[Shayle] Otomatiko akong napahinto sa presensyang naramdaman ko. Mabilis akong lumingon lingon sa paligid at pilit na hinanap kung saan nanggagaling ang presensyang iyon. Alam ko, alam ko kung kanino yun!,kahit na ilang taon na ang nakakaraan, alam kong sa kaniya ang naramdaman kong presenya. Pero...bakit siya nandito?. Tatakbo na sana ako nang bigla akong nahinto dahil sa isang kamay na pumigil saakin.Nang lingunin ko ito, nakabusangot na mukha ni Wong ang bumugad saakin. "San ka pupunta?" Puno nang katanungan ang mukha nito, sandali akong tumingin sa mga taong dumadaan sa harapan namin bago ko binalik ang tingin kay Wong. "Wala...nevermind" Agad na nagkasalubong ang kaniyang kilay saka padabong na binitawan ang kamay ko. Hindi naman ako nagreact at tumingin lang sa kaniya. "You've

