(Third Person's POV) Hindi niya mapigilang mapangise habang nakatingin sa mga taong halos magmakaawa na upang mailigtas ang kanilang buhay. This is the pleasure that he always want to achieve at ngayon ay abot kamay na niya, napakalaking galak sa kaniya ang mga nangyayari. Sa gitna nang kaniyang panonood ay napansin niya ang tatlong taong nasa labas ng Dome, sugatan ang mga ito at parang may pinag aawayan. Mas lalo siyang napangise sa nakita, mas nakadagdag ito ng galak sa kaniyang sistema. "Sige lang, mag away lang kayo. Punuin niyo nang galit ang inyong puso't isipan" Bulong niya sa hangin at unti unting nawala. --- (Cassidee) Tila hinigop ang kaluluwa ko sa sobrang lakas ng pwersang aking nilabas, ramdam ko ang pag iba ng kapaligiran hanggang sa pabalyag akong bumaksak sa sement

