Hindi mawaksi sa isip ni Farrah ang sinabi ni Annaliese. She remembered her name when she happened to hear the old woman called her way back in the grocery. Hindi n'ya nagawang itanong dito kung sino ang tinutukoy nitong kapatid ng fiance nito na ngayon ay intern din ng BCC. Wala naman s'yang kinalaman sa kung sino ang tinutukoy nito pero hindi n'ya mapigilang isipin. Hindi nawawala sa isip n'ya ang bagay na iyon. Kahapon pa iyon nangyari pero nang dumating s'ya ulit dito sa kumpanya ay agad na bumalik sa isip n'ya ang eksena sa ibaba. "You seem so spaced out." Napatingin si Farrah sa isang tasa ng kape na dumating sa kaniyang mesa. Nang iangat n'ya ang kaniyang paningin ay nakita n'ya ang seryosong mukha ni Ervin habang nakataas ang kilay na nakatingin sa kaniya. "What's with th

