. Walang suot ng t-shirt si Matt. Maganda talaga ang hubog ng katawan niya. Mas maganda pa dahil sa kumikintab sa araw na mga patak ng tubig dito. "Is that for me?" turo niya sa isang tasa ng kape. Umupo siya sa harap ko. "That's for Zap," birong sagot ko sa kanya. "Kanino?" tanong niya sakin. Hindi niya nga pala alam na Zap ang tawag ko kay Legazpi. Tinuro ko ang aso. "I thought his name's Legazpi?" "It is. But it's a stupid name so I call him Zap." sabi ko sa kanya. "Ah! Ako nagpangalan sa kanya." sabi niya sakin habang tinitingnan ang aso na inaalis ang tubig sa katawan. "Kaya pala." sabi ko sa kanya. "Sayo yang kape" "Thanks. Ako nag bigay kay Macky niyan bago pa sila ikasal ni Kelly. May alaga din akong pug, si Villalobos." Natawa ako ng malakas sa sinabi niya. "Bakit?" "And pangit mo magbigay pangalan sa aso." "Ganun ah! Eh ikaw nga diyan eh. Zap? Ano yun? parang kinuryente." Ngumiti kaming pareho, nagsalubong ang mata namin. Natahimik. "Sa tingin mo ba talaga malungkot ako?" tanong ko sa kanya. s**t! Sabi ko ayaw ko ng pag-usapan bakit ako pa ang nagsimula? Yumuko si Matt at ngumiti sa sarili. "Sa tingin ko? Oo. Kitang kita sa mata mo. Kahit gaano mo itago, makikita at makikita parin sa mata. Hindi ka magaling magsinungaling, kita lahat. Kung masaya ka, kung malungkot…" Nawalan ako ng sasabihin dahil sa sinabi niya. "Pero… kung sinasabi mong hindi ka malungkot… e di hindi!" ngumiti siya sakin ng matamis. Napakagat ako ng labi. "Do you believe in love?" biglang lumabas sa bibig ko. Ano ba `tong pinagtatatanong ko sa kanya? "Sabi ko na nga ba in love ka sakin." wika niya at mas lumawak pa ang ngiti niya. Yung wine kagabi, `tong kape… nagpapa-cute ka pa palagi." "May napakagsabi na ba sayo na napaka-arogante mong tao?" inis na tanong ko sa kanya. "I was just kidding! Where are these questions coming from anyway? Kaaga-aga nag e-emote-emote ka a diyan!" "My parents, they… they divorced when I was 15, Kelly was 12. Mgatito at tita ko, lahat, kung hindi divorced, hindi nag-asawa. Natatakot ako para kay Kelly." "Natatakot kang masaktan." "Ha? Ah… hindi, hindi… sabi ko si Kelly."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD