"Farrah?" Dahan-dahan na iminulat ni Farrah ang kaniyang mga mata. Nakaramdam sya ng paghaplos sa kaniyang pisngi ng kung sino at nang tuluyan na nga s'yang nagising ay nakita n'ya ang mukha ng kaniyang best friend na si Lore. "L-lore," tawag n'ya rito at halos bumubulong na lang s'ya sa hina ng kaniyang boses. "Oh mg God! Farrah, you're awake! Mabuti naman gising ka na! I was so so worried." Hindi napigilan ng kaniyang kaibigan ang pagtulo ng luha nito. "How are you feeling? May masakit ba sa 'yo? Do you want anything? Doctor! Oh wait, I'll call the Doctor!" Natataranta pa nitong sabi pero nang tumayo ito at akmang aalis ay nahawakan nya ang kamay nito kaya napatigil ang kaibigan. "Lore, just stay," aniya rito. Kunot-noong lumingon ito sa kaniya. She gave her friend a tiny nod t

