"Whose flowers are these?" Nagtatakang tanong ni Farrah dahil sa sobrang dami ng flower na inihatid sa kaniya. Sa kabila ng pagtatakang nararamdaman n'ya ay naroon din ang kaba at takot na hindi n'ya alam kung bakit n'ya ngayon buhay na buhay sa dibdib n'ya. "Para po kay Ms. Farrah Bressett," sagot ng babaeng may hawak ng bulaklak. "I did not order any flowers." Malamig na saad ng dalaga. "You must be mistaken," dagdag pa ni Farrah. Ngumiti ang babaeng may bitbit ng bulaklak at umiling. Iniabot sa kaniya ang mga bulaklak. Wala na s'yang nagawa kung hindi ang tanggapin ang mga ito. Diretso itong ipinadeliver sa bahay nila kaya mas lalong s'yang kinakabahan at ipinagtataka kung bakit dito sa bahay. "Salamat po, Ms. Farrah Bressett. Pasensya na rin po at kailangan talaga namin 'yan

